CHAPTER 32

658 39 0
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 32

"Tricia, tara labas tayo."

"Saan?"

"Maglaro tayo ng basketball."

(Seryoso ka ba???)

Napatingin ako sa kanya lagi nalang niya akong niyayaya na maglaro ng basketball ...

"Hindi naman ako marunong niyan."

"Tuturuan kita."

"Teka, sumakit tiyan ko."

"Luma na yan."

"Totoo nga!!!"

"Ang cute mo Tricia."

"Matagal ko ng alam yan."

"Pero mas cute ka kung sasamahan mo kong maglaro ng basketball."

"Ayoko talaga."

"Bakit?" Kahit alam niya ang dahilan ay tinanong niya pa rin ito ...

"Tinamaan kasi ako niyan sa mukha nung highschool tayo. Kaya kada may lumilipad na bola papunta sakin tinatakbuhan ko."

"Tulungan kitang mawala yang takot mo sa bola."

*Anxious*

"Wala ka bang tiwala sakin?"

"M-Meron naman."

"Then, maglaro tayo tuturuan kita ng basic."

Napabuntunghininga nalang ako at napilitang pumayag sa kanyang gusto. Nakarating kami nang maaga sa court binati siya ng nagbabantay rito ...

"Lagi ka bang nagpupunta dito?"

"Oo. Kapag nakikita nila ako alam na nilang walang pwedeng gumamit ng court maliban sakin."

"Ahh ..."

Open court ito at dalawang basketball court lang ang meron sa lugar na pinuntahan namin. Nilapag na namin ang aming mga gamit. Naglabas siya ng ilang bola at iniisa isa ito na tila may tinitingnan sa bawat isa sa mga ito. Dinidribble niya rin ito isa isa at pinaghiwa hiwalay ang sa tingin niya ay okay pang gamitin at hindi. Nililibot ko lang ang aking mga mata nang bigla niya kong tawagin ...

"Tricia!"

Lumingon ako at nakita kong papunta sakin ang bolang hinagis ni Gavin kaya bigla akong tumakbo at iniwasan ito. Nanginginig na naman ang tuhod ko at parang babaligtad ang aking sikmura patakbong dinampot ni Gavin ang bola at ibinigay ito sa akin. Nakita niya ang panginginig ng mga kamay ko kaya hinawakan niya ito kasama ng bolang kanyang hawak ...

"Mamaya mawawala na yang takot mo Tricia."

"Uhmm ... Sana."

Pinakitaan niya muna ako ng pagdribble. Humahanga talaga ako sa angkin niyang galing. Natulala na naman ako at parang lumipad ang aking isip. Winasiwas niya ang kanyang kamay sa aking mukha ...

"Tricia may problema ba?"

"Huh!? Ah wala nuh. Ang galing mo kasi magdribble."

"Interesado ka ng malaman kung paano? Start na tayo."

Binigay niya sakin ang hawak niyang bola at kumuha pa siya ng isa ...

"Sa pagdribble ng bola dapat daliri lang ang nakakahawak sa bola."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon