Song recommendation: So you- goodbye.
✨✨✨
Bryan’s P. O. V
“Hoy, Tobyo bumalik ka dito!” hingal na hingal na akong tumatakbo kaya tumigil muna ako para magpahinga. Kailangan na kasing i-check ngayon ng nurse ang batang iyon ngunit biglang tumakbo. Hindi naman makatakbo ang nurse niya kasi buntis kaya ako na nag-insist na habulin siya.
Runner ako dati e’ na halos ilang magnanakaw na ang tinakbo ko para lang makuha ang ninakaw nito ngunit sa matabang bata na iyon ay hirap na hirap ako.
“Kuya Bryan ayoko talaga! Hindi naman totoo na kagat lang ng langgam ang karayom na ‘yon!” naiintindihan ko siya sapagkat kahit ako na marami ng nabasag na mukha ay takot pa rin sa karayom kahit araw-araw na ito ginagawa sa akin.
“Ngunit kailangan mo, punta ka na dito! Dalawin ulit natin si Julia mamaya sa room niya tapos bili tayo ng ice cream, ‘di ba gusto mo ‘yon?” napangiti siya’t tumango. Ganito minsan ang technique ko sa kanya kapag nagpapasaway siya sa mga nurse niya. Karga ko na siya at dinala na sa room niya kung saan naghihintay ang Doctor at Nurse niya.
Kaagad naman akong pumunta sa kwarto ko para magsulat sa journal ko. Humilata ako sa higaan ko at kinuha ang journal at ballpen. “Mahal kong Theia, nakahanap ako ng bagong kaibigan. Meet, Toby. He's kinda fat tho, ang bigat-bigat! Gustong-gusto pa namang magpakarga, wala naman akong choice kundi um-oo sa kagustuhan ng bata. Atyaka, kapag gwapo, palaging sumusunod diba? HAHAHA, hihintayin kita. Ikaw naman ang kakargahin ko. Love you, love you, love you, LOVE YOU!”
“Minsan talaga curious na ako kung ano ang sinusulat mo.” Bigla ko na lamang naisarado ang journal at nilagay sa bulsa ko.
“Ang aga mo namang pumunta, Chloe?” nilagay niya ang mga prutas na binili niya sa lamesa. Huminga siya ng malalim at ngumiti sa akin. Mukhang pagod na pagod siya kaya kumuha ako ng tubig at binigay sa kanya.
“Thanks, ang hirap pala mag aral ng fashion designer, Bry.” Sambit niya. Maayos na ang relasyon namin ni Chloe at naging magkaibigan na kami kahit alam ko naman at ramdam kong may nararamdaman pa siya sa akin.
“Kailan ba ang next check up sa’yo? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong para ‘di na pumunta dito sina Ate Baby. Para naman magbago na ang isip nila sa akin, nagbagong buhay na kaya ako.” Nagsasalita siya ngunit ang isip ko ay lumilipad kay Theia. Musta na kaya siya? Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Nakakakain pa ba kaya siya ng isaw?
“Hoy, nakikinig ka ba?” nabigla ako ng lumapit sa mukha ko si Chloe.
“Ha? Hindi.” Honest ako kaya sinabi ko ang totoo. Baka kasi magalit si Theia mahal ko kapag nagsinungaling ako.
Hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa ang lahat ng ‘yon na alam ko namang masakit para sa kanya. Naging bobo ako noong mga panahong iyon at ngayon, nagsisisi na lamang ako. Na kung sinabi ko lang sa kanya ang totoong sitwasyon ko, e di siya sana ang nagaalaga sa akin ngayon at ang magiging inspirasyon ko para lumaban. Minsan na ngang tumatawag siya habang nandito ang buong Guazon. Una niyang tinawagan si Jade, pangalawa si ate Baby, mga pinsan kong lalaki pati na rin si Lola ngunit sinabi kong ‘wag nila ito sasagutin. Hindi ko alam kung bakit ko ‘yon ginawa at literal na wala talaga akong alam. Ang kwento nila sa akin ay pinagbawalan ko nga raw silang kausapin si Theia kahit wala naman akong natatandaan na gano’n ang ginawa ko.
Siguro nga tama talaga ang sinabi sa akin ng Doctor.
Masyado ng naapektuhan ang katawan ko lalong lalo na ang utak kaya minsan hindi ko na alam kung ano’ng ginagawa ko.
Lumipas pa ang ilang buwan at hindi ko na halos maintindihan ang kalagayan ko. Magiging maayos ako tapos mga ilang araw lang, babalik na naman. Nagagalit na ako sa sakit kong ito, gustong gusto ko na makita at makasama si Theia ngunit hindi ko naman magawa gawa sapagkat ang katawan ko na ang nagsasabi na hindi niya kaya.
Ang puso ko lang talaga ang matatag at pinaparamdam sa akin na gagaling at lalakas ulit ako katulad noon.
Noong nasa cafeteria ako at nakikipagusap sa ibang pasyente, bigla na lamang sumakit ng sobra ang ulo ko na para bang binabarena ito. Hindi ko ito kinaya at napahiga na lamang ako sa sahig noon at ‘di natigil sa pag iyak at sigaw. Imbis na ang doctor ang tawagin ko, iba ang nasabi ko.
“Theia! Theia nasaan ka? Theia kailangang kailangan kita.” Hindi ako tumitigil sa pagsigaw sa pangalan niya kahit noong nasa emergency room na ako. Noong tinurukan ako ng pampatulog, bigla na lamang ako nahilo at narinig ang boses niya.
“Paalam, Bryan.”
✨✨✨
Nagising ako dahil sa masama kong panaginip. Masaya raw kaming dalawa ni Theia at para bang walang kahit na anong pinoproblema. Akala ko nga ay totoo na iyong nangyayari ng bigla na lamang dumilim ang paligid at nawala sa paningin ko si Theia. Hinahanap ko siya ngunit wala akong ibang makita kundi makapal na usok ng unti-unti itong lumalapit sa akin na para bang handa na akong lamunin. Nawalan ako ng hininga at para bang wala na akong nararamdaman na hangin sapagkat tagatak na rin ang pawis ko ng sobra akong kinabahan at napasigaw na lamang dahilan para magising na ako sa perpekto at masayang panaginip na na bahiran ng masama at hindi magandang pangyayari.
Ano’ng gustong ipahiwatig ng panaginip kong iyon?
Sa halos isang taon, wala akong ibang ginawa kundi tulungan ang sarili ko na gumaling para makita ko na ulit ang Mahal ko. Sinusunod ko ang bilin ng Doctor sa akin at tinatagan ko na ang sarili ko kapag ichecheck ang kalagayan ko at so far, nagkaroon ng magandang results ang mga test sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa na kausapin ang Doctor ko tungkol sa plano kong pag alis total sinabi niya na rin naman na maayos na ako. May pag aalangan pa rin sa kanya ngunit dahil sa paawa effect na natutunan ko kay Theia, napayagan ako nito basta raw ay may kasama akong pumunta ng Manila. Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon at kaagad kaming lumuwas ng pinsan ko para sa babaeng pinakamamahal ko.
Halos hindi na ako makatulog sa kotse kakaisip na makitang muli si Theia. Buong byahe, nakangiti lamang ako at nananalangin na sana ay makarating kaagad kami. Pagkarating namin ng Manila, sa park kaagad ako pumunta para hintayin siya.
Ilang oras na akong nakaupo sa usual place namin. Ang ibang palaboy na bata na natulungan ko ay nakilala pa ako ngunit laking tuwa ko na hindi na sila pulubi. Nagaaral na sila ngayon at para bang maayos na rin ang buhay kumpara noon na wala talaga silang makain. Ang sayang nakikilala pa nila ako kahit ilang taon na ang lumipas simula noong bumalik ako rito. Sumapit na ang gabi ngunit wala pa rin si Theia. Siguro malaki nga talaga ang galit niya sa akin. Sinabihan ako ng pinsan ko na ipagpabukas na lang sapagkat baka kung ano pa ang mangyari sa akin ngunit naging pasaway ako, sinabihan ko pa na kahit ilang minuto na lang.
Nararamdaman ko kasing nandito lang siya.
Hanggang sa napangiti na lamang ako at napatayo ng lumabas siya sa tindahan na iyon na masaya ang mukha. Lalapitan ko sana siya ngunit may humawak ng kamay niya na isang lalaki. Parang gumuho ang mundo ko noong masaksihan ko ‘yon. Nanginginig akong umupo at muling hinanap siya ng magtama ang aming paningin sa isa’t isa.
Nagiba ang ekspresyon ng mukha niya noong nakita ako at wala na akong ibang nagawa kundi titigan na lang siya. Ngingiti sana ako ngunit may grupo ng kabataan ang humarang dahilan para mawala siya sa paningin ko.
“Hali ka na, Bry. Umalis na tayo dito.” Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nakita ko kaya sumama na lamang ako sa pinsan ko. Noong nasa may kotse na kami, doon ko na naramdaman ang kirot. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak at mapaupo sa maputik na daan. Ang sakit makitang ang dating ako ang may hawak ng kamay niya ay pagmamay ari na ng iba. Para akong binagsakan ng mundo sa ‘di ko alam kung ano’ng gagawin. Wala na, paano na ako magpapatuloy sa buhay kung ang taong mahal na mahal ko ay hindi ko na pagmamay ari.
Sa pagbalik ko ng Bicol kasabay rin nito ang pagbalik ng sakit ko. Wala na akong ganang magpatuloy, wala na akong ganang mabuhay. Araw-araw akong dinadalaw ni Toby sa kwarto ko ngunit wala akong ganang makipaglaro sa kanya. Ang mga katulad kong pasyente na halos minuminuto ay nakakausap ko, ngayon ay tinatanggihan ko na.
Sa bawat araw na dumadaan, mas lalong sumasakit ang ulo ko ngunit hinahayaan ko na lamang sapagkat mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko. Kinaumagahan rin pagkagising ko, isang buhos ko pa lamang ng tubig sa ulo ko, may mga buhok ng sumasabay hanggang sa natuklasan ito ng Nurse ko at tuluyan na akong kalbuhin. Iniinom ko naman sa tamang oras ang gamot ko ngunit sa mga oras na ‘to ay parang hindi na tumatalab sapagkat kahit ang malaki kong katawan noon ay para ng tingting ngayon.
“Gusto mo bang lumabas, Bry?” tanong sa akin ni Chloe. Hindi na ako nagsalita at tumango na lamang. Lumabas siya at pagbalik ay may dala ng wheelchair. Hindi ko halos inakalang sasakay ako dito at kailangan pa ng tao para alalayan ako. Dinala niya ako sa labas at minsan nakikita kong nalulungkot ang mga Doctor, Nurses, at pasyenteng nakakasalamuha ko dito kahit hindi nila sabihin. Nginingitian ko na lang sila, iyon na lamang ang kaya kong gawin.
Nakaupo si Chloe at katabi ako. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang hangin. Napaluha na lamang ako noong maalala ko ang mga alaala namin ni Theia na masaya.
“Malakas ako e’, sobrang lakas ko,” patuloy na sa pagbagsak ang luha ko noong sinabi ko ‘yon. “Masayahin akong tao ngunit bakit ang lungkot ko ngayon? Bakit parang pati ang pagiging masayahin ko ay inalis na sa akin? Kasalanan ko ‘to, kasalanan ko, kasalanan ko!” sinusuntok ko na ang ulo ko sapagkat hindi ko mailabas-labas ang sakit ng nararamdaman kong ito.
“B-Bryan,” patuloy pa rin ako sa pag iyak ng yakapin ako ni Chloe na ngayon ay umiiyak na rin. “Bryan, wala kang kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginawa mong maganda ang buhay mo at memorable para kay Theia.”
“Bakit ako pa, Chloe? Bakit ako pa ang kailangan magkaroon ng ganitong sakit? Ang gusto ko lang naman ay maging masaya sa buhay kasama si Theia. Bakit kailangan pa itong ipagkait sa akin… bakit?” nakikita ko ang Doctor ko na nasa gilid lang rin at napapaluha na. Hinaplos nito ang ulo kong kahit isang hibla ng buhok at kinausap ako.
“Bryan, Anak, gusto mo bang makita si Theia?” tanong sa akin ng Doctor.
“Gustong-gusto, Doc kahit sa huling pagkakataon.” sambit ko.
“Pinapayagan kita.” nakaramdam na lamang ako ng saya ng sabihin niya iyon.
“D-Doc?” sambit ni Chloe.
“Oo, Apo. Pinapayagan ka namin makita ulit si Theia. Ihanda m-mo na ang sarili mo sapagkat papunta na siya rito para muli kang makita.” Lumapit si Lola sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Pumunta na kami ng kawa-kawa at ngumiti na lamang ako sa pamilya ko at kay Chloe. Iniwan nila ako doon magisa at hinintay ko si Theia na dumating. Gusto kong umiyak sapagkat masaya pa kaming pumunta dito noon ni Theia ngunit pinigilan ko.
Pakiramdam ko, dito na tuluyang magtatapos ang istorya naming dalawa.
“B-Bryan.” Narinig ko pa lamang ang boses niya, gusto ko ng kumawala ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Why do I need to be one of the stars?
Bakit kailangan kong iwan ang mga taong mahal ko ng ganito kadali? Wala na ba talagang ibang paraan para bumalik ako sa dati? Wala na ba talaga?
Masaya na akong nayakap at nakausap ko si Theia, ang mahal ko ng halos dalawang dekada.
Masaya na akong narinig mula mismo sa kanya na mahal niya ako.
I can leave peacefully now.
Madali ng mag 11:11 ngunit hindi ko na kaya at wala na akong ibang nagawa kundi sumandal sa balikat niya.
“Pinky swear?”
“Pinky swear.”
We’ll meet again, My Love.
BINABASA MO ANG
11:11 Forever and Always ( Completed)
Novela Juvenil11:11 Being loved by you is the most wonderful thing I ever had. But... why'd you leave me so soon? Why did you leave me with no warning? I can still see your innocent charming face smiling at me. And I guess, it's time to say goodbye and let you go...