Possessive Thirty-Four

2K 45 0
                                    


Inayos ko ang sout kung damit at humarap sa salamin. Naglagay narin ako ng konting lipstick at poldo para maging presentabli tingnan. Kinakabahan ako sa totoo lang hindi dahil sa product na ipro-promote ko kundi sa may ari ng liebrilliant.

Tumingin ako sa relos ko it's already 12:30 kinuha ko ang handbag ko at lumabas ng kwarto namin. Si risin maaga siyang kinuha ni liam dito kanina at dinala sa opisina niya. Wala din akong ibang mapagiwanan dito dahil bukas pa darating si grace dito. Iwan ko sa buntis nayun hindi mapakali hanggang sa hindi nagkikita mukha namin.

Pagdating ko sa liebrilliant, tumingala ako mas lalo itong naging mataas kumapara noon. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang logong M stand for monteverde naka font ito. Malaki ang pinagbago sa loob ng limang taon.

Lumapit ako sa front desk.
"I have  meeting with Mr monteverde today." Sabi ko sa kanya.
" Id niyo po mam" Nilabas ko ang id ko at binigay sa kanya. Iniscan niya ito at biglang nag error.
"You have other valid id mam? Error po kasi siya."

What?

"Iya lang ang dinala ko miss. Paano magiging error yan? It's our company id." Paliwanag ko sa kanya. "I'll try again mam" sinubukan niya ulit itong iniscan sa biometric.

"Sorry mam, villaflor po ba talaga apilyedo niyo?" Pagtatakang tanong niya sa akin.
"May nakaregestered po dito. Irene marie monteverde.?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Anak ng- paano?
"Baka mali yung naregestered niyo miss. Try to ask his secretary please." Utos ko sa kanya. Tumungo siya. Pinagpapawisan ako sa lintik na kompanyang to!

Kinuha niya ang telepono at may dinayal na numero. Meanwhile binaba niya ito at tumingin sa akin ulit.

"Sorry for the inconvenience mam, you can use left elevator papunta sa office ni sir monteverde, mam" sabi niya at nilahad ang kamay sa kaliwang elevator.

"Thankyou" Ani ko nalang at nagtungo sa elevator. Pagpasok ko sa loob isang malaking buntong hininga ang binitawan ko. Shit kinakabahan ako ng subra-subra ngayon.

Bumukas ang elevator huminga ako ng malalim bago lumabas. Natanaw ko agad ang kanyang sekretarya nakatayo ito malapit sa opisina niya I think?.

"Good afternon mam" bati niya sa akin ng makarating ako sa harapan niya.
"Mr monteverde will arrive at 1:30 pm. You can wait inside his office mam." She said at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Hi-hindi mo ba ako sasamahan dito sa loob?" Tanong ko sa kanya dahil akmamg magpapaiwan siya sa labas. Napangiti siya ng matipid bago sumagot sa akin.

"Sir monteverde will not allowed me to stay inside mam. Unless kung may iuutos po siya sa akin. Don't worry mam he will arrive at 30minutes." Muli siyang ngumiti at tuluyan ng sinirado ang pintuan.

Nilibot ko ang paningin ko, malaki ang pinagbago ng kanyang opisina. Naging mas malaki pa ito kumpara noon. Classic design na pinaghalong ocean blue and white ang wierd. He has also figurine may mga toy car at may mini house na nakapatong sa table niya. Napakagat labi ako ng dahil sa mini house niya, kapariho ito sa bahay na binili niya noon na lilipatan namin. A week ago bago ko siya iniwan.

Hinawakan ko ito, hindi ko alam kung bakit napangiti ako when I figure out na naka design ang gusto kung e-design noon sa bahay namin.
Napatingin ako sa center table niya. Muli na naman akong napangha dahil sa 3d design na nakaukit sa table niya. It's a blueprint na ginagawa ng isang engineer.

Possessive Boss kaizer Phil C. Monteverde (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon