Chapter 8: TABLE

155 64 44
                                    

Theia,

      I have something for you. Meet me tomorrow morning! :)

✨✨✨

Pumunta kami sa fast food chain na kinainan namin noon. Iyong 'di inaasahang magkikita kaming muli. Umupo kaming dalawa sa table namin noon kaya napangiti ako ng patago.

"Upo ka lang d'yan, ako na ang mag-o-order," inilagay niya sa upuan ang bag niya at akma ng aalis nang patigilin ko ito.

"Teka!" kukuha sana ako ng pera para hati kami sa bayad ni Bryan pero kita mo nga ba namang ugali ng isang 'to, 'di man lang hinintay 'yung share ko. Sabagay, mamaya ko na lang ibigay sa kanya kapag bumalik na siya.

Nagselfie na lang ako at nag-update sa instagram. Ang tagal kong 'di nakapag-post dito. Habang nag-e-edit ako, biglang may umupo sa harapan ko.

"Andali mo nama— s-sino ka?"

"Hi miss," sabi ng isang lalaki na hindi ko naman kakilala. Mas lalo akong nandiri nang kinindatan niya ako.

"Huwag mo akong ma-hi miss, hi miss!" naalarma naman ang ilan sa mga kumakain dahil sa pagtaas ko ng boses ko.

Lumapit siya sa akin at may sinabi na ikinakulo ng dugo ko.

"Magkano ka ba, ha? Babayaran kita sa kahit anong halaga."

"MANYAK!" sigaw ko. Biglang dumating si Bryan at kwinelyuhan ito.

"Problema mo?!" sabi ng lalaking walang hiyang nangmanyak sa 'kin.

Galit na galit itong tinitigan ni Bryan.

"Hey stop!" ako na ang gumawa ng paraan para matigil ang gulo na 'to. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao rito. Inalalayan ko na si Bryan at akma nang tatalikod ng bigla kong sinampal ang gunggong na manyak na 'yon!

"Ikaw na, YAWATA KA! Ano'ng karapatan mo para manyakin ako?! For your information, Lalaki na 'di pinalaki ng maayos ng magulang!  Mas malaki pang halaga ng pera ang maibibigay ko sa'yo!" Napa-oh naman ang mga tao rito. Dumating na ang mga guwardiya at pinalayas ang lalaking iyon.

Tinitigan naman ako ni Bryan na akala mo nama'y nakakita ng multo.

"Ano?!" tinitigan ko rin siya ngunit may inis pa sa akin na natitira kaya napagtaasan ko siya ng boses. "Papasapak ka rin?"

"H-Hindi k-kain na tayo." Inalalayan niya naman akong umupo pero pumalag ako.

"Alis na tayo rito, nagiinit talaga ang dugo ko sa taong iyon! 'Di na tuloy tayo makakakain dito! Che! Doon na lang tayo sa park. Take out nalang natin 'yang binili mo." Umalis na nga kami sa restaurant na iyon. Ayos na sana e' para bring back memories, epal na manyak 'to.

Teka, naiinis ba 'ko dahil sa lalaking iyon? O', dahil 'di kami nagtagal sa table na kakainan sana namin? No, no! This can't be happening.

Habang naglalakad kami papunta ng park, nadaanan namin ang mga food stall na nagbebenta ng mga ihaw-ihaw.

Gusto ko ng isaw.

I poked his back and he immediately turned to me. "Bryan! Bili tayo isaw,"

Nakita ko namang parang nag iisip siya base sa ekspresiyon ng kanyang mukha. "Oh, sige." Pumatungo na nga kami sa tindahan kung saan kami unang bumili.

"Nay! Nagkita ulit tayo!"

"Aba anak! mas lalo ka yatang gumwapo!"

"Sus, nay! Mula bata pa gwapings na kaya 'to!" pagpopogi sign niya. Yuck na may kaunting—arrgh! oo na nga, gwapo na.

"Nay, si dinosaur nga po pala," hinila niya ako papalapit sa kanya na ikinainis ko.

"Dinosaur? Bakit naman gan'yan ang pangalan mo, anak? Kay gandang dilag ngunit bakit naman ganyan?" tanong niya sa akin.

"Theia. Theia, p-po." Sambit ko. Nakita ko naman na ngumiti si Bryan sa akin.

"Ayaw kasing sabihin ang pangalan, nay e', huhu!" tiningnan niya ako ng may pagmamakaawang mukha.

"Tigilan mo ako, Bryan." Wala sa sarili kong sambit.

"Kumusta, anak?" tanging pagngiti lamang ang binigay ko sa ginang.

"Anim ulit pong isaw nay,"

"Sige mga, anak!" magiliw nitong tugon.

Ngayon, ako naman sana ang magbabayad pero binigyan ako ng expression ni Bryan na 'wag daw. May pa hand gesture pang stop tapos naka peace sign sa huli.

Ayan nanaman 'yung ngiti niyang unti-unti akong tinutunaw.

✨✨✨

It's already 10:30 in the evening. Nakasanayan ko ng bago umuwi, pupunta muna ako dito sa park kasama si Bryan. Kinain namin ang tinake-out namin kanina at ang isaw na sobrang sarap! Nakain ko nga ata apat e', sa kanya dalawa lang, hehehe.

"Hoi nga pala, Bryan!"

"Yes ma'am?" hindi siya nakatingin sa akin noong sinabi niya ang mga salitang ito sapagkat abala siya sa pagkain.

"Bakit ayaw mo akong maki-share sa pambayad ng mga pagkain nating ito?"

"Ayoko, bawal." ngumunguya pa siya habang nagsasalita.

"Bakit naman? Gano'n na ba ang sistema ngayon?"

"Kung may kasama kang babae, hindi dapat ito pinapahirapan. You have to treat her as your Queen. Kasi kahit kayo ang nagyaya, sa amin parin dapat ang responsibilidad."

Gentleman... hmm. Aalisin ko na ba ang manloloko at babaero na tingin ko sa kanya?

"Pero 'di ba working student ka? Pera mo 'yon? Sa 'yo lang dapat."

"Actually, trip ko lang ang pagpapart-time job. Gusto ko lang makisalamuha sa mga tao kasi kapag wala akong nakakausap, feeling ko ang lungkot ng buhay ko. Mabuti na lang dumating ka. Pinapadalhan naman ako ni papa ng pera galing Spain and it is somewhat big,"

"Ohh? Pero kahit na. Kailangan ko pa ring mag-share diba? Kasi kumain din ako,"

"Shh... tama na. Oo next time hati na tayo sa pambayad, okay na?" bumulalas na lamang siya ng tawa kahit wala namang nakakatawa.

Everytime he smiles, I feel like my heart is melting.

Biglang tumunog ang relo naming dalawa.

"11:11,"

"11:11."

Sabay naming sambit sa ikatlong pagkakataon.

I like those smiles, I want them to be part of my life. 

---

Don't forget to vote, thanks!

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon