[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]CHAPTER 18
"Gavin, nasaan na yung garapon ng kape?"
"Hindi ako bumili ng kape."
"Huh? Anong iinumin mo?"
"Gatas."
Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko ...
"Anong gatas?"
"Yung gatas na binili ko."
"Diba para sakin yun?"
"Para makasiguro akong hindi mo na naman ako maiisahan kung ano yung iinumin mo yan din ang sakin."
"*Grimace* Seryoso ka ba?"
" ... "
(Alam ba nito kung anong lasa ng iniinom ko???)
"Sure ka ahh ... Titimplahan na kita."
" ... "
(Dare to drink Gavin Dela Fuente!!!)
Nagsimula na kong magtimpla ng aming gatas. Pagkalapag ko nito sa mesa ay bumungad na sa aking ilong ang amoy nito. Tiningnan ko si Gavin at parang wala lang sa kanya. Tahimik lang kaming kumakain na tila nagpapakiramdaman kung sino saming dalawa ang unang iinom. Nauna siyang matapos sakin, pero hinintay niya muna akong matapos kumain ..
"Inumin mo na yung sayo."
"Sabay tayo."
"Sige ... 1 ... 2 ... 3!"
Sabay naming ininom ang gatas. Kalmadong nilapag ni Gavin ang kanyang baso at hindi kumikibo. Samantalang ako naman ay muktikan ko pang isuka yung gatas sa malakalawang na lasa nito ...
(AYAW KO NG LASAAAAAAAAA!!!)
"Gavin, ibang gatas nalang ang bilhin mo sakin?"
"No, yan ang recommended ng OB mo kaya ubusin mo yan."
"Ayoko ng lasang kalawang."
"Ako ba nakita mong nagreklamo?"
"Uhmm ... Hindi."
"Ibig sabihin nag enjoy ako sa lasa."
(HAAAAAAAAAA???)
"It's a prank ba yan? Hehe."
"No. Gusto mo timplahan pa kita ng isa?"
Sunod sunod na iling ang aking itinugon. Tiningnan niya ang baso ko at niligpit niya ang aming pinagkainan. Kahit nakatalikod siya sa sakin ay parang maduduwal na siya kaya kaagad akong lumapit ...
"Gavin?"
"Ano yun?"
"Hindi masarap diba? Umamin ka."
"Makakatulong yan sayo saka sa baby natin kaya uminom ka niyan."
"Pero hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung ayaw mo talaga ng lasa. Saka para lang sa buntis yun."
"Para sayo, handa akong magtiis."
Kitang kita sa mata niyang wala siyang pag aalinlangan. Tiningnan ko rin ang stock na gatas na binili niya para sa akin at limang kahon na puro 800grams pa ito na kailangan kong ubusin. Napabuntunghininga nalang ako at tumango bilang pagpayag sa kanyang gusto. Lumapit siya sakin at niyakap niya ko ...
BINABASA MO ANG
WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRE
ActionPatricia Samonte, an unmarried deity will unexpectedly meet Gavin Dela Fuente a police officer and schoolmate whom has secretly inloved with her. As they reunited, the one sided love will turned to be mutual as they will MARRIED UNEXPECTEDLY