CHAPTER 21. NEW HOME

852 36 12
                                    


[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 21

"Kailan mo yun pinagawa?"

"Matagal na habang nagtratrabaho ako."

"Ehhh???"

"Alam ko kasi na magkikita pa tayo kaya nagpagawa ako ng bahay kung sakaling maging mag asawa na tayo."

"Huh? Bakit ka advance mag isip?"

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay habang nakatitig sa mga mata ko ...

"Bago kita pinakasalan siniguro ko na lahat para satin."

"Naisip mo din ba ... Kung sakaling hindi tayo nagkita? Kung hindi tayo pinagtagpo?"

Seryoso siyang napatango sakin ...

"Kung hindi man tayo nagkita naiisip ko baka nagpakasal ka na sa iba, baka nagkagusto ka na sa iba. Kung hindi man ikaw ang nakatadhana sakin hindi ko ipapatapos yung bahay na yun. Inalay ko lang kasi yun ... Para sa babaeng minahal ko nang sobra noong highschool."

"Sino ba yun?"

"Si Patricia Dela Fuente na nasa harapan ko at asawa ko na."

Naluluha ako at napayakap ako sa kanya nang mahigpit. Hinahayaan niya lang ako sa aking ginagawa. Hindi ko pinagsisisihan ang biglaan naming pagpapakasal. Hindi ko alam kung sa umpisa lang ba ito at baka tumagal ay magsawa na rin siya.

"Hindi ako magsasawang mahalin ka. Kinaya kong hintayin ka ng ilang taon at mabait ang tadhana sakin dahil nagkita ulit tayo."

Hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap at lalo ko pang hinigpitan ito bagay na natawa siya ...

"May iba ka pa bang gustong mangyari Mrs. Dela Fuente? Sabihin mo lang marami pa naman tayong oras."

"Bastos ka na naman ..."

"Wala naman akong tinutukoy nag iisip ka kaagad ng kung ano."

Ginulo niya nang kaunti ang aking buhok at sinubukang makipagtitgan sa akin ...

"Kapag kailangan mo ng tulong ko hindi ako magdadalawang isip Tricia."

"*Blushed* Mag eempake na ko ng mga gamit ko."

"Tulungan na kita o kaya panoorin mo nalang ako, sabihin mo sakin kung san ko pwedeng ilagay yung mga gamit mo."

"Kaya ko naman to."

"Bawal sayo ang mapagod."

(Lahat naman bawal ...)

"Gusto mo bago tayo dumiretso sa bago nating bahay kumain muna tayo sa paborito mong kinakainan?"

"Sa paborito ko? Noong highschool?"

"Yup."

"Parang mas maganda kung ... Magluluto nalang ako sa bahay ng lasagna kumbaga icelebrate natin yung pagpapatayo mo ng bahay. Ayy wait, ipabless muna natin yun."

"*Chuckled* Okay sunduin ko si Father para mabasbasan at mabinyagan na natin agad."

"Huh?"

(Mabinyagan? Anong bibinyagan?)

Hinawakan niya ang bewang ko at iginiya niya palabas ng aking unit upang kumain saglit. Bumalik kami agad at nagsimulang mag empake. May pagkamasinop siya pagdating sa pag aayos ng mga damit. Husband material nga talaga si Gavin. Hindi ko namamalayan nakatitig na pala ako sa kanya. Dahan dahan niyang pinatong ang kanyang kamay sa aking hita at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko ...

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon