Possessive Thirty-nine

2.3K 42 3
                                    


"Bakit iyak mommy?" Agad kung pinunasan ang luha ko dahil biglang sumulpot si risin sa tabi ko habang gumagawa ako ng report para sa phil asia. Ipapasa ko ito bukas bago kami uuwi ng davao sa linggo.

"Hindi, masaya lang si mommy, you can play there tatapusin lang ito ni mommy. okay?" Sumimangot lang siya at umakyat sa isang upuan  tapos yumakap sa liig ko.

"Stop crying mommy please." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang maliit niyang palad. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Simula nong pumunta ako sa bahay ni kaizer. Hindi kuna ulit siya naabutan sa opisina niya. Tatlong beses na akong pabalik-balik doon pero walang kaizer na pumapasok. Iniwan ko nalang ang agreement sa sekretarya niya baka sakaling papasok si kaizer siya nalang ang bahalang magpapirma nun.

"Baby, paano kung hindi si dada ang totoo mong daddy, magagalit kaba kay mommy?" Tanong ko sa kaniya, kumunot ang maliit niyang noo. Siguro oras na para malaman niya ang totoo.

"Kasi baby, may kasalan si mommy eh.. nagsinungaling si mommy sayo."  Inalis ko ang buhok na napupunta sa mukha niya. She reminds me of kaizer kahit saan anggulo ng mukha niya.

"Kaya kaba iyak dahil dun? Wagkana umiyak mommy, hindi ako galit." She trying to comfort me kahit hindi niya mabigkas ng maayos ang sinasabi niya.

"Yung lalaking nakita mo sa pinasukan natin bar, siya yung daddy mo baby, siyang yung totoong daddy mo baby." Dinadahan-dahan kung pinaliwanag sa kanya para maintindihan niya ako. Bata lang siya at hindi niya naiintindihan ang nangyayari sa paligid niya. Tungkol sa totoong daddy niya. Tungkol sa sinabi ko.

"Talaga?" Nakangiting tanong niya sa akin, hinalikan ko ang noo niya. Siya ang dahilan kung bakiy hindi ko pinagsisihan iniwan si kaizer. Dahil binigyan niya ako ng isang mabait at maunawaing anak. Very charming and dorrable little girl.

"What if, hindi pwedeng sumama sa atin ang daddy mo pabalik ng davao. Magagalit kaba kay mommy?"

Umupo siya sa mesa at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Kung saan ikaw masaya mommy, masaya narin ako. Pero gusto ko kasama si daddy. Gusto ko siya makasama mommy" Umiyak siya at yumakap sa liig ko. Hinimas ko ang likod niya para patahanin siya. Bata lang siya at may pangagailangan. Alam kung maiintindihan niya rin balang araw kung bakit hindi namin nakasama ang totoong daddy niya. Kung bakit si liam ang tumayong daddy niya sa loob ng limang taon.


"Anong balak mo ngayon?" Tanong sa akin ni grace pagupo ko sa tabi niya. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Dahil gustong makipaglaro si risin kay allen. Sinabi ko sa kanya na inamin ko kay risin ang totoo. Ang pagpunta ko sa bahay ni kaizer.

"Sa ginagawa mo irene, may taong masasakatan, may taong umaasa sayo. Si liam yun. Nandyan lagi sa tabi mo, naging daddy kay risin. Sana naman bago mo sinagot nilinaw mo muna na wala kanang nararamdaman kay kaizer. " pandiinan niya sa akin.
"Now you telling me nahihirapan ka? What for? Kung sino sa kanilang dalawa?. Irene naman eh, alam mo sa sarili mo na inlove ka parin sa asawa mo, si kaizer parin pero bakit nilagyan mo ng papel si liam sa buhay mo. Alam mo naman mahal na mahal ka nun tao.! " kung may bato lang dito binigay ko na sa kanya para ipokpok sa ulo. Para matauhan akong maling-mali ang ginawa ko.

"Tao lang ako gracenot, nagkakamali at tanggap ko iyon. I tried to move on grace pero hanggang huminga siya sa mundong ito sa kanya parin yung pagmamahal ko. That's why im asking him to sign our devorce paper para..."

"Para maikasal ka kay liam? Common irene marie sinong baliw sa atin dito na gustong magpakasal ulit? Baka pagsisihan mo ulit iyan. Katulad ng ginawa mo ngayon--kahit hindi mo aaminin sa akin irene nagsisi ka kung bakit may tao kang pinaasa!."

Possessive Boss kaizer Phil C. Monteverde (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon