CHAPTER 28

595 39 2
                                    

Title: WANTED: H.U.S.B.A.N.D for Hire
Genre: Romance, Action, SPG
Author: MeiTerumi

[A/N: PLAGIARISM IS A C.R.I.M.E., images uploaded are not mine. Some contents are not suitable for young readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sorry sa wrong grammar, sorry sa lahat.]

CHAPTER 28

Maaga kaming nagising at tinulungan siyang iempake ang iba pa niyang gamit. Kumuha din ako ng ilang nakalagay sa medicine cabinet namin. Immune na kaming dalawa lalo na ako kapag may nangyayari samin hindi katulad nung unang ginalaw niya ako na halos nanghina ako sa ubos lakas na make love namin. Nakatatlong rounds lang kami dahil maaga pa siyang aalis at may pasok rin ako. Madalas na backpack ang kanyang bitbit pero dahil matatagalan siya ay luggage na ang kanyang bitbit ...

"Kontian ko nalang siguro ang dala mong mga gamot baka kasi may malapit na ospital sa pupuntahan mo."

"Kahit huwag mo ng bawasan, magagamit ko din naman yan lalo na kapag may entrapment kami."

Totoo na talaga ito, totoo na ngang matatagalan siya bago bumalik. Siya na ang nagluto ng almusal namin at dinala niya ito sa aming kuwarto. Tumingin siya sakin at nagbilin ...

"Tricia, ingatan mo ang sarili mo. Kumain ka ng marami, okay lang kung tumaba ka pagbalik ko magjogging tayo ng sabay kung gusto mong magbawas ng timbang, huwag mo kong masyadong iisipin kaya ko naman ang sarili ko, gusto ko lagi kang nakangiti kasi yun ang pinakanagustuhan ko sayo. Kung gusto mong magkuwento sakin, itext mo ko o kaya voice message para marinig ko yung boses mo kahit wala ka sa tabi ko. Kahit di ako nakakapagreply sayo lagi mong tatandaan na araw araw kitang iniisip at mahal na mahal kita."

"Dapat ako ang magsabi sayo na alagaan mo ang sarili mo. Buwis buhay ang trabaho mo kaya hindi ko maiwasan ang mag alala sayo. Baka kasi isang araw--"

Paiyak na sana ako nang pinitik niya ang aking noo ...

"Kasasabi ko lang, wag kang mag alala sakin. Ayokong makita kang umiiyak malakas kaya ang asawa mo."

"*Sob* Pwede bang payakap saglit?"

"Kahit tagalan mo pa Tricia ayos lang mawala lang yung alalahanin mo."

Tumayo siya at niyakap ko siya nang mahigpit. Hinahaplos niya ang aking buhok lalo kong nararamdaman na aalis na muna talaga siya. Tuluyang bumagsak ang aking luha sa mga mata ...

"*Sob* Mamimiss kita Gavin!!!"

"Mas mamimiss kaya kita Tricia. Sssshhh, huwag ka ng umiyak please."

Pinahid niya ang mga luha ko at napatango ako. Pinangako ko na ngayon ako naman ng magliligtas sa aking sarili pag may dumating na panganib. Nagtaxi nalang siya at sinamahan ko siya hanggang sa labas ng aming gate. Bago siya sumakay ...

"Tricia, wait may sasabihin pala ako."

"Ano yun?"

Lumapit siya at hinalikan niya sa aking labi. Natulala ako sa biglaang paghalik niya ...

"I love you Patricia, ingat ka palagi."

Napangiti siya at marahang tinapik ang aking ulo at sumakay na ito sa taxi. Nakaligpit na ang aming higaan at nakahanda na kong umalis nang maaga dahil nangako ako sa aking estudyante na sasabayan ko siyang kumain ng almusal bago mag umpisa ang klase. Dumiretso ako ng canteen dahil may paalmusal din sa mga guro na maagang nagsisipasok. Tinutuloy ko ang aking sinusulat na lesson plan nang may lumapit sa aking tabi ...

"Good morning po teacher Pat."

"Buti nakarating--"

Nagitla ako sa putok niyang labi ...

WANTED: H.U.S.B.A.N.D FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon