Chapter 29: GOODBYE

88 21 19
                                    

Theia,

I wanted you to be happier. Please be happy for me. Seeing you feel loved again, makes me stronger. But seeing you with someone else, makes me even weaker.

-----------
Noong gabing iyon, bumalik na kami sa kuwarto namin. Hinalikan niya ang noo ko bago pumasok at sinabihan ng goodnight.


Hindi ko alam na 'yon na pala ang huling goodnight na maririnig ko mula sa kanya.


Maaga kaming gumising ni Bryan para maramdaman man lang namin 'yong dagat. Kumain muna kami ng breakfast sa restaurant dito sa loob ng hotel.

May gana kaming kumakain ng biglang may babaeng humalik kay Bryan.

Sinasabi ko na nga ba, nandito pa rin 'tong higad na 'to.

Bigla akong tumayo para itulak si Chloe papalayo sa kanya. Ang lakas din talaga ng loob nitong gumawa ng eskandalo dito pa sa loob na mayroong mga bata.

Hindi naman kaagad nakilala ni Bryan kung sino ang humalik sa kanya kasi bigla na lang sinunggaban ito ni linta.

Linta nga talaga, kahit saan sumisipsip.

"Hoy! Chloe. Mahiya ka naman nga!" Sigaw ko dito.

"What?" Umalis na ito mula sa pagkakahalil kay Bryan. " Hinalikan ko lang naman ang akin."

Pinatigil ako ni Bryan at kinuha niya rin ang braso ni Chloe at lumabas kami.

"Mainggit kang leche ka! Nakahawak siya sa kamay ko e' sayo? Sa braso lang? Kawawa ka naman." I rolled my eyes. Nakakainit siya ng dugo. Kahit saan-saan na lang susulpot.

Dinala niya kami sa walang taong dumadaan.

"Chloe, anong ginagawa mo dito?"

"Babe!" akma nitong halikan muli si Bryan pero umilag ito.

"Bakit? Bawal ba akong pumunta dito? May pangalan niyo bang kayo lang ang puwede? Wala naman, so free akong gumala sa kung saan ko gusto." Lumapit ito sakanya at ipinulupot ang kamay sa braso ni Bryan.

"At ayaw mo ba ako makita babe? Huhu." Bigla naman nitong niyakap si Bryan kaya natumba silang dalawa habang nakapatong sakanya si Chloe.

"Ow, I like this pose. Can we stay like this forever, Bryan?"

Tinulak ito ni Bryan at tumayo.

"Chloe, 'wag mo na ako tawagin sa nakakasuklam na salitang 'yan kasi wala ng tayo alam mo ba 'yon? Ang lakas mo ngayong umaligid sa 'kin pero noong pinagpalit mo ako sa iba ang lakas lakas ng loob mo? Pero mabuti na ngang nakahanap ka ng iba para naman 'di ako naghihirap tiisin yang ugali mo!"

Nasa sahig pa rin siya at nagpapaawa effect.

"B-Bry ayaw mo na ba sa 'kin? Kakalimutan mo na lang ba ang lahat?"

Kinuha niya ang kamay ko.

"Hindi mo ba nakikita 'to? May girlfriend na ako, may mahal na akong iba. 'Di pa rin ba malinaw sa'yo?"

Lumuhod ito at hinawakan ang kamay ni Bryan na para bang humihingi ng kapatawaran. "B-bry, ako na lang ulit please."

Umalis na kami habang nandoon pa rin 'yong Chloe na ngayon ay nagsisisigaw kaya maraming nakarinig at dinampot siya paalis sa lugar na 'yon.

Kinalimutan na lang namin ang nangyari. Nakasuot ako ng black bikini pero nagsuot pa rin ako ng pangtapis kasi ewan ko kung bakit bigla na lang ako nahiya magsuot ng ganito. Habang siya ay topless lang.

Ito ang unang beses na makita ko ng buo 'yong abs niya. Binilang ko ito saaking isip at walo 'yong pandesal, hehe.

Natatakot akong pumunta sa tubig. Baka kasi wisik-wisikan niya ako tapos malagyan ang tenga ko. Pero ayun, nalagyan pa rin kasi binasa niya ko ng paulit-ulit.

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon