"Ano sabi mo?" madiin na tanong ko sa kanya.
"Why? Hindi ba't totoo naman-
*PAAAK*
" STOP YOU TWO! " sigaw ni lolo habang hinampas ang lamesa.
Si tetsuya naman ay walang ekspresyon mukhang nasanay na siya sa amin ganun din si lancer nanatili pa rin silang kumakain kahit sumigaw na si lolo sa amin.
"Pag hindi kayo tumigil ay mas masasaktan kayong dalawa." pagbabanta na sabi ni lolo sa amin saka tumayo.
"Let's go tetsuya, I lost my appetite." sabi niya at tumango naman si tetsuya saka umalis na sila.
Inis naman akong napaupo dahil nakaka bad trip talaga itong si sage wala ng ginawang maganda kundi kamalasan.
"Umm Mizuki pinapatawag ka pala ng nakakataas at kailangan kang kausapin." pormal na sabi ni sage at inirapan ko lang siya.
"Ghe." sabi ko at tumayo.
Ayoko na rin kumain dahil kabadtrip tong si sage, kahit talaga naiinis ako sa tao na to pag pinag usapan na ang tungkol sa nakakataas ay dapat sumunod pa rin ako kahit ayoko. Nagunat unat naman ako bago umalis dahil parang sumakit ang katawan ko pero hindi ko iyon ininda dahil paglabas ko ay nakita ko naman nag mga niyebe na bumabagsak mula sa langit. Hindi ko naman maiwasang hindi mapa ngiti dahil sobrang namiss ko ang snow dito dahil sa Pilipinas ay walang ganito dahil nasa equator tayo.
"Wow hindi ko alam na kabuwanan ng mga niyebe ngayon." bulong ko sa sarili ko at kumuha ako ng snow saka hinagis iyon mula sa malayo.
*WOOOOOSHHHH*
Takte ang lupet! Kaso sayang wala si Lawrence sayang dahil hindi niya ito makikita at mahahawakan. Hays bigla naman akong nalungkot kaya naisipan kong umalis na lang. Binitawan ko yung snow sa kamay ko at nilagay ulit iyon sa bulsa ng jacket ko saka umalis na.
__________
Nang makarating naman ako sa kabilang kastilyo ay agad naman akong binugad ng mga taong nakaitim na may hawak na katana o sa ibang salita ay mga Ninja dito sa japan.
Nakakalat sila sa paligid ko habang nakatutok sa akin ang katana nila. Agad ko naman tinaas ang dalawa kong kamay upang sabihin na hindi nila ako kalaban pero agad akong dinakip ng isa sa kanila at pinosasan ang dalawa kong kamay.
Hindi ko naman sila maintindihan kung bakit nila ito ginagawa dahil mas nakakataas ako sa kanila. Wala rin silang karapatan na gawin sa akin nito kaya kumuha ako ng tyansa upang makawala sa kanila ngunit hindi ako nagtagumpay dahil agad nila akong hinampas sa batok na kinawalan ko ng malay.
________
Dinilat ko naman ang mata ko dahil sa sobrang liwanag at unti unti ko naman na tandaan na pumunta ako sa korte dahil pinatawag ako at na encounter ko naman ang mga ninja's saka binatukan ako ng malakas.
Nang matandaan ko ay agad akong tumayo at nakita ko naman ang sarili ko na nakaposas sa isang lumang kwarto at hindi ko alam kung nasaan ako. May nakita naman akong mga tao at tinanong ko sila;
"Koko wa doko?" madiin na tanong ko at agad naman silang lahat na tumingin sa akin.
(Koko wa doko/where am I)
Ngunit hindi sila nagsalita at may pumasok naman na lalaki na nakasuot na tuxedo. Nakahawak soay sa bulsa ng pants niya habang unti unting lumapit sa akin.
YOU ARE READING
The Truth [#INLWAMLP]
Teen FictionJAPAN ARC !!!! I'M IN LOVE WITH AN ML PLAYER (SEASON 2!!) -4/14/20 -[On-going!]