Kabanata 21

153 18 152
                                    

Read at your own risk

Hunter

Nakangisi ako habang naglalakad sa loob ng aking opisina. Hawak ko ang plaka na siyang gigimbal sa mundo ni Gerald mamaya. Titiyakin kong mararamdaman niya ang sakit na dinanas namin ni Trinity.

"Hunter, hindi ka ba hihinto sa paglalakad? Kanina ka pa, hindi ka ba nahihilo? Nakakainis ka naman, ang sakit sa mata," pagrereklamo sa akin ni Crystal.

Hindi ko na lang siya pinansin pa, sa halip ay muli akong ngumisi. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naiisip ko ang posibleng kahinatnan ng lahat.

"Ano ba, Hunter? Pakinggan mo naman ako. Nag-aalala ako dahil baka bigla kang mahilo mamaya at masira ang mga plano mo. Umupo ka na lang," nagsusumamong sambit niya sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang bumukas ang pintuan at inulawa nito ang isa kong kasamahan. Humahangos siya at bahagyang hinahabol ang hininga bago bumaling sa akin.

"Hunter, masamang balita. Papunta na rito kanina si Trinity subalit biglang may dumukot sa kanyang nakaitim na lalaki. Sasaklolo na sana kami ngunit nagpaputok na sila," natatarantang sambit niya sa akin.

Agad akong napamura dahil sa inulat niya. Basta ko na lang ipinatong sa lamesa ang plakang pinaglalaruan kanina at mabilis na kinuha ang baril sa aparador. Kasalanan ko kung may mangyaring masama kay Trinity dahil ako ang nagpapunta sa kanya.

"Crystal, ikaw na munang bahala rito. Kailangan kong bigyan ng leksyon ang nagtatangka sa buhay ng babaeng mahal ko. Hahanapin ko sila at tutugisin," mariing giit ko sa kanya.

Akmang lalabas na ako subalit biglang humarang si Crystal sa aking daraanan. Nag-aalala ang kanyang mukha subalit wala akong pakialam. Si Trinity ang may kailangan ng proteksyon ko, hindi siya.

"Hunter, huwag kang umalis. Kailangan ka namin dito dahil maaaring samantalahin ng ibang sindikato ang pagkawala mo. Hunter, hayaan mo na siya," nagsusumamong sambit sa akin ni Crystal.

Bigla na lang uminit ang aking ulo dahil sa sinambit niya. Hindi na ako nakapagpigil at mabilis na dumapo ang aking kamao sa mukha niya. Hindi niya ito inaasahan kaya nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Hunter, bakit? Ano bang mayroon siya na wala ako? Hinubad na lahat at inalis ang dignidad ko, bakit hindi mo pa rin ako magawang mahalin? Hunter, ayusin natin 'to," naluluhang sambit niya sa akin.

Bahagya pa siyang lumuhod sa akin subalit hindi ko siya kinaawaan. Wala namang nagsabi sa kanya na maghubad kaya huwag niya akong artehan. Sumama lang ako sa kanya dahil may kailangan, hindi ko siya mahal.

"Binabalaan kita, kapag may nangyaring masama kay Trinity, babalatan kita ng buhay. Ako mismo ang papatay sa'yo kaya huwag mong sayangin ang oras ko," mariing giit ko sa kanya.

Hindi pa rin siya nakinig sa akin kaya kaagad ko siyang sinipa sa mukha. Bahagya siyang napahiga sa sahig dahil sa ginawa ko kaya sinamantala ko na ito at mabilis na lumabas ng opisina.

"Hunter! Pagsisisihan mo ang pangbabalewala sa akin! Sinisumpa ko, luluhod ka sa aking harapan! Tandaan mo 'yan!" singhal niya sa akin subalit hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Mabilis akong bumaba sa unang palapag at tinahak ang daan palabas. Binuksan ko pintuan ng sasakyan gamit ang susi at kaagad itong pinaharurot. Nang makalayo ako, do'n ko lang napagtanto ang isang bagay.

"Tang*na! Hindi ko pala naitanong kung saan banda kinuha si Trinity. Hunter, mag-isip ka! Sino ang p'wedeng dumukot sa kanya?" naiinis kong tanong habang nagmamaneho.

Mahigpit kong hinawakan ang manibela habang pilit na inaalala ang mga kagalit naming sindikato. Maaari isa sa kanila ang may pakana. Akmang liliko na ako sa isang kanto nang biglang tumunog ang aking telepono.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon