CHAPTER 11. SECRET MARRIAGE

1.1K 43 1
                                    

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 11

FLASHBACK ...

Nagpunta si Gavin sa bahay nila lola Dulce at lolo Jose para mag asikaso ng requirements sa kasal nila ni Patricia ...

"Pwede po ba akong makahingi ng parental consent galing sa inyo?"

"Hindi ba alam ng apo namin na pakakasalan mo na siya?" --Lolo Jose

"Alam niya pong magpapakasal na kami pero wala po akong binanggit kung kailan."

"Ikaw palang ang unang humingi samin ng permiso para pakasalan si Tricia at masayang masaya kami ng lola niya." --Lolo Jose

Nangingilid ang mga luha ni lola Dulce dahil ikakasal na ang kanyang apo ...

"Alam mo ba, kapag magpapakasal si Tricia siya lahat ang nag aasikaso kasi laging busy yung mga naging ex niya. Pati sa paghingi ng parental consent siya din ang lumalapit samin pati sa partido ng lalaki. Pero ngayon, hanga ako sayo hijo dahil ikaw talaga ang nagsadyang magpunta dito samin para mag asikaso ng mga dokumento. Seryoso ka talagang pakasalan ang apo namin Gavin." --Lola Dulce

"Ayoko pong maabala si Tricia saka kaya ko naman po itong asikasuhin dahil sa sa pagkakaalam ko po kapag magpapakasal lalaki po ang halos sumasagot sa gastos."

"Pwede ka namang magsabi samin ng lolo Jose mo hahati kami sa gastos--" --Lola Dulce

"Gusto ko pong paghirapan ito saka sa ngayon secret marriage muna po ang plano ko."

"Bakit secret marriage?" --Lolo Jose

"Kapag nalaman po ni Conrad na ikakasal na si Tricia sakin magwawala siya at gagawin niya ang lahat para matigil ang kasalan."

"Hmm ... Sabagay, ikaw munang bahala sa apo namin Gavin. Hindi muna kami gaanong magsasalita dito sa bahay kasi pakiramdam namin may espiya dito si Conrad." --Lola Dulce

"Paano niyo po nasabi?"

"Lahat ng nagaganap dito nalalaman ni Conrad kahit wala kaming pinagsasabihan na ibang tao." --Lola Dulce

"Hinahayaan nalang namin at baka makahalata." --Lolo Jose

"Kaya ikaw na munang bahala ahh. Balitaan mo nalang kami sa mangyayari sa inyo ahh." --Lola Dulce

"Opo, salamat po."

"Bigyan mo agad kami ng apo." --Lolo Jose

"*Chuckled* Huwag po kayong mag alala ... Sisipagan ko po ang paggawa."

"*Smiling* Naku maloko ka palang bata ka. Pero gusto namin yan. Sige na ito na ang parental consent at humayo ka na at ng makarami." --Lolo Jose

"Ingat ka ... Apo." --Lola Dulce

"*Smiling* Kayo rin po."

Dahil 24 years old lang si Patricia at 26 naman siya ay kailangang humingi siya nito sa tumatayong guardian ng kanyang magiging bride. Dumiretso siya sa unit ng dalaga at dahil may pasok ito ay kusa siyang pumasok at naghalungkat ng mga dokumento. Nakita niya sa isang folder ang lahat ng valid ID at Birth Certificate ng dalaga. Kaagad niya itong kinuha at tinago ulit ang folder sa tamang lagayan at kaagad na lumabas ng unit. Pagpasok niya ng hapon ay naabutan pa niya sila Eli at Oscar na nagpapalit ng damit ...

"Oh, Gavin night shift ka pala?" --Oscar

"Oo."

"Ikaw daw ang nagrequest dahil may inaasikaso ka." --Eli

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon