Chapter 17

64 5 1
                                    

"Good day po nanay ano po ang nararamdaman niyo?" magalang kong tanong sa matanda at na pahawak naman ito sa dibdib niya.


"Isang linggo na po akong inuubo at hindi uminom naman ako ng gamot ngunit mas lalong kumakatai ang lalamunan ko madalas rin akong sipunin at masyado ring sumasakit ang likuran ko."paliwanag niya at tumango ako.

" Ano pong name niyo nay?" I ask her.

" Felicita Palma" maikling sagot niya

"OK nay felicita mukhang may diperensiya po kayo sa baga at kailangan nang magamit yan nay, isang linggo po ba? Hindi po ba ito tumagal o umabot ng isa pang linggo?" tanong ko at naawa naman ako sa itsura niya.

"Sa totoo po kasi niyan umabot na po ito ng tatlong linggo." at nagulat naman ako.

"Nako nay! Bakit hindi pa kayo agad pumunta dito! Tsk reresetahan kita at magpa x-ray po kayo and balik kayo dito sa Lunes" sabi ko habang sinusulat ang mga dapat niyang inumin.



"Ganon ba sige maraming salamat ah" nakangiting aniya sakin at nag bow naman ako.


"Sige po nay basta po pag may naramdaman na naman po kayong kakaiba agad po kayong tumawag sa akin ah? Nariyan na po yung number ko at anytime pwede niyo akong tawagan, sige nay ingay po kayo" Saad ko at nagpasalamat naman ito ulit.



Huminga ako ng malalim dahil naging tuloy tuloy ang trabaho, lumipas din ng gabi at dumiretso ako sa kwarto ni Margaret. Nanatiling wala pa rin itong malay alas otso na ng gabi at tulog na rin si kurt habang ang pamilya naman ni Margaret ay nasa couch, nagising si kurt at hinarap ako.

"Oh ikaw pala lei ano tapos na yung trabaho mo?" tanong niya sa akin at tumingin naman ako sa mapupungay niyang mata.

"Ahhh- oo kakatapos ko lang, hehe pasensya na ah mukhang nagising ka nag bisita lang ako saglit para makita siya nga pala may exam kayo tomorrow right? Nakapag review kana ba?" tanong ko at tumango ito.


"ayos yan talagang matutuwa sayo si Margaret pag nagising siya!" nakangiting sabi ko at ganun rin siya.



"Oo nga e alam ko namang pa pagalitan ako nito pag hindi kao umayos sa pag-aaral." aniya ni kurt at tumawa na lamang ako.



"O'siya mauna na ako ah! Make sure na makapasa ka tomorrow dahil papakita mo pa lahat ng achievement mo kay marga, goodnight!" sabi ko at kumaway sa kanya.



"Bye ingat sa biyahe and goodnight din!" nakangiting Saad niya at kumaway din.




Nginitian ko na lamang ito saka sinarado ang pintuan.


Pumikit ako saglit at huminga ng malalim, na pahawak naman ako sa dibdib ko dahil kakaiba ang nararamdaman ko...





Nahihirapan akong huminga.....​








Jelay(POv)



5 months later*





It's been 5 months na ang lumipas ng mangyari ang aksidente sa Underground at hindi pa rin gumigising si Margaret, sobra na akong nag aalala dahil baka pag gising niya ay hindi na siya makasabay sa lesson ngayon dahil sobrang layo na! Baka mahirapan siya, hindi ko rin ma itago ang lungkot ko dhail nangungulila pa rin ako dahil wala si Margaret.

Naging isang totoong kaibigan si Margaret sa akin nung Elementary pa ako, dahil siya lamang nakakaunawa ng problema ko. Siya lang kasi yung taong pinagtatanggol ako nung oras na binubully ako noong high school ako, tinatawag nila akong nerd at inaabuso nila ang pagiging mabait ko. Lagi na lang tuwing papasok ako walang araw na hindi ako nababasa ng tubig dahil tuwing lunchtime ay may tatlong babaeng trip ako lagi na basain. Napakahirap nung time na yun'at sobrang nakakahiya dahil lahat sila nakatingin sa akin, pilit ko mnag iniintindi sila subalit sobrang nakakasakit sila pero ni isnag aksiyon wala akong nagawa dahil takot ako, takot ako na baka pag nag sumbong ako e hindi na ako makauwi ng buhay. Ngunit lahat ng iyan ay nagbago simula ng mag transfer siya sa school na pinapa ko, tinulungan niya ako at yung si Jelay na laging binubully naging tahimik na dahil sa kanya. Wala ng nag bubully sa akin halos nanibago ako nung una dahil wala ng mga mean girls na humaharang sa akin. Dahil lahat sila ay pinatanggal ni Margaret sa school, lahat nagbago wala ng mga taong nabubully at wlaa na ring naging bully.

Kaya laking kawalan ni Margaret pag nawala siya at talagang hindi ko kakayanin Pagnawala siya.




Disyembre uno, ngayon at nasa school ako ngayon nakatunganga habang kumakain. Hindi ko na sila masyadong nakakasabay dahil si Lei parating nasa rooftop, si karina naman laging pinapatawan ng prof namin, habang si kaori naman sa labas na ng campus kumakain. Hindi na naging masaya ang samahan namin dahil lalo lamang lumungkot, huminga ako ng malalim saka tumayo na dahil nag Bell na. Tinapon ko ang gatas na iniinom ko at nag martsa na paakyat, nakasalubong ko naman silang tatlo at tinawag.


"Labas tayo mamaya after class" mabilisan kong sabi sa kanila at mukhang tatanggi na sila.



"Hind—


" Bawal ang hindi pwede mamaya kita-kita na lang sa Amusement Park." diretso kong sabi at wala naman silang nagawa kundi um'oo







Woosh! Thanks God at pumayag sila dahil 10th attempt ko na to! Hayss hirap talaga nila pasamahin!


Pumasok na kami sa room at kumakaway naman si Ivy sa akin.



" Woyooo jelay! It's been a long time ng makita kita so kamusta?" tanong niya at nagulat naman ako.




"Oh bakit ngayon ka lang pumasok? 2 buwan ka ng hindi pumapasok ah" Saad ko at bigla naman sumbat si Lei.



"Oo nga e akala namin drop out kana" walang ganang sabi nito at tumawa naman si ivy.


"HA HA HA may mga bagay lang akong ginagawa" fake na tawa nito at napasinghal na lamang si kaori at karina.





Wala talaga akong tiwala dito sa babaeng to. Sobrang plastik niya parang tuwing mag uusap kami parang lahat ng sinasabi niya ay hindi totoo. At para ring laging may tinatago.



"Ok good to hear that and I hope na makahabol ka" nakangising Saad ni lei.

At tumingin naman si Ivy sa kanya.


"O'cmon guys stop being sad like what the fuck ano naman kung wala si Margaret ngayon? Hindi ba kayo masaya like, ang panget niyang kausap wlaang kwenta!" paliwanag nito at kinuyom ko naman ang palad ko.

Ngunit agad siyang kwinelyuhan ni kaori.



" Ano ba alam mo?" seryoso na tanong ni kaori sa kanya.



" uhhh guys ayun naman totoo! " dagdag pa ni Ivy at mas lalong hinigpitan ni kaori ang kamay niya sa damit nito.





Bigla namang pumasok ang president namin at sinabing.





"Wala si Prof kaya may free time tayo wait—"






"Shut the fuck up ivy masyadong pasmado na ang bibig mo" malamig na tono na sabi ni kaori sa kanya.




Napalunok naman ito at takot na inaalis nag kamay ni kaori sa damit niya.







"A-ano ba let me go!" sigaw niya habang sinusubukan kumawala sa kamay ni kaori.



Bigla namang sinuntok ni lei ang desk at nagsalita.






"Bitawan mo siya kaori" punong puno ng pasensya na sbai ni lei at dahan dahan namang inalis ni kaori ang  pagkakawahak kay Ivy.




"At ikaw Ivy tumigil kana hindi kana nakakatuwa." duro niya kay ivy at ito namang si Ivy ay parang hindi nadala bagkus nagsalita pa ulit ito.






"Hindi ba obvious na mamatay rin yang si Margaret kasi limang buwan na siyang nakalatay so ano pa inuungot niyo jan ah?" malakas na sabi nito at nagulat naman ako ng may familiar na nagsalita mula sa pintuan.

"Ano sabi mo?" malamig na Saad nito.

________

A_LadyCute

(beke nemen pede being keyeng mag leave ng vote eme heheheh)

The Truth [#INLWAMLP] Where stories live. Discover now