CHAPTER 38

478 28 0
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 38

Naglalakad sa mahabang hallway si Gavin. May mga kuwarto sa hallway na ito ngunit napako ang kanyang atensyon sa pinakadulo. Pintuan ito na gawa sa bakal, lumapit siya roon at sinubukang buksan. Medyo may kabigatan ang malapad na pinto na iyon. Pagpasok niya sa loob ay puro fetus ang unang bumungad sa kanya at nakalagay ang bawat isa sa selyadong garapon. Naglakad lakad pa siya hanggang makita naman niya ang dalawang hilera na puro mga teenager na nakalagay sa tube at mga walang malay na may kaakibat na mga petsa at nakalagay na "Maturation". May isang pintuan pa sa pinakasulok ng lugar na iyon. Pagtapat niya sa sensor nito ay kaagad itong bumukas. Nasa isang maliwanag na silid si Gavin na punung puno ng ilaw at may nakasaradong berdeng kurtina sa gitna nito. Pagtabing niya ng kurtina ay may nakapalibot na mga doktor na tila may inooperahan nakita niya sa gilid ang pakete ng mga drugs. Sinubukan niyang silipin kung sino iyon at pagkakita niya ay nanlaki ang mga mata niya. Si Patricia na nakadilat lang ang mga mata habang tinuturukan ng anesthesia, hiniwa ang kanyang tiyan gamit ang scalpel at pinasok ang mga drugs na nasa lamesa. Gusto niyang pigilan ang mga ito ngunit nagmistula siyang estatwa na hindi makakilos sa kanyang puwesto at pinapanood lang ang nangyayari sa kanyang asawa ...

"PATRICIAAA!!!"

Panaginip lang pala ang lahat, nagbubutil ang kanyang pawis at hingal na hingal na para bang totoo ang lahat ng kanyang nakita. Nilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya agad ang lalaking nakayuko sa kanyang tabi at may dextrose na nakakakabit sa kanyang braso. Gumalaw siya nang kaunti at umangat ang ulo ng matandang nakayuko ...

"Gavin anak, salamat at gising ka na."

"Dad?"

Tumayo ang kanyang ama at tumawag ng doktor. Kaagad na dumating ang doktor at kasama nitong nurse upang suriin si Gavin. Kitang kita sa mukha ng kanyang ama ang pag aalala para sa kanyang anak ...

"Maayos na po ang anak niyo sergeant kailangan lang niya munang magpahinga sa ngayon."

"Thank you doc."

"Wala pong anuman. Lalabas na kami."

Pagkalabas ng doktor ay kaagad na nagtanong si Alexander sa kanyang anak na si Gavin ...

"Anong gusto mong kainin?"

"Ilang araw na ko dito?"

"Dalawang araw."

"Nasaan si Tricia? May balita na ba tungkol sa kanya?"

"Sa ngayon wala pa. Pero patuloy pa rin siyang hinahanap ng kasamahan mo sa Task Force at ng mga tauhan ko."

"Kailan ka pa nagkaroon ng concern tungkol diyan?"

"Manugang ko si Tricia at parang anak na rin--"

"Suhol ba yan para matanggap ko ang kapatawaran na hinihingi mo?"

"Hindi ko yan iniisip anak gusto ko lang makatulong sa inyo. Naging mabuti sakin ang asawa mo--"

"Gaano mo lubos na kilala si Tricia?"

"Dinadalaw niya ko dito sa camp at nagdadala ng sponge cake."

Nawala ang galit ni Gavin sa pagbubulgar na ito ng kanyang ama at bigla siyang natahimik ...

"Ayaw sabihin sayo ni Tricia dahil alam niyang magagalit ka kapag nalaman mo ito. Lagi niyang sinasabi sakin na magtiwala lang ako at mapaptawad mo din ako dahil alam niyang may mabuti kang puso."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon