Chapter 4: ISAW

206 74 65
                                    

Theia,

      Artista na talaga ako, Mahal. Naglalakad ako kanina tapos bigyan ba naman ako ng isaw? Na-miss lang tuloy kita nung nakita ko 'yun. Bukas na bukas, dadalhan kita ng isaw. Ilan ba ang gusto mo? Twenty? Forty-five? SIXTY-NINE? Joke lang syempre, hehehe. See you!

✨✨✨

Seven o'clock ng gabi natapos ang klase namin. First day pa lang naman ng klase kaya 'di pa gaanong problemado ang mga estudyante.

Sumabay sa akin si Bryan. 'Di pa naman ako uuwi sapagkat maaga pa naman. Mag-pa-part time job ulit siya sa park bilang endorser ng salamin. Pero ewan ko ngayon kung ano'ng ipang-e-enganyo niya sa mga tao.

Habang naglalakad kami papuntang park, bigla akong hinawakan sa kamay ni Bryan at hinila papunta sa mga stoll ng pagkain ng mga ihaw-ihaw. Like, eew? Sinong nilalang ang magdadala sa isang Theia rito?

Gross.

"Ano'ng gagawin natin dito?!" takang tanong ko. Nakatayo lamang kami ngunit nangangati na ang paa ko dahil sa mga lamok.

"Sasayaw, promise. Sasayaw tayo rito, pagkatapos swimming na rin." Bumitaw na siya mula sa pagkakahawak at inilagay na lamang ito sa bulsa.

"Susunugin na talaga kita makikita mo!" sigaw ko with respect sa kanya. Nakakahiya namang sumigaw sa gitna ng maraming tao. Nakakapagtaka na nakaramdam ako ng hiya sa unang pagkakataon.

"Sorry na, syempre kakain. Nakita mo namang puro pagkain nandito e."

"You mean, kakain din ako ng gan'yan? Are you messing around, Bryan?" gulong-gulo kong tanong. Papakainin niya ako ng pagkain na katulad ng mga nandirito? Naiisip ko pa lang na 'di naluluto ng maayos, nasusuka na ako.

"No? Hindi ako nakikipagbiruan." Seryoso nga ata siya sa sinabi niya dahil sa mukha nito na naka-poker face nang nagsalita siya.

"So, you want me to eat that balown-balown-an of the chicken? YOU'RE SO KADIRI!" pagsasalita ko ng may pagka-conyo. Hindi ko kasi alam kung tama ba pronunciation ko sa thing na 'yon and wala pa rin akong pake kung ano'ng tawag d'yan. Atyaka 'di ko pag-a-aksayahan ng oras ang nakakadiring pagkain na 'yan.

"Kadiri, kadiri. Bakit? Natikman mo na ba? Ha? Atyaka sure ka bang marumi 'to? Hindi naman kita dadalhin sa stoll na 'to kung marumi tinda nila," sabi niya nang nakataas ang isang kilay.

"No? So what? Ano'ng problema mo kung hindi pa ako nakakain ng gan'yan? Lumaki ako na starbucks na ang pinagkakainan namin." Pagiiwas ko nang tingin sa kanya.

"Oh? hindi pala. Tikman mo, masarap promise," pagpapanata niya pa.

"Tumigil ka nga!" I giggled.

Wait what?

"Sabi mo masarap, ah! Susunugin talaga kita paghindi!"

"Promise," sambit niya habang nakataas ang isang kamay.

"Pinky swear?" I said.

"Pinky swear," he replied.

"Sige." Nakita ko naman na ngumiti na naman siya.

"Yes!" masaya niyang sabi. Pumatungo naman kaagad siya sa isang stoll at bumili.

"Nay, anim nga po niyang isaw na balown-balown-an daw sabi ng isa d'yan," tiningnan niya ako ng may ngiting-ngiti.

"Ay pinoy pala, ire? 'Kala ko e' kano?" lumapit nang kaunti ang isang nasa 50's ng babae para makita ng maayos si Bryan.

"Ay hindi po, half pinoy po ako. Pero Filipino by heart." Pagtuturo niya sa babae. 'Yong para bang pogi sign, gano'n. Corny nila tingnan. Jejemon lang?

"Aba e', sige gawin ko ng walo iyang isaw mo! Kay ganda-ganda ba ng iyong ngiti. Ang ganda rin ng kasama mo iho."

"Ay salamat, nay! Bubusugin ko 'tong kasama ko." Bumaling siya nang tingin sa akin at kinindatan ako.

Hoy aba. Stop it! Stop it fafa Bry, ahe.

"Iniirog mo ba iyan, iho? Parang ang maldita naman."

"Narinig ko 'yon, ah," sabi ko sa aking sarili.

"Hindi po, nay. Kaklase ko lang."

"Hindi ako naniniwala, iho. May enerhiya akong nararamdaman sa inyong dalawa," napaka-corny naman ng ginang na 'to. May enerhiya pa na nalalaman, sunog na rin naman ang iniihaw niya.

"Hala, nay! Iyong isaw sunog na!" tumatawa pa si Bryan nang sinabi niya 'yon. Ano'ng nakatatawa sa sunog? Ngunit iba talaga, iba siyang tao.

Napakamasayahin niyang tao, 'yan ang alam ko.

"Jusko, iho! Pasensya na."

"Okay lang po 'yon, masarap nga pagtutong e', crispy!" kahit kakakilala pa lang niya sa isang tao, mapapansin mo na kaagad na parang magkakilala na sila ng husto.

Natapos na kaming kumain at dumiretso na sa park.

"Sit there," Utos ni Bryan sa akin.

"Aso mo 'ko, ha? Makautos 'to parang amo kita!"

"Gusto ko lang maging komportable ka. Baka kasi masakit na paa mo kakatayo." Kalmado niyang tugon.

Eto 'yung inupuan ko na isang swing noong pumunta ako dito at naging paborito na rin at the same time. Kasi sa modern day na 'to? Bihira na lang at imposibleng makakita ng puno dito sa Manila. How I wish to go back to the province again. Tanda ko lang noong bata pa ako at 'di ko na tanda kung saan na lugar exactly kami pumunta, pero may isang alaala na pilit bumabalik sa aking isipan. Ang batang kalaro ko at nagligtas sa akin noon mula sa mga manok na hinahabol ako at sa mga nagtangka sa aking manakit. Tanda ko pa rin 'iyong palayaw sa kanya, si Badong. Sa pagkakaalam ko, hindi niya talaga totoong magulang ang kumupkop sa kanya.

"Hay, kailan kaya kita ulit makikita Badong? Good old days." Tanging nasabi ko na lang na may ngiti sa labi. Siya lang kasi 'yung naging kaibigan ko.

"Aray!" biglang sumakit ang noo ko sapagkat may isang demonyong nagpitik nito!

"Problema mo?!" iritable kong sambit. Nakakainis naman kasi na panira siya ng moment ko.

"Kanina ka pa smile ng smile dyan e' tapos nakatulala pa sa langit, nababaliw ka na ba?"

"Batukan kita!" pagbabanta ko naman na ikinailag niya.

"Eto na nga 'di na lalaban," pagtaas niya ng kanyang mga kamay na animo'y nagsu-surrender na.

"Ginising lang kita d'yan sa katulalaan mo. Iniisip mo siguro ako 'no? Yie!"

"Mandiri ka nga! punta ka na do'n. Ano ibebenta mo ngayon?" tanong ko sa kanya para maiba naman ang topic.

"Brief," dali niyang tugon.

"WHAT?!" I know I'm being so overreacting but feeling ko, namumula ako sa narinig ko.

"Brief case! 'Yun 'yon! Ano ka ba. Grabe ang imagination mo. Kaltukan ulit kita dyan! Sige na!"

Ang saya niya. As if he never experienced problems in life.

"Che!" hindi siya nagsalita at humupa na rin ang pagtawa niya. "Pero sayang, ano kaya ang itsura mo kapag nagbebenta ng brief?"

"Ha?" tuluyan na siyang tumigil sa pagtawa.

"HA-la-kang jo-wa!" sabat ko.

"Ikaw rin naman, ah?"

Oo nga 'no? Pero, dapat 'di ako maapektuhan.

"Alam mo? Ha? Ha?!"

"Bryyyyy!" pagtawag sa pangalan niya ng isang lalaki.

"Yes sir! Pupunta na! May papaamuhin lang na dinosaur," tumingin muli siya sa akin. Mahuhulog sana ang eyeglass niya noong yumuko siya pero naabot niya naman kaagad ito.

"Bye! manood ka na lang, ha?" tumakbo na siya papunta roon at naiwan na akong magisa.

"Dinosaur? Wala namang dinosaur na, ah?"

Ako ba 'yon?

---

Don't forget to vote, thanks!

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon