CHAPTER 7. SOFTER SIDE

1.2K 44 0
                                    

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 7

Sa isang kuwarto ay makikita ang iba't ibang uri ng alak na binili galing sa ibang bansa at sa kabilang banda naman katapat ang shelves ng mga alak ay iba't ibang koleksyon ng mga libro na binili kasabay ng mga alak. May study table sa gitna at sa pintuan ay may dartboard na nakasabit. Pumasok ang mga armadong lalaki at kinausap sila ng lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa bintana ...

"Anong balita?"

"Negative sir. Magaling magtago si Dela Fuente."

"Wala kayong nakikita na madalas niyang kasama?"

"Bukod sa kasamahan niyang pulis ay wala na po."

"Hindi pwedeng wala yan ... Meron at meron kayong makikita diyan."

"Mukhang natutunugan na niya kami boss."

"Sa una palang sinabi ko na sa inyo, matinik ang pinapasundan ko. Sige magtago muna kayo iba muna ang papalit sa inyo."

"Yes boss."

Pagkalabas ng dalawang lalaki ay tumalim ang tingin ng lalaking ito, kinuha ang isang dart at hinagis sa dartboard kung saan may litrato ito ni Gavin ...

(Malalaman ko rin ang kahinaan mo Gavin Dela Fuente at kapag nalaman ko yun hinding hindi mo magugustuhan ang mangyayari.)

"Guys, may bago kayong makakasama."

Pumasok sa kanilang headquarters ang isang babae ...

"Chick! Ang sexy!"

"Siya si Police Junior Genesis Macalintal, simula ngayon sasama ka sa grupo ni Police Officer Dela Fuente kasama sila Policarpio at Natividad. Sila ang magtuturo sayo ng mga gagawin mo. Respetuhin mo ang mga seniors mo para maging mabait sila sayo."

"Yes sir."

Kaagad na lumapit ang baguhang policewoman sa kanyang mga nakatataas. Kaagad na lumapit si Oscar sa babae ...

"Hi ako pala si Oscar Policarpio, tapos yung mukhang babaero na yun si Eli Natividad. Tapos yung mukhang suplado pero mabait yung pinakapogi samin si Gavin Dela Fuente."

"*l*l napakaganda ng pagkakalarawan mo sakin ahh!!!" --Eli

"Hi sa inyo." --Genesis

"Hello Ms. Beautiful." --Eli

*Glanced* --Gavin

"May dala akong pagkain gusto niyo pagsaluhan natin mamaya." --Genesis

"Ako gusto ko." --Oscar

"Gusto ko din yan." --Eli

"Samahan niyo siyang kumain." --Gavin

"Ikaw?" --Eli

"Kakain ako sa labas." --Gavin

"Libre na to ayaw mo pa?" --Oscar

"May cup noodles din akong bitbit marami akong pagpipilian." --Gavin

"Baka naman gusto niya ulit kasabay kumain si teacher Pat!!!" --Eli

Napalingon ang babae kay Gavin at nakikinig sa usapan ng tatlo ...

"Ayy totoo ba? Nag aya ka daw ng kasal? Ni hindi mo pa nga girlfriend yung tao!!!" --Oscar

"Oo."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon