CHAPTER 35

631 34 2
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

[A/N: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS!!! MAY SEXUAL CONTENT ANG CHAPTER NA ITO!!!!]

CHAPTER 35

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta ..."

Nakapikit ang aking mga mata habang binabaybay namin ang daan sa aming garden. Hanggang sa mapahinto kami at pinadilat na niya ako. Nanlaki ang aking mata dahil may canopy swing chair na nakatayo malapit sa fountain at dahil may punong nakatayo rito at hindi niya pinatanggal noong pinagawa niya itong bahay ay nilagyan niya ito ng tree house ...

"Wowwww!!! Sino gumawa nito?"

"Ako."

"Ikaw? Diba busy ka lagi sa trabaho mo?"

"Inunti unti ko lang kapag may pasok ako tapos trinabaho ko siya ng dalawang araw noong nakapag day off ako. Noong dumalaw ka kila lola Dulce mag isa."

"Ahh!!! Yung nagtampo ako sayo?"

"Oo."

Manghang mangha ako sa swing inupuan ko ito at nagsimula ng magduyan. Medyo mabigat dahil sa mga materyales na ginamit kaya tinulak ito ni Gavin at habang umaandar ang swing ay sumampa siya at tumabi sakin. Malakas din ang hampas ng hangin kahit na tirik ang araw pero dahil may silong ito kaya hindi kami maiinitan ...

"Gusto kong umakyat sa tree house."

"Sure tara."

Una siyang bumaba at hininto ang swing at inalalayan ako sa pagbaba. Dumako kami sa puno na may tree house. Nauna akong umakyat habang siya naman ang kasunod ko. Pag akyat namin ay napanganga ako dahil isa itong malawak na kuwarto. Parang bahay kubo ang tree house na ito. Humiga ako sa kama na gawa sa kawayan pero may kutson na nakapatong rito. Humiga ako at ninamnam ang lambot nito kasabay ng sariwang hangin na aking naaamoy. Patihaya siyang tumabi sakin at inangat ang dalawang kamay na inilagay niya sa ilalim ng kanyang ulo. Pinatong ko ang aking ulo sa kanyang dibdib ...

"I love you Tricia, gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita. Pupunan ko yung mga pagkukulang ko sayo."

"Pagkukulang? San banda ka nagkulang? Sobra sobra na nga ang binibigay mong pagmamahal para sakin."

"May kulang pa kaya."

"Huh? Ano naman yun?"

"Secret."

Bumangon ako at sumimangot sa kanyang harapan ...

"Sabi mo hindi ka maglilihim sakin?"

"Ngayon lang naman ako maglilihim sayo."

"Hmm, ano kaya yan?"

"Malapit na tayong kumain."

"Ah oo nga pala!"

Bumangon na rin siya at inalalayan akong makababa. Pagbaba namin ay naghamon siya ng paunahan ...

"Maunang makapasok sa loob siya magluluto."

"Ako na maglulu--"

Hindi pa ako tapos magsalita ay nauna na siyang tumakbo sakin ...

"GAVIN AKO NALANG MAGLULUTO ANG LAKAS TALAGA NG TRIP MO!!!"

Huminto siya at bumalik sakin ...

"Syempre warm up lang yun dahil sabay tayong magluluto."

"Teka anong gagawin mo!!!???"

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon