CHAPTER 37

512 29 0
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 37

Nagising ako sa dati kong unit at bigla kong naalala ang nangyari nung gabing iyon ...

"Gavin ... GAVIN!!!"

Galing kusina ay pumasok sila Jules at kaagad akong nilapitan. Gusto kong makita si Gavin, pilit ko siyang tinatanong sa aking mga kasamahan ngunit pinahiga lang ako ni Camille at pinainom ng tubig. Tatlong araw na pala akong walang malay ...

"Marsh si Gavin?"

"Pat, magpahinga ka muna ..." --Camille

"No, gusto kong makita si Gavin. Umuwi ba siya? Okay lang ba siya? Bakit--"

"Pat, huminahon ka lang." --Wendy

"GUSTO KONG MAKITA SI GAVIN!!!"

Maya maya ay pumasok na sila Eli at Oscar at pilit akong pinapakalma. Gustong gusto kong makita ang asawa ko. Pilit akong nagmakaawa na sabihin nila sakin kung nasaan si Gavin ....

"*Sob* Please, sabihin niyo sakin kung saan dinala si Gavin."

"Hindi rin namin alam Pat, hindi namin matrace yung lugar na kinaroroonan ni Gavin kung nasaan man siya." --Eli

"Huminahon ka lang Pat, alam naming babalik para sayo si Gavin." --Oscar

"HINDI SIYA IBABALIK NI CONRAD SAKIN!!!"

"Kaya ni Gavin na makaligtas kung alam niyang walang makakatulong sa kanya. Nagawa na niya yun dati." --Eli

"Hindi, iba ang kalaban ni Gavin ngayon!!! Tuso si Conrad hindi niya hahayaang maging masaya kami ng asawa ko. Kasalanan ko kung bakit si Gavin ang kinuha at hindi ako!!!"

"Marsh, ayaw ni Gavin na mapahamak ka kaya ginawa niya yun para sayo." --Jules

"Mahal na mahal ka ng asawa mo Pat kaya gagawin niya ang lahat." --Camille

"Gusto ko siyang makita. Hindi ako mapapakali dito hangga't hindi ko alam kung saan siya dinala ng lalaking yun!!!"

"Pat, kailangan mo munang tatagan ang sarili mo. May mga aksyon ng ginagawa sila Eli at Oscar tiyak mahahanap din ang asawa mo." --Wendy

(Hanggang kailan ako magpapakatatag???)

"Sa ngayon Pat magpahinga ka muna. Huwag ka munang bumalik sa bahay ninyo baka balikan ka ni Conrad dun at kunin ka rin." --Oscar

(Sana ako nalang ang kinuha niya tutal naman ako talaga ang kailangan niya ...)

"Hindi talaga ako makapaniwala sa hayup na yun. Lider pala ng sindikato yung Conrad na yun!" --Camille

"Paniwalang paniwala pa kami dati na mabuting tao yung g*g* na yun. Yun pala bukod sa marami siyang naging babae at inuutos pa niya sa mga nabuntis niya na ipalaglag ang bata, ISA RIN PALANG DRUGLORD!!!" --Jules

"Sunog na sunog na ang katawan niya sa impiyerno!" --Wendy

Kita sa mukha nila Eli at Oscar ang pagkagulat sa nalaman nila tungkol sa naging ex ko. Nagpasya akong pauwiin muna sila dahil ayokong maging pabigat sa kanila at kaya ko naman ang aking sarili. Lagi akong nakatingin sa pintuan, baka sakaling bigla siyang dumating. Nagpunta rin ako sa dati niyang unit ngunit wala rin siya doon. Napadungaw ako sa bintana at nag iisip kung paano ko maililigtas ang aking asawa ...

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon