Ikalabing-apat na Kabanata

221 52 104
                                    

Read at your own risk

Hunter

Tila biglang bumagal ang paggalaw ng oras at unti-unti kong nakita ang pagtama ng bala sa leeg ni Trinity. Bahagya akong natigilan subalit bigla na lamang pinulot ni Dylan ang baril ni Trinity sa sahig at mabilis na pinaputukan si Gideon.

"G*go ka! Bakit mo binaril si Trinity? Mga kasama, turuan siya ng leksyon. Huwag niyong papatayin, si Trinity ang papatay sa kanya, " maawtoridad na sambit ni Dylan sa mga kasamahan niya na nakabantay sa gilid ng bahay.

Kaagad na nagpaputok ng baril ang mga kasamahan ni Dylan at nang mapansin na nakahandusay ang katawan ni Gideon sa lupa, nagkumpulan sila at sinimulang bugbugin ang lalaki.

"T-trinity, huwag kang bibitaw. Lumaban ka, kaya mo 'yan. Hunter, tatayo ka na lang ba? Tulungan mo akong dalhin siya sa kotse at ihatid sa ospital," singhal sa akin ni Dylan habang tinatapik-tapik ang pisngi ng dalaga.

Sa sinabi niyang ito ay biglang nanumbalik at aking sistema at mabilis na tumakbo papalapit sa kinalalagyan ni Trinity. Wala na siyang malay subalit tumitibok pa ang kanyang puso nang hawakan ko ang pulsuan niya.

"Tang*na! Dalhin mo na siya sa ospital, ako na ang bahalang magparusa kay Gideon. Sisiguraduhin kong magbabayad siya, " inis na sambit sa akin ni Dylan at tinulungan akong buhatin si Trinity papunta sa asul niyang sasakyan.

Napansin kong kumuha ng makapal na kahoy si Dylan sa likod ng kanyang sasakyan at mabilis na lumapit sa akin. Buong lakas niyang hinambalos ang makapal na kahoy at dahil sa gulat ay hindi ko nagawang manlaban.

"Ang tanga niyo talaga, kahit kailan. Sa tingin niyo ba ay maiisahan niyo ako ni Trinity? Mga hunghang! Hindi niyo ako kilala, " nakangising sambit ni Dylan bago ako tuluyang mapahiga sa sasakyan.

Nakita ko pa ang unti-unting pagtayo ni Gideon sa gitna ng kumpulan at bahagyang pinagpagan ang sarili. Ngumisi ito ng nakakaloko bago magtungo sa kinaroroonan namin.

"M-mga g*go!" nanghihina kong sambit bago tuluyang lamunin ng kadiliman dahil sa paulit-ulit na paghambalos ng kahoy sa aking likuran.

Samantala, kaagad akong nagising dahil sa tubig na sumaboy sa aking katawan. Ramdam ko ang lamig ng tubig at nakakaramdam din ng kirot sa aking likuran.

"Kamusta, mabuti naman at gising ka na. Nasisiyahan talaga ako ngayon, magkakasama na rin tayo sa wakas, " nababaliw na sambit ni Dylan habang nakaupo sa isang silya.

Nakatali ang dalawang kamay ko sa itaas ng aking ulo na sinusuportahan ng makapal na kahoy sa kisame. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang hubo't hubad kong katawan.

"Hunter, anong pakiramdam na ikaw ngayon ang bihag? Ano kayang mararamdaman mo kung gawin ko ang kademonyohan mo sa mga misyon?" mapang-asar na sambit ni Dylan.

Pilit kong niluluwagan ang pagkakatali sa aking kamay subalit hindi ito madali. Nababalot na ng pawis ang katawan ko dahil sa init ng singaw sa silid.

"Tinanggalan mo ng sandata ang mga lalaking binibihag mo, hindi ba? Sandali, paano kayo kung gawin ko rin 'yon sa'yo?" nagtataka niyang sambit.

Kumuha siya ng isang matulis na kutsilyo sa lamesa at nilaro ito gamit ang kanang kamay.  Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at mabilis akong sinikmurahan.

"G*go! Malakas ang loob mo dahil nakatali ako rito. Saka bakit kailangang nakahubad pa ako? Dylan, bakla ka ba? Tss... sinasabi ko na nga ba, may pagnanasa ka sa akin, " pang-iinsulto ko sa kanya.

Agad naman niya akong sinakal subalit dinuraan ko ang kanyang mukha kaya napabitaw siya. Sinamantala ko na ang pagkakataon at mabilis na inangat ang aking sarili. Sinipa ko ang balikat niya pababa nang sa gayon ay tumapat sa mukha niya ang sandata ko.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon