Kabanata 24

143 20 1K
                                    

Read at your own risk

Trinity

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan ngayon. Tila nawala lahat ng sakit sa katawan ko at pinapakiramdam ang mangyayari sa paligid. Epekto siguro ito ng mga pinagsasabi ng kasama ko.

"Ano ba talagang nangyayari? Bakit kailangan nating manahimik at pigilan ang paggawa ng ingay? Sino ba ang naglalakad sa labas?" naguguluhang bulong ko sa kanya.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay mabilis niya akong hinatak papunta sa kinauupuan niya at tinakpan ang aking bibig. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso dahil sa aming distanya.

"Pakiusap, makinig ka na lang sa'kin. Mapapahamak tayo kung matutuklasan niya ang kinaroroonan natin. Trinity, mas mabuting matulog ka na lang muna," nagsusumamong sambit niya sa akin.

Mas lalong lumalakas ang mga yabag at kasabay nito ang pagpapawis ng aking mga kamay. Mahigpit siyang nakayapak sa akin subalit ramdam ko rin na natatakot siya.

"Alam kong may tao sa silid na nasa aking harapan. Kamusta, nakahanda na ba kayong harapin ang kamatayan?" bulalas niya at bahagya pang kumatok sa pintuan.

Hindi ko na napigilang ang sarili na salakayin ng matinding kaba. Nakakapanindig balahibo ang gasgas niyang boses. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa lalaking kayakap ngayon.

"Magbibilang ako hanggang tatlo at kapag ako ay inyong niloko, hindi ako magdadalawang-isip na tagain ang ulo niyo. Isa!" singhal niya at sinimulang baklasin ang pintuan.

Akmang tatayo na ako para mag-isip ng plano kung paano makakatakas subalit bigla akong hinatak ng lalaki at muling ikinulong sa kanyang mga bisig. Mariin niya akong tinignan bago bumulong sa tainga ko.

"Nebula, 'yan ang ngalan ko. May alam akong paraan para umalis siya at tumigil sa ginagawa. Kailangan mo lang magtiwala sa akin," bulong niya habang hinahaplos ang aking pisngi.

Akmang aalisin ko ang kanyang mga kamay subalit mabilis niya akong siniil ng halik. Hindi agad ako nakagalaw sa gulat at namalayan ko na lang nakahiga na ako sa kama.

Habang lumalalim ang aming halik na pinagsasaluhan, kasabay nito ang paglalakbay ng kanyang mga kamay. Nakakadala. Gustuhin ko mang magpumiglas subalit hindi ko maitatanggi na gusto 'to ng aking katawan.

Patuloy na naglalakbay ang kanang kamay niya papunta sa aking dibdib. Mapusok ang paraan niya ng paghalik subalit pinipigilan niyang maging agresibo. Akmang tatanggalin niya  ang panloob na saplot ko na nagkukubli sa aking dibdib subalit mabilis ko siyang naitulak.

"Tang*na! Ano bang problema mo? Masyado kang maarte, gusto naman ng katawan mo! Tang*na! Pagkatapos kitang iligtas, ganyan ang isusukli mo?" singhal niya sa akin.

Bahagya akong ngumisi sa kanya. Alam kong wala na ang taong may tangka sa buhay namin kanina kaya wala na akong nakikitang rason para makipagmabutihan. Kailangan kong umalis sa lalong madaling panahon.

"Salamat sa pagliligtas mo subalit aalis na ako. Walang kaso sa'kin ang halik, maraming lalaki ang binibigyan ko niyan. Siya nga pala, kumain ka minsan ng matamis, ang alat ng laway mo," sambit ko sa kanya bago tumayo sa kama at tahakin ang pintuan.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas subalit mabilis siyang tumakbo papalapit sa direksyon ko at muli akong kinulong sa kanyang mga bisig. Inis ko siyang tinignan subalit hindi niya ito alintana, sa halip ay ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Trinity, dito ka lang sa tabi ko. Ayokong mapahamak ka. Patawad kung nasigawan kita subalit gusto ko lang iparating sa'yo na kailangan mong mag-ingat. Titigilan ka lang niya kapag may kasiping ka sa kama," bulalas niya sa akin.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon