Kabanata 22

138 20 97
                                    

Read at your own risk

Dylan

Agad na nakarating sa akin ang balita at sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan. Alam ko na kaya ni Hunter ang sarili niya subalit parang may mali at hindi ko maipaliwanag kung ano.

"Saan pumunta si Hunter? Sabihin niyo sa akin kung hindi, makakatikim kayo. Nasaan?! Huwag niyong sasagarin ang pasensiya ko. Sagot!" singhal ko nang makapasok sa bahay na inaakupa ng aking mga kasamahan.

Bakas ang takot sa mga mukha nila subalit alam kong ito lang ang paraan para makakuha ng impormasyon. Mas mabuting ilabas ko ang sungay kaysa magbait-baitan sa harap nila.

"Dylan, hindi namin alam. Nagmamadali siyang umalis kanina at walang binanggit sa kanyang pupuntahan. Basta ang alam ko, ililigtas niya raw si Trinity," kinakabahang sambit ng isang miyembro.

Kaagad na kumuyom ang kamao ko dahil sa narinig. Mas trumiple ang aking kaba, hindi p'wedeng mapahamak si Trinity. Kailangan ko na talagang malaman kung nasaan ang mga hinayupak na 'yon kaya mabilis akong lumapit sa kanya at kinuwelyuhan.

"Sabihin sa akin ang nalalaman mo kung gusto mo pang mabuhay. Kilala mo ako, kaya kong pumatay ng walang pag-aalinlangan. Ang nangyari kay Trinity?" mariing giit ko sa kanya at pinasandal sa pader.

Nagulat ako nang may biglang magsalita at ikinasa ang baril. Panandalian kong ibinaling sa kanya ang aking atensyon at bahagyang napangisi nang makilala siya. Hanggang pagkasa lang ang kaya niya, hindi ito ipuputok.

"Matagal na simula nang huli tayong magkita, Dylan? Wala kang posisyon ngunit ang lakas ng loob mong manggulo rito? Saan ka ba kumukuha ng kapal ng mukha?" nakangising sambit niya sa akin.

Inis kong inuntog sa pader ang lalaking kinuwelyuhan ko kanina at nakangising humarap sa nagkasa ng baril. Hindi ako nagpakita ng anumang takot, bagkus ay lumapit pa ako sa direksyon niya.

"Sieko, ikinagagalak ko na nandito ka rin pala. Hindi na ako mahihirapang makakuha ng impormasyon dahil tiyak kong nakarating na sa'yo. Tama ba ako?" nakangising sambit ko sa kanya bago hawakan at ibaba ang baril na nakatutok sa akin.

Kaagad siyang tumama ng malakas at bahagyang tinapik ang balikat ko. Napailing na lang ang aming mga kasamahan at bumalik sa ginagawa nila kanina. Ngayon nandito na si Sieko, matutunton na namin sina Hunter at Trinity.

"Gusto mong hanapin sila, hindi ba? Ano pang hinihintay mo, halika na! Nasasayang ang oras natin sa pagiging makupad mo. Ang bagal," reklamo ni Sieko dahil nando'n na agad siya sa labas ng bahay habang ako, nakatayo pa rin.

Malalaki ang hakbang niya kaya wala na akong ibang pamimilian kung hindi tumakbo. Kapag hindi ko siya naabutan, mawawalan ako ng pag-asa na makikita pa si Trinity.

"Sieko, sandali lang! Huwag mo akong pagtripan, pakiusap. Kailangan ko ang tulong mo, nagsusumamo ako. Ililigtas ko si Trinity," hinihingal na sambit ko nang maabutan siya.

Bahagya siyang ngumisi sa akin bago ilagay sa bulsa ko ang susi ng sasakyan niya. Sumenyas pa ito na mauna ako upang pagbuksan siya ng pinto. Napailing na lang ako dahil sa ugali niya, isip bata.

"Kilala mo ang dumukot sa kanila. Ikaw na ang magmaneho papunta sa bahay ni Gideon. Tiyak kong nando'n na silang lahat. Kung gusto mong may mailigtas, ipaharurot mo ang sasakyan," sambit niya matapos makapasok sa loob ng kotse.

Nagpalit kami ng puwesto at ako na ngayon ang nakaupo malapit sa manibela. Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Hindi dapat kami mahuli.

"Sieko, saan mo nga ulit nakukuha ang mga impormasyon? Hindi mo mapigilang mamangha sa'yo, ibahagi mo naman sa akin kahit kaunting kaalaman lang," sambit ko sa kanya nang maipit kami sa trapik.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon