Ikalabing-pitong Kabanata

158 23 99
                                    

Read at your own risk

Hunter

Prenteng nakaupo ako sa isang upuan habang pinagmamasdan ang sandamakmak na papeles sa harapan ko. Sumasakit na ang aking ulo sa kaiisip kung paano 'yon mababasa lahat.

"Sigurado ka bang kailangan kong basahin 'to isa-isa? Crystal, masyadong marami. Hindi ko kakayanin, " inis kong reklamo sa kanya subalit iling ang isinagot niya.

Dahan-dahan siyang pumunta sa aking likuran at minasahe ang balikat ko. Bahagya niya pang ipinatong dito ang baba niya bago bumulong sa akin.

"Hunter, huwag ka na lang magreklamo. Alalahanin mo na 'yan ang papeles na makatutulong sa atin para makuha ang kayamanan ng samahan. 'Yan ang susi para muli tayong umunlad, " nakangising sambit niya sa akin.

Kahit na ito ang susi para magkapera ulit kami, hindi ko pa rin kayang magsipag sa pagbabasa. Masyadong maraming papeles, para na akong isang abogado kung tutuusin.

"Bakit ba kailangang ako pa ang bumasa nito? Kaya mo naman siguro o kung hindi naman, ipagawa mo na lang sa iba. Crystal, nakakatamad 'to, " pagrereklamo ko sa kanya at bahagya pang hinampas ang lamesa.

Pilit naman pinapakalma ni Crystal ang kanyang sarili bago umupo sa aking kandungan. Hinawakan niya ang pisngi ko at nang-aakit na tumingin sa akin.

"Bakit mo naman ito babalewalain kung magiging susi naman para yumaman tayo? Hunter, p'wede na tayong bumuo ng sariling pamilya. Ikaw, ako at ang magiging anak natin, " nakangiting sambit niya sa akin.

Napaismid na lang ako dahil sa sinabi niya. Tinabig ko ang kanyang kamay at kahit labag sa loob, muli kong ibinaling ang aking atensyon sa mga papeles.

"Sandali, tama ba itong nakikita ko? May pagmamay-aring lupain ang samahan natin sa Palawan? Hindi ako makapaniwala sa nababasa ngayon, " bulalas ni Crystal at kaagad na hinablot ang papel na may naglalaman ng  titulo ng bahay.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakitang titulo. Abot-langit ang nararamdaman niyang saya sa mga oras na 'to. Bahagya pa siyang nakatalon at inalog-alog ang katawan ko.

"Crystal, ano ba? Huwag kang masyadong malikot dahil may binabasa ako. Saka wala akong pakialam kung titulo 'yan, sasakyan ang gusto ko, " inis kong sambit sa kanya.

Patuloy pa rin siya sa pagtalon kaya nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Malayo talaga siya kay Trinity. Ang babeng kaharap ko ngayon ay tila isang bata kung gumalaw. Bigla kong naalala ang dati kong kasama sa mga misyon.

"Trinity, kamusta ka na kaya? Ilang buwan na ang nakalipas subalit wala pa rin akong balita sa'yo. Pasensya na pala kung hindi kita pinakinggan noon, " bulong ko sa aking sarili.

Oo, inaamin ko. Nangungulila ako kay Trinity. Iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa malapit siya at inaasar ako. Nangungulila rin ako sa kalandiang taglay niya, hindi ko inakala na magugustuhan ko rin 'yon.

"Hoy, Hunter! Bakit biglang natulala ka diyan? Nakikita mo na ba sa isipan mo ang pamilyang bubuuin natin? Ikaw ah, maharot ka rin pala, " nakabungisngis niyang sambit sa akin.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa inis. Kapag talaga hindi ako nakapagtimpi, dadapo na lang ang kamao ko sa malanding pagmumukha niya. Masyadong bilib sa sarili, hindi naman kagandahan.

"Managinip ka na lang na kasama mo ako dahil kapag minulat mo na 'yang talukap ng iyong mata, magigising ka sa katotohanan na hindi ako magiging sa'yo. Tigilan mo na ang kahibangan, " naiinis kong sambit sa kanya at sinipa ang upuang malapit sa akin.

Lumukot naman ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Ang mga mata niyang tila nang-aakit kanina, bigla na lamang napawi at napuno ng lungkot. Nagmukha siyang kaawa-awa sa itsura niya ngayon.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon