CHAPTER 20. STORY BEHIND

746 37 1
                                    

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E. , images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 20

FLASHBACK ...

One month ago, nagkaroon kami ng bagong co-teacher. Si Ms. Clara Santos, mas matanda siya sakin ng apat na taon at dalawang taon na siyang nagtuturo sa kindergarten mula sa isang prestihiyosong eskuwelahan. Kapag nasa faculty masyado siyang tahimik kaya isang beses habang kaming dalawa lang sa faculty ay niyaya ko siyang kumain.

"Ma'am Clara, gusto mo sumabay saking kumain?"

"Gaano ka katiwala sakin?"

"Huh?"

"Bago lang ako dito hindi ka ba natatakot?"

"Uhmm ... Saan naman ako matatakot?"

"Kung sasabihin kong ... Kaya kitang patayin ngayon anong gagawin mo?"

"Uhmm ... Wala."

"Anong wala?"

"Alam ko namang nagbibiro ka lang kaya wala akong gagawin."

"May ipapakita ako sayo."

"Ano yun?"

"Halika dito."

Lumapit ako at binuksan niya ang kanyang bag na naglalaman ng kutsilyo at panghasa. Pero imbes na matakot ako ay nagustuhan ko ang kanyang dala ...

"Wow ang ganda niyang kutsilyo mo naalala ko mapurol na pala yung ginagamit ko sa bahay. Ako din may dala."

"Ano naman sayo?"

"Charraaann!!!"

"Ano yan?"

"Pepper spray, binili ko to just in case na nasa panganib magagamit ko to bilang self defense."

"Sakin?"

"Hindi, sa ibang tao."

"Di ka ba natakot sa dala ko?"

"Uhmm ... Hindi, gamit ko yan sa kusina ih kaso mapurol na yung kutsilyo ko kaya hihiramin ko sana yung panghasa mo."

(Bakit hindi siya natatakot sakin???)

"Wala ka bang balak lumayo?"

"Alam mo ma'am Clara ... Gutom lang yan ito may dala ako alam ko kasi di ka na naman kakain kaya nagdala ako ng extra."

Inilapag ko ang pagkain sa kanyang mesa. Magsasalita pa sana siya nang subuan ko siya ng beefsteak at kanin. Ninamnam niyang mabuti ang lasa ...

(Ang sarap ng luto niya ...)

"Masarap ako magluto nuh? Natahimik ka kasi."

"Pwede bang makahingi?"

"Para sayo talaga yan. Araw araw sabay na tayong kumain okay lang ba?"

Hindi siya kumibo at kumain nalang siya nang kumain. Umupo ako sa tapat niya at sumabay akong kumain. Habang tumatagal nagiging malapit ako kay Clara, kapag nagtatanong ako tungkol sa kanyang pamilya ay hindi siya kumikibo. Niyaya ko siyang kumain sa unit ko at dahil wala pa naman si Gavin ay sinabay ko muna siyang kumain.

"Anong trabaho ng asawa mo?"

"Ahh, police officer siya sa Special Task Force."

"Special Task Force?"

"Oo."

"Anong pangalan niya?"

"Gavin Dela Fuente."

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon