3rd person pov
"Hali kana, anong inaarti-arti mo"
Hinila siya ni irene papasok ng bus. Uuwi siya ngayon araw sa probinsya nila para dalawin ang mga magulang niya at gustong sumama ni kaizer.
"Safe ba dito babe? Mag eroplano nalang kaya tayo"
"Eroplano? Cavite lang po tayo mister. Ayaw mo nun makakasakay ka dito"
Umupo siya malapit sa bintana at tumabi si kaizer sa kanya. Napaurong ito ng may dumaan Lalaki sa gilid niya at may dalang dalawang manok.
"This is shit!" Mahinang mura niya at pinunasan ang braso niya.Natatawa si irene habang nakatingin sa nobyo na mukhang hindi komportable sa inuupuan. Unang beses makasakay ng bus si kaizer at gusto sana nito magpahatid sila sa driver papuntang cavite pero ayaw ni irene dahil gusto niya maranasan ni kaizer kung anong buhay ang nakasanayan niya.
"Okay ka lang?"
Tanong ni irene sa kanya at pinunasana ng pawis na tumulo galing sa mukha niya.
"Yeah im okay, subrang ganda ng sinasakyan natin balak ko nga bumili ng ganito sa susunod"
Sagot niya at lumingingon-lingon sa paligid umaaktong komportable siya sa posisyon niya. Napangisi si irene at hinalikan ito sa pisngi.
Sinandal niya ang ulo sa balikat ni kaizer at pinikit ang mata nito dahil kanina pa siya inaantok. Tumingin si kaizer sa bintana at hinalikan ang ulo ni irene. Kung hindi lang kita mahal hindi ko gagawin ito.
Pagdating nila sa cavite sumakay ulit sila sa isang tricycle papunta sa bahay nila. Walang nagawa si kaizer kung hindi sumakay at sumunod sa girlfriend niya.
"I like this baby, my body are dancing"
Natawa ng mahina si irene dahil sa kaingotan ng nobyo niya. Napadaan sila sa isang lubak-lubak na daan lalo natawa siya dahil sa reaksyon ng mukha ni kaizer. Ang talino sana pero walang alam sa mundo.
Pagdating nila sa bahay nasa pintuan ang mga magulang niya nakatayo ito at hinihintay siya. Naunang lumabas ng tricycle si irene at sumunod sa kanya si kaizer.
"Ma,pa"
Tawag niya sa mga magulang niya. Lumapit siya sa kanila upang magmano.
"Mabuti naman nakauwi ka dito marie"
Sabi ng mama niya at lumingon sa likuran kung saan nakatayo si kaizer.
"Mukhang may bisita tayo ngayon elena"
Sabi ng papa ni irene at sumilip sa likoran nanliit ang mata nito habang nakatingin kay kaizer.
"Magandang umaga po sir"
Bati niya sa papa ni irene at kinuha ang kamay nito at nagmano. Ganun din ang ginawa niya sa mama ni kaizer. Pakiramdam niya welcome na welcome siya sa pamamahay ng nobya niya."Tanghali na iho"
Matapang na sagot ng papa ni irene sa kanya. Napaatras siya at pmuwesto sa likoran ni irene. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng takot at mismo sa papa ni irene.
"Si kaizer po pa, ma boyfriend ko"
Pakilala ni irene sa kanila, lalong naningkit ang mata ng papa niya habang nakatingin sa kanila. Jesus christ mahinang bulong ni kaizer sa sarili niya ng makita niya umigting ang panga ng papa ni irene.
"Ian, akin na ang sibat"
Sigaw nito sa bunsong anak habang nakatingin kay kaizer. Lumaki ang mata ni kaizer dahil sa narinig nito.
BINABASA MO ANG
Possessive Boss kaizer Phil C. Monteverde (Complete)
RomanceWarning R-18 Life has change after twenty-years Paano nga ba magmahal ang isang Kaizer Phil Monteverde Monteverde series 2