CHAPTER 30

788 51 5
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 30

Matapos ang dalawang buwan niyang misyon ay nakauwi na rin siya sa aming tahanan. Hindi ko napigilan ma yakapin siya sa sobrang pagkamiss ko sa lalaking ito at ganun din naman siya sakin. Parehas naming namiss ang isa't isa at sabay ng kanyang pagbabalik ay sinabi ng kanyang commander na siya ang napiling humalili sa posisyon na ito. Masayang masaya ako ng ipaalam niya ito sa akin dahil bilang asawa niya ay proud ako para sa kanya. Ngayon ay excited akong nagpunta sa session hall ng headquarters kung saan gaganapin ang inaugural ni Gavin bilang bagong police commander. Nagtanong ako ng gusto niyang regalo pero ang sagot niya sakin ...

"Full course meal galing sayo."

Luto ko pa rin ang gusto niya, pero bumili ako ng bago niyang necktie baka sakaling magustuhan niya. Lagi kasi siyang "okay lang" , "ikaw bahala" , "kung anong maganda sa paningin mo" ni wala man lang siyang gusto para sa kanyang sarili. Bitbit ang request niya at naisip kong regalo ay dahan dahan akong pumasok at naupo sa pinakadulo. Nakita ko sila Camille at Wendy na nasa magkaiba ring puwesto. Tinatanaw ko sa malayo si Gavin na nakaupo sa harapan. Unang una na tinawag sila Eli at Oscar bilang Police Captain. Nagsalita sila sa harapan bilang pasasalamat. At tinawag na ang inaabangan ko, si Gavin Dela Fuente bilang bagong Police Commander. Nakipagkamay sa kanya ang dati nilang commander at tipid na ngiti lang ang iginawad ni Gavin. Nagrequest sila ng speech kay Gavin, tumayo ito sa harapan at inayos ang mikropono, nahagip ng kanyang mata ang kinauupuan ko at napangiti ako sa kanya ...

"*Slightly cough* Thanks for your support, enjoy your meal and let's get back to work."

Natahimik sa buong session hall, nagkatinginan kaming lahat ...

(Yun lang ang sasabihin mo Gavin???)

Bumaba na siya at bumalik sa kanyang kinauupuan. Binasag ng isang officer ang katahimikan ...

"Palakpakan naman natin si Commander Gavin. Alam naman nating hindi talaga siya masalitang tao. Hehehe."

Pumalakpak nalang kami sa sinabi ng officer. Natapos na ang inaugural ay nagkaroon ng magarbong salo salo para sa mga bagong napromote. Lumapit sakin ang isa sa mga officer at may binulong ito ...

"Ma'am pinapasabi po ni Commander hintayin niyo daw po siya sa opisina niya."

"Uhm, okay."

Sinundan ko lang ang officer na ito at sinamahan ako hanggang sa labas ng opisina ni Gavin. Naisipan kong tanungin ito sa kung ano si Gavin pagdating sa trabaho ...

"Medyo istrikto po siya, ayaw niya ng pumapalya."

"Natatakot ba kayo sa kanya?"

"Minsan po natatakot kami, pero mataas po ang respeto namin sa kanya. Hindi siya nag aalangan na tulungan kami sa mga misyon namin. Minsan may sarili po siyang desisyon at dumidiskarte siya mag isa. Noong magapi ako ng bandido sa isang operasyon, tinulungan niya po akong makaligtas. Mabait naman po si sir, sadyang tahimik lang po talaga siya."

"Ah ganun ba."

"Kung may katanungan pa po kayo tungkol kay Commander huwag po kayong mahiyang magtanong."

Saktong pagkatapos niyang magsalita ay papalapit na samin si Gavin. Binati pa siya ng kanyang officer at nagpunta na sa salo salo. Seryoso siyang nakatingin sakin ...

"Anong sinasabi niya sayo?"

"Ah, nagtanong kasi ako kung gaano ka kaguwapo."

"Talaga? Kahit iba yung buka ng bibig niya sa sinasabi mo sakin ngayon."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon