It's raining heavily outside and Lola still enjoys telling us the story of these two. Theia and Bryan.
"Kids, Lola need to rest muna, okay?" mahinahong sambit ni mommy sa amin.
"But, Mom! Kinikilig na ko e'," pagmamakaawa ni Faye.
"Yeah, mom. Pero okay lang naman po kasi meron pa namang bukas. I want to taste that isaw! Is it delicious?" sabi rin ni Frey.
"Oo mga anak, sobrang sarap n'yan! Tanda ko pa nga noon iniipon ko 'yong baon ko para makabili ng maramihang isaw. Pero masama sa health 'yan pag 'di nalinisan nang maayos. Hayaan n'yo, ako gagawa n'yan bukas."
"Yey!" sabay na sabi ng kambal.
"Mga apo, gustuhin ko mang magkwento pa pero kailangan ko munang magpahinga, ah?"
"It's okay, lola." Sambit ko.
"Huwag na lang, La. Ang boring talaga promise. Gusto ko na story 'yong medyo may ghost naman." Kinuha ko ang tsinelas ko't binato sa pagmumukha ni Jake.
"Aray ko naman, ate!" boom, sapol! Sarkastiko akong ngumiti sa kanya.
"Oh, siya mga apo, bukas ko na lang ipagpapatuloy ang susunod na mangyayari kina Theia at Bryan, ha?"
"Opo Lola, goodnight!" Isa-isa naming hinalikan si Lola at dinala na sa kanyang kwarto.
Actually hindi namin kaano-ano si Lola A (ey). 'Di ko alam kung ba't gano'n tawag sa kanya. Kinupkop siya ng mga magulang ko kasi galing si Lola sa bahay ampunan sapagkat wala raw itong pamilya.
May isang gamit si lola na palagi niyang hawak-hawak. Ang isang journal at 'di na masyado makitang picture. Kumukupas narin ito dahil yata sa katandaan na rin.
Matanda na si Lola, sobra. Pero makikita mo sa kanya na sobrang tatag pa. Simula nga noong kinupkop namin siya ilang taon na, 'di pa namin siya nadadala sa hospital. May iniinom lang siya na gamot at 'yon na 'yon.
Maghahanda na rin akong matulog. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nakita kong naiwan ni Lola ang journal sa inupuan niya kanina.
Sign man ito ng 'di pagrespeto pero sa ilang taon kong pagiging curious kung ano'ng laman nito, 'di ko na nakayanan at dinala ko ito sa aking kwarto.
Pagpunta ko sa kwarto, dali-dali ko itong binuksan.
Pagbuklat ko may tuyong maliit na sunflower na nakaipit dito. Sorry Lola, mukhang hindi mo nga talaga ito binubuksan.
Binuklat ko ang ibang pahina pero nasa lenggwahe itong Spanish at 'di ko mabasa ng maayos. Pero, mayroong nasa lengguwaheng tagalog naman kaya nabasa ko ang iba.
Pero sa huling pahina nito may nabasa akong nakasulat.
"Padaba taka."
Bigla akong nagulat ng biglang kunin ni mommy 'yong journal.
"Kaya pala nawawala kasi kinuha mo." Seryosong sambit ni mommy.
"Sorry mom, out of curiosity bigla ko na lang kinuha itong journal ni Lola.
Sorry po, sorry talaga." Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan.
"It's okay, next time pagnakita mo ulit na naiwan ni Lola A ang kahit na anong gamit n'ya, ibalik mo ha? Kasi 'di siya makatulog ng wala yang mga gamit sa tabi niya,"
"Sorry mom, I won't do it again," yumukong muli ako't naghingi ng kapatawaran.
"It's okay, sleep kana."
"Goodnight, mom." Hinalikan niya ako sa aking noo. Kahit na 17 years old na 'ko, 'di pa rin nakakalimutan ni mommy na halikan kami sa noo.
Nakalabas na siya ng kwarto ko. Paulit-ulit ko namang inaalala ang linyang nabasa ko.
"Huhu, ano ba kasi 'yon? 'Di ko tuloy na-memorize. Se-search ko sana sa google." Bumuntong hininga na lang ako at natulog na.
---
Don't forget to vote, thanks!
BINABASA MO ANG
11:11 Forever and Always ( Completed)
Teen Fiction11:11 Being loved by you is the most wonderful thing I ever had. But... why'd you leave me so soon? Why did you leave me with no warning? I can still see your innocent charming face smiling at me. And I guess, it's time to say goodbye and let you go...