Theia,
Maybe this is the end for us. Salamat sa pagpapatuloy saakin sa buhay mo.
------------
3 years later...
Matagal na panahon ko siyang hinintay na bumalik saakin, pero walang nagbalik. Isang taon akong naghintay sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ng husto.
Sa park.
Naghahangad ako na sana isang araw, pumunta siya sa harapan ko at sabihang andito na ulit ako, Mahal.
Subalit wala na talaga. Mukhang tapos na nga talaga ang storya naming dalawa.
I thought you'll never go far away from me?
Sa halos isang taon kong paghihintay, madaming nagbago. Madaming nagbalik. Bumalik ulit ang batong puso ni Theia.
Kung babaguhin mo ako at ibabalik lang naman sa dati, edi sana 'di ka na lang dumating sa buhay ko.
Sana talaga pinakinggan ko na lang ang isip ko sa una pa lang. Ngayon, hinding-hindi na ako maniniwala sa pesteng puso na 'to. Tama pala ang impression ko sayo dati,
Babaero na manloloko pa.
Pero 'di na muli akong magpapaloko.
Pinagpatuloy ko ang ang kursong gusto ko, ang BS in Aeronautical Engineering. Gusto ko paring makapunta sa kalawakan at makaapak sa buwan.
Kahit pinangakuan niya akong sabay kaming pupunta doon. Pero pangako lang naman 'yon, madaling napapako.Nagcelebrate ako ng Birthday, Christmas at New year ng magisa. Iniwan na ako ng lahat, kaya sino pa ba ang magdadamay sa sarili ko kundi ako.
Madalas akong nasa parties. Inom dyan, inom doon. Wala na rin namang purpose ang buhay ko kaya ano pa ba ang gagawin ko?
Nakilala ko sa isa sa mga party na nadaluhan ko si, John. Wala na akong pake kung anong gawin nila sa 'kin. Madalas binebenta ko ang sarili ko para sa tuition ko.
Kahit saan-saan nila ako dinadala. Kailangan ko namang gawin ito para maabot ko lang ang pangarap ko.
Naging boyfriend ko si John at 2 years na kami. Nagagawa niya namang pasiyahin ako pero ibang-iba ito sa kung paano niya ako pasiyahin. Lintek na pusong 'to, siya nanaman ang naiisip ko.
Sinunog ko na rin lahat ng mga pictures naming dalawa. Naramdaman ko 'yong sakit sa puso ko noong unti-unti ng nilalamon ng apoy ang mga alaala namin.
Nanaig pa rin ang isip ko at mas dinagdagan pa para lumaki ang apoy.
Aalis na sana ako ng makita ko 'yong una naming litrato.
Litrato namin sa photo booth na masayang-masaya na nakatitig sa isat-isa.
Alam kong umiiyak na ngayon ang puso ko. Umiiyak na rin ang mga mata ko.
"Paalam, Bryan."
Nakakalimutan ko na siya at kailangan ko na rin, sapagkat may bago ng dumating at pumasok sa puso ko.
Namasyal kami noon ni John at minsan na kaming dumaan sa may park. Gabi noon at kaunti na lamang ang mga tao. Iniiwasan ko dating tumingin sa puno na inuupuan namin pero habang naglalakad kami noon, biglang nahagip ng mga mata ko ang lalaking matagal kong hinintay.
Si Bryan.
Nakangiti ito saakin pero malungkot naman ang mukha nito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ng humarang ang grupo ng magkakaibigan. Pero noong tiningnan ko ulit kung saan siya nakaupo,
BINABASA MO ANG
11:11 Forever and Always ( Completed)
Teen Fiction11:11 Being loved by you is the most wonderful thing I ever had. But... why'd you leave me so soon? Why did you leave me with no warning? I can still see your innocent charming face smiling at me. And I guess, it's time to say goodbye and let you go...