CHAPTER 6. FIRST DATE

1.2K 49 3
                                    

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 6

Nakapila ang mga bata na may sukbit na basket na na naglalaman ng gulay at prutas. Ang iba naman ay nakacostume para sa sayaw nila mamaya. Buwan ng nutrisyon kaya nagsagawa ng maikling programa para sa mga kinder students ng Angel Vision Daycare. Ngayon lang kami lalabas ng school kaya excited ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang. Habang tumutugtog ang banda, maayos pa ring nakapila ang mga bata at naglilibot libot kami sa nasasakupan ng eskuwelahan. Inabot kami ng tatlumpung minuto sa paglalakad at pinagpahinga muna saglit ang mga bata at pinakain. Nang humupa na ang pagod at gutom ay nagpunta sa harapan ang aking mga estudyante upang kumanta kasama ang iba nilang kaklase na nakacostume ng iba't ibang gulay ...

"Bahay-kubo, kahit munti ang halaman doon ay sari-sari. Singkamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani ... Kundol, patola, upo't kalabasa at tsaka mayro'n pang labanos, mustasa ... Sibuyas, kamatis, bawang at luya sa paligid-ligid ay puno ng linga ..."

Sabay sabay na nag bow ang mga bata at nagpalakpakan kaming lahat sa ipinakitang talento ng mga ito. Pumunta naman sa harapan ang isang estudyante galing sa hawak ni Camille at tumula na may kinalaman sa tema habang bitbit ang sarisaring gulay na nakalagay sa isang bayong ...

"Ang gulay sa bakuran ... Bow ... Ito ang aking gulayan ... Napakagandang pagmasdan ... Ang paligid ay luntian ... May talong at kalabasa ... Petsay, sitaw, at patola ... May patani at may okra ... May kamatis at sibuyas ... Bataw, luya, at litsugas ... Kumain tayo ng gulay ... Gaganda ang ating kulay ... Hahaba ang ating buhay. Bow."

Malakas na palakpakan ulit ang iginawad sa batang tumula. Nagkaroon pa ng maikling dula dulaan para sa mga bata na ikinatuwa ng mga ito dahil sa mga makulay na props at magaling na pag arte ng mismong mga magulang nila. Natapos ang programa sa isang maikling panalangin at sabay sabay kaming kumain.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagdiriwang ay tumawag sa akin si lola Dulce upang mangamusta ...

"Tricia apo, kamusta ka na? Namimiss ka na namin. Kailan mo ba kami balak dalawin dito ng lolo Jose mo?"

"Hi lola namimiss ko na rin kayo. Maayos naman po ako rito actually may event sa school na pinagtratrabahuhan ko. Dadalawin ko kayo kapag may free time na po talaga ako."

"Masyado ka ng nagfocus sa mga estudyante mo. Yung para samin kaya ng lolo Jose mo kailan?"

"Ano po?"

"24 ka na at tumatanda na rin kami ng lolo Jose mo. Baka naman pwede mo na kaming bigyan ng apo sa tuhod."

"Lola naman! Wala nga kong boyfriend, apo agad ang nirerequest ninyo?"

"May nakapagsabi samin ng lolo mo na may boyfriend ka na daw. Hinatid ka pa nga daw pauwi."

(Hinatid pauwi??? Hindi kaya???)

"Lola baka naman kaibigan ko lang yun!!!"

"Huwag mo na siyang itanggi samin ng lolo mo. Gusto na naming makilala ang bago mong boyfriend. Malapit na ang wedding anniversary namin ng lolo mo imbitahan mo siya."

(JUICECOLORED IMBITAHAN??? IIMBITAHAN KO TALAGA SIYA!!!???)

"*Sigh* Sige titingnan ko kung makakasama ko siya."

"Asahan namin yan ng lolo mo."

"Sige na po lola mag aasikaso pa ko ng mga estudyante."

"Sige hija. Mag iingat ka."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon