CHAPTER 34

602 37 3
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 34

Dahil weekend kinabukasan ay naisipan kong ilista ang mga dapat kong gawin sa bahay hangga't naaalala ko pa ang mga ito kasabay ng paggawa ng aking lesson plan para sa susunod na linggo. Nakabalik na rin sila Camiile at Eli matapos ang dalawang linggo na outreach program sa iba't ibang lugar. Habang abala sa pagsusulat ay biglang nagtext si Jules at nagpatawag ng emergency meeting. Kaagad akong nagpalit ng damit dahil bihira lang ang ganitong meeting samin at madalas ay hindi pa maganda. Nagpunta ako sa apartment na tinutuluyan ni Wendy at naabutan ko sila dun na pinapatigil si Jules sa pag inom ng alak. Humahagulgol si Jules kaya kaagad kong nilapag ang aking handbag at nagtanong ...

"Marsh anong nangyari sayo?"

"Huwaaaahhhh MARSHHHH MUKHANG MAY IBANG KINAKALANTARI ANG BOYFRIEND KO!!!" --Jules

Hindi mawari ang reaksyon nila Wendy at Camille ...

"Yan lang ba ang sasabihin mo samin?" --Camille

"Akala ko pa naman importante--"--Wendy

"IMPORTANTE TO PARA SAKIN!!!" --Jules

"Ibig sabihin kanina pa siya umiiyak diyan pero wala siyang binabanggit?"

"Oo. Biglang sumugod dito sa unit ko at magang maga na ang mata kaiiyak kaya akala ko naman kung ano ng nangyari." --Wendy

"Yung totoo ... SIYA BA ANG INIIYAKAN MO O YUNG MGA WINALDAS MO PARA SA LALAKING YUN!!!???". --Camille

"PAREHOOOOO!!! Yung pangtuition ng mga kapatid niya, yung mga pinambili ko ng gamot para sa nanay niya, yung pinambili ko sa kanya ng damit at sapatos niya--" --Jules

"Marsh hindi namin alam na nagmamay ari ka na pala ng bangko ngayon!?" --Wendy

"Pwede bang magwithdraw sayo?" --Camille

"TSE!!! NILOLOKO NA NGA AKO DADAGDAG PA KAYO!!!???" --Jules

"Marsh naman sabi naman namin sayo huwag kang gastos ng gastos sa lalaki mo. Konting kalabit lang ng boyfriend mo sa wallet mo bigay ka agad."

"Kasi kayo stable sa mga asawa at dyowa ninyo samantalang ako wala!!!" --Jules

"Huwag ka kasing magmadali Jules malay natin darating talaga ang Mr. Right mo."

"KAILAN PA PATRICIA!? KAILAN PA!!!?? Lagi ko nalang pinanghahawakan yan pero hindi na ko pabata huwaaaahhhhhhhh!!!" --Jules

Iinom sana ito ng bitbit niyang vodka ngunit pinigilan namin ito at biglang nagtext ang kanyang boyfriend. Natigil siya at kaagad na tiningna ang kanyang cellphone ...

"Mahal, pwede bang makahiram kahit 3,000 lang?"

Biglang nagsalita si Camille ...

"HOY JULES HUWAG MONG BIGYAN YAN!!!" --Camille

"Hindi naman hiram tawag dyan kundi HINGI!!! Sino bang niloloko niyan!?" --Wendy

"Marsh, huwag kang magbibigay diyan."

"TEKA LANG NAMAN MGA MARSH HINDI AKO MAKAPAGDECIDE!!!" --Jules

"HUWAG MONG BIGYAN YAN!!!" Sabay sabay naming sagot sa kanya ...

Nag isip muna si Jules saka nagsimulang magreply ...

"Para saan naman yang hinihingi mo? Kakabigay ko lang sayo nung isang araw."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon