Read at your own risk
Hunter
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayong. Prenteng nakaupo ang babae sa upuan habang pinagmamasdan ang hubad kong katawan. Nakangisi siya habang kinakagat ang kanyang kuko.
"Hunter, bakit ganiyan ka makatingin? Nangungulila ka rin ba sa akin kaya pinagnanasa mo ako? Hunter, gusto mo ba nito?" nang-aakit niyang sambit at hinawakan ang malulusog na dibdib na bahagya pang inalog.
Napalunok na lang ako sa kanyang ginawa at pinahamak pa ako ng taksil na sandata. Bigla na lang itong tumigas at tumayo dahil sa ginawa niya. Napangisi tuloy ang babae.
"Ohh! Hunter, may epekto pa rin pala sa'yo ang karisma ko. Gusto mo bang subukan natin? Sandali, mas maganda siguro kung akitin pa kita, " nakangisi niyang sambit at malanding hinawakan ang kanyang sarili.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang mukha ko. Ayokong magpadala sa tukso, hindi p'wede. Kailangan kong pigilan ang tawag ng laman.
"Crystal, tumigil ka na. Hindi na ako magpapadala sa mga galaw mo. Kahit na maghubad ka pa, hindi ako maaapektuhan, " inis kong sambit sa kanya.
Nagulat naman ako nang maramdaman na tumayo siya sa upuan at dahan-dahang lumapit sa akin. Unti-unti niyang hinaplos ang mukha ko, pababa sa aking panga.
"Kung hindi ka naman pala tinatablan, bakit ka umiiwas? Hunter, tignan mo ako. Nasa harap mo na ang putaheng pinakahihintay mo, " nang-aakit niyang bulong sa akin at bahagyang hinaplos ang aking dibdib.
Tila biglang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Pilit ko ring pinapakalma ang aking sandata subalit nagkaroon ito bigla ng sariling buhay at naninigas ng todo.
"Hunter, sulyapan mo ako. Haplusin at hagkan ang katawan ko. Bumalik tayo sa umpisa, kung saan tayong dalawa ay masayang pinapaligaya ang isa't isa, " malanding sambit niya sa akin at iniharap ang aking mukha sa harap niya.
Wala na si Dylan sa silid kaya malaya na si Crystal na gawin ang lahat ng naisin niya. Nakagapos ako at hindi makapanlaban.
"Crystal, tama na, pakiusap. Itinigil mo na ang kahibangang ito. Kung gusto mong makabawi sa akin, pakawalan mo ako, " mariing giit ko sa kanya.
Bahagya naman siyang umiling at kinagat ang aking kaliwang tainga. Hindi madiin subalit sapat na para mas lalong tumaas ang libido sa aking katawan.
"Hunter, bumalik ka na. Itayo nating muli ang samahan. Ikaw ang pinuno at ako ang magiging asawa mo. Sisiguraduhin ko na bawat minuto, titirik ang mga mata mo, " nang-aakit niya sambit bago ako gawaran ng halik sa leeg.
Umatras ako papalayo sa kanya subalit bigla niya akong niyakap. Gusto ko mang manlaban subalit nanghihina na ang katawan ko. Kahit na labag sa loob, hinayaan ko na lang siyang yakapin ako ng mahigpit.
"Nakahanda na lahat ng liham na ipapadala sa mga magiging biktima mo. Hindi ka ba nangungulila sa iyong mga misyon? Hunter, kailangan kita, bumuo tayo ng masayang pamilya, " nagsusumamong sambit niya sa akin.
Hindi ako sumagot sa tinatanong niya, bagkus ay nanatili akong nakatingin sa kawalan. Tama siya, nangungulila na ako sa buhay ko noon. Gusto kong magpahirap ng mga biktima at kuhanin ang kayamanan nila.
"Nakahanda na ang sasakyan mo, maging ang mga piyesang kinahihiligan mo. P'wede na nating simulan ang mga misyon, kung nanaisin mo. Sandali, may sorpresa pala ako sa'yo, " sambit niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Mabilis siyang nagtungo sa upuan na kinalalagyan ng kanyang dalang inumin. Kulay puti ito at sa wari ko ay medyo malapot. Bumalik siya sa puwesto ko bago gawaran ng ngiti.

BINABASA MO ANG
Hunter's Mail ( COMPLETED)
Misteri / Thriller|COMPLETED | R18 | MATURE CONTENT| Ang buhay ng tao ang higit na mahalaga. Lahat ay nakahandang itaya para sa buhay na hinahangad nila. Ano ang gagawin mo kung may natatanggap kang hindi inaasahang liham? Paano ipagtatanggol ang iyong sarili sa ta...