[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]
CHAPTER 8
"Marsh mag party party tayo!" --Camille
"Para saan?"
"Wala lang. Gusto lang namin ng konting hang out."--Jules
"Ang tagal na nating hindi nagpupunta sa disco. Minsan lang to!" --Camiy
"Papainitin ko lang yung puwet ko sa upuan hindi naman ako nagsasayaw."
"Saka bago ka man lang itali kay Dela Fuente nakasama ka pa namin maghappy happy!!!" --Jules
"Anong itatali? Aso lang teh?"
"Siya nga gustong gusto ng magpasakal sayo tapos ayaw mo pa!!!" --Camille
"Marsh lumalapit na ang hotdog sayo sunggaban mo na ang oportunidad!" --Jules
"Mga gaga talaga kayo!"
"Basta marsh ahh sumama ka samin." --Camille
"Okay."
Kahit na hindi naman ako nagpupunta ng disco ay kailangan ding minsan maglibang para sa sarili at yun talaga ang happy hour ng mga kaibigan ko bukod sa pakikipagfling sa mga nakakausap nilang lalaki. Bigayan na ng report card ng mga bata at masayang masaya pati ang kanilang mga magulang dahil puro A+ at B+ ang grado nila. Bago ako umuwi ay kinausap muna ako ng aming daycare director ...
"Ms. Samonte salamat sa pagtuturo mong mabuti sa iyong mga estudyante."
"Ahh wala po yun. Gusto ko lang po na bago sila makapagtapos ay may natutunan naman sila sakin."
"Candidate ka sa teacher of the year kaya lalo mo pang pagbutihan."
"Naku po masyado naman pong mataas iyan. Hindi po ako karapat dapat kumpara sa iba."
"Gusto ka rin ng ibang faculty teachers kaya sinali ka namin."
"Salamat po sa magandang opportunity."
"Sige na Ms. Samonte umuwi ka na muna at ng makapagpahinga ka."
"Sige po salamat po ulit."
Nakasakay na ko ng bus pauwi samin nang magring ang phone ko. Si Gavin ang tumawag sakin ...
(Voiceover)
"Hello?"
"Pauwi ka na ba?"
"Oo. Nakasakay na ko ng bus. Ikaw? May pasok ka diba?"
"Oo aayain sana kitang kumain ng lunch."
"Next time nalang binigay ko lang kasi yung report card ng mga bata."
"Ahh ... Ingat ka sa pag uwi. Text mo ako kapag nasa bahay ka na."
"Sure. Ingat ka din."
"Thanks."
*Toot toot toot*
Nasanay akong kinukumusta ni Gavin at tinetext ko naman siya kapag hindi ako gaanong busy. Marami siyang inaasikaso sa trabaho niya kaya madalas siyang hindi umuuwi sa unit niya dala ng overtime. Naalala ko ang hang out kasama ang mga kaibigan ko. Hiningi ko sa kanila ang lugar para sumunod nalang ako sa kanila. Dumating ang gabi at nagpunta ako sa bagong bukas na disco na kanilang sinasabi. Naabutan ko silang umiinom ng ladies drink ...
"Akala namin makakatulog ka na naman nang mahaba." --Jules
"Muntikan lang naman."
"Ito marsh orange juice ayaw mo naman tong iniinom namin eh." --Camille
BINABASA MO ANG
WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRE
ActionPatricia Samonte, an unmarried deity will unexpectedly meet Gavin Dela Fuente a police officer and schoolmate whom has secretly inloved with her. As they reunited, the one sided love will turned to be mutual as they will MARRIED UNEXPECTEDLY