Kabanata 23

134 18 79
                                    

Read at your own risk

Thriller!

Trinity

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at pinilit na bumangon sa pagkakahiga. Ang inaasahan kong tatambad sa akin ay puting kisame subalit tila nagkamali ako. Puro sapot ng gagamba ang aking nakikita.

"Tang*na! Nasaang lupalop ba ako ng mundo? Galos lang kanina ang iniinda ko ngunit ngayon, parang binugbog ang aking katawan. Nakakainis!" singhal ko matapos makaalis sa kama.

Pinagmamasdan ko ang paligid at hindi ko maiwasang magtaka sa nakikita. Tila sinaunang kuwarto pa ang kinaroroonan ko ngayon at gawa sa kahoy ang sahig. Malapit na ring mapundi ang ilaw kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"Sino naman ang walanghiyang nagdala sa akin dito? Tang*na! Matapos kong paligayahin ang sandata ng mga kalalakihan, dito ako mapapadpad? Mga kuripot!" naiinis kong sambit at nagdabog.

Laking-gulat ko nang muntik masira ang kahoy na tinatapakan ko kaya bahagya akong napaupo sa kama. Nahati ito sa dalawa kaya nakita ko ang siwang sa ibaba. Tila nasa ikalawang palapag ako ngayon.

"Wala bang pera ang mga tao rito? Muntik na akong mapahamak dahil sa lintik na kahoy na 'to. Nakakainis! Bakit ba ang daming marupok?" singhal ko.

Hindi ko na rin kayang tiisin ang init sa loob ng silid na 'to kaya nagpagdesisyunan kong lumabas na. Sa pagkakataong ito ay naging maingat na ako sa ginagawang paghakbang dahil mahirap nang mahulog na alam mong walang sasalo.

Maingat kong pinihit ang pintuan at dahan-dahan itong binuksan. Gawa rin ito sa kahoy kaya kailangang ingatan dahil baka biglang masira, kasalanan ko pa.

"Mabuti naman at tagumpay akong nakalabas. Masyadong mainit sa loob, nalulusaw ang kagandahan--- tang*na!" bulalas ko at muling isinara ang pintuan.

Bahagya akong napahawak sa aking dibdib dahil sa nakita at pilit na hinahabol ang aking paghinga. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sanay akong pumatay ngunit hindi ko inaaasahan ang tumambad sa akin.

"Bakit bigla kang natakot sa akin? Balita ko, magaling ka raw ng magpaligaya ng mga lalaki? Lumabas ka riyan, gusto kitang isiping," sambit niya at bahagya pang kinatok ang pintuan.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako natakot makipagtalik. Nakakatakot ang itsura niya, nagsisipagtaasan ang balahibo ko. Balbasarado siya at maraming peklat sa katawan. Mayroon din siyang hawak na bagong hasang itak na sinamahan pa ng nakalolokong ngisi.

"G*go! Umalis ka sa daraanan ko kung ayaw mong masaktan. Ayoko ng gulo, hayaan mo akong makalabas dito. Magbibilang ako ng lima, umalis ka na," mariing giit ko sa kanya.

Kahit na may pintuang nakaharang sa pagitan naming dalawa, malakas ang kutob na nakangisi siya. Hindi madaling mabibilog ang ulo niya at do'n ako mahihirapan.

"Alam mo bang gusto ko ang mga babaeng palaban? Trinity, 'yan ang ngalan mo, hindi ba? Huwag kang mahiya dahil kapag natapos ang gagawin natin, papatayin kita," bulalas niya.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa pihitan ng pintuan. Hindi ako p'wedeng maging pabaya dahil anumang sandali ay maaari siyang pumasok. Hindi ako takot magahasa, ang ikinababahala ko ay papatayin niya.

"G*go! Sino bang nagdala sa akin dito? Sisiguraduhin ko na ako ang papatay sa kanya? Tang*na! Tigilan mo ako sa kamanyakan mo!" singhal ko.

Nakita ko na basag ang bintana kaya mabilis kong hinatak ang kama at iniharang ito sa pintuan. Tinanggal ko ang kumot at nagmamadaling lumapit sa bintana. Dumungaw ako sa baba subalit nanlumo nang makita na halos dalawpung talampakan ang taas.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon