CHAPTER 33

791 45 4
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 33

"May event akong pupuntahan mamaya kaya baka maaga akong makauwi."

"Ahh, may pupuntahan rin ako mamaya."

"Saan?"

"Kila Camille tutulungan namin siya ni Jules sa pagbebenta ng mga cosmetics thru online."

"Nagbebenta na pala siya ngayon."

"Ngayon lang naman may pinag iipunan ata."

"Malapit na ang birthday ni Eli."

"Ohh, sabi mo hindi mo natatandaan mga birthday nila?"

"Paanong hindi ko matatandaan halos araw araw nagpaparinig sa headquarters na birthday na raw niya next week."

"Edi regaluhan mo siya. Tamang tama may mga pabango kaming panlalaki." Nilabas ko ang brochure ng iba't ibang pabango ...

"Ang ganda ng segway mo Tricia. Gusto mo lang yata akong bentahan."

"Ayaw mo nun? Maganda raw ang may buena mano pampaswerte."

"Naniniwala ka sa ganun? Nasa diskarte yun ng nagbebenta kung paano niya ieengganyo ang mga customer na bumili sa kanya."

"Kaya nga ineengganyo na kita para bumili ka."

"May pabango pa ko rito."

"Kahit isa lang naman ..." Nagpout ako sa kanyang harapan at bigla siyang lumapit at hinalikan ako ...

"Bakit mo ginawa yun!?"

"Akala ko kasi nagpapahalik ka kaya lumapit ako."

"Hayy ..."

"Akin na nga yan." Kinuha niya ang brochure na hawak ko at tumingin ng mga pabango ...

"May mga sample din ako dito ng amoy ng mga yan para mas may idea ka."

"Saan dito yung para sa babae?"

"Huh? Uhmm ... Sa may bandang unahan." Nilipat niya ito pabalik hanggang sa makita na niya ang mga ito ...

"May mga sample ka ba nito?"

"Meron din naman ... Teka, hindi naman pambabae ang ginagamit mong pabango ahh."

"Para sayo."

"Para sakin?"

"Gusto kong bumili ng pabango para sayo."

"Eh? Para sayo--"

"Ikaw ang mamili ng para sakin tapos ako ang mamimili ng para sayo."

"Hindi ko alam kung anong klaseng pabango ang gusto mo."

"Hindi naman ako mapili sa pabango kung ano man ang mapili mo ayos lang naman sakin."

"Baka hindi mo magustuhan yung mapipili ko."

"Magugustuhan ko yan basta ikaw ang pumili."

Pumili ako ng para sa kanya at pumili naman siya ng para sakin. Inamoy ko isa isa ang mga sample ng mga pabango. May naamoy akong bagay para sa kanya ...

"Ito?"

"Okay."

"Uhmm ... Ito kaya?"

"Okay din."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon