CHAPTER 10. MAN'S JEALOUSY

1.1K 46 4
                                    

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 10

(Voiceover)

"Lola, naiwan ko ba diyan yung Birth Certificate ko?"

"Hindi, alam ko dinala mo yun nung umalis ka dito sa bahay."

"Pati isang valid ID ko nawawala rin po."

"Oh? Baka namisplace mo lang yan."

"Hmm ... Siguro nga po. Sige na lola pasensya na at naabala ko kayo."

"Sige apo, mag iingat ka palagi."

"Opo lola, love you."

"Love you too apo."

*Toot toot toot*

Napapaisip ako dahil nasa isang folder lang lahat ng mahahalagang dokumento ko. Naghalungkat na ako sa cabinet ngunit wala pa rin pati ang basurahan ko nahalungkat ko na. Binuhol ko na ang trash bag at pababa na ko ng unit nang makasalubong ko si Gavin ...

"Saan ka pupunta?"

"Uhmm ... Magtatapon ako ng basura."

"Ako ng magbibitbit at magtatapon niyan pumasok ka na sa unit mo."

"May titingnan din sana ako dun."

"Ganun ba. Sige samahan kita."

Sabay kaming bumaba ni Gavin at hawak niya ang mga naipon naming basura. Itatapon na niya sana ito nang pigilan ko siya ...

"Teka lang."

"Bakit?"

Yuyuko na sana ako para maghalungkat nang pigilan niya ko ...

"Ano bang hinahanap mo diyan? Ako ng maghahanap."

"Birth Certificate saka isang valid ID."

Napatingin siya sakin at napakurap ...

"Bakit mo hahanapin yan dito sa basurahan? Baka namisplace mo lang yun. Pwede ka namang magrequest ng panibago."

"Baka kasi nasama siya sa natapon ko kaninang umaga. Saka matatagalan kapag nagrequest ako ng bago need pa ng affidavit of loss."

"Para saan mo ba gagamitin?"

"Sa school, need ko kasi dahil nagpapaupdate ang HR Personnel namin ng mga info."

"Huwag mo ng isipin yun ako nalang mag aasikaso para sayo."

"Huh? Huwag na hanapin nalang muna natin dito."

"Hmmm ako ng maghahanap."

Si Gavin ang nagkakalkal sa basurahan. Nilabas niya ang papel na lukot at walang sulat, plastic cups, empty bottles, at kung ano ano pa ang nahalungkat niya ngunit wala doon ang hinahanap ko. Nataktak na niya ang isang drum pero wala talagang naligaw na papeles ko ...

"Hmm ... Saan ko ba naipatong yun?"

"Huwag mo munang isipin yun lalo ka lang hindi makakatulog niyan. Ako ng mag aasikaso nun bukas."

"Maaabala ko pa ang trabaho mo."

"Kaya ko naman silang pagsabayin kung tutuusin. Saka hindi ka naman abala sa ginagawa ko kaya ayos lang kung ako ang mag asikaso nun bukas."

"Salamat Gavin."

Ngumiti siya sakin, paakyat na kami sa taas nang may dumating na delivery boy at lumapit sa kanya ...

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon