Chapter 14: CONFESSION

110 38 17
                                    

✨✨✨

Yey! Enebe lola, kenekeleg ne telege eke!" pagpuputol ni Faye sa pagkukuwento ni Lola.

"Ako rin kinilig, hehe." Sabi naman ni Frey.

'Di ko maitatanggi na kahit ako, kinilig rin sa ibinunyag ni Bryan at Theia.

"Ipagpapatuloy ko na mga apo, baka kasi makalimutan ko."

✨✨✨

Natapos na ang kasiyahan na aming naranasan. Balik na naman sa pagiging estudyante ang lahat na naghahanda na rin para sa finals. Naging tutok na rin kami ni Bryan sa pag-aaral namin kaya minsan na lang kaming nakakapunta sa park, para kumain ng isaw at manood sa pagpapart time job niya.

At oo, nagkaaminan na kami ni Bryan, pero wait!

Hindi ako 'yung tipong babae na madaling makuha agad tho, oo madali akong nahulog sa kanya. Tuwang-tuwa siya ng mga oras na 'yun kasi nasa park din kami noong umamin din ako. Sakto ring sahod niya nung araw na 'yon kaya bilang pag-celebrate raw sa kasiyahan niya, bumili siya ng 50 pieces na isaw para sa aming dalawa lang!

Inubos niya 'yung sweldong nakuha niya para sa pagkain. Bumili siya ng kung anu-ano, katulad ng iba't-ibang klase ng barbecue, may biscuits, chuckie, pati na rin chocolates.

Ano ba ang nasa isip niya? Kainin namin lahat?

"Bat ba ganyan karami ang binili mo? Grabe namang celebration mo 'yan! Umamin lang ako, hoy! Anytime, pwedeng magbago ang nararamdaman ko sa'yo." Kumunot naman ito at natawa naman ako.

"Hindi, 'yung isaw lang sa atin. Pero kung gusto mo ng iba dyan, kuha ka lang." Katuwiran niya. Saan naman mapupunta ang ibang ipinamili niya? Aber?

"Hindi okay lang, isaw pa lang busog na ako, saan mo pala 'yan dadalhin?" tanong ko.

"Doon," tinuro niya ang mga taong tila hirap makahanap ng makakain. Mga batang naghahanap ng maaaring kainin sa mga basurahan. Gusto niyang ibahagi ang pinamili niya sa mga taong lansangan kung tawagin.

"At sa kanila." Tinuro niya naman ang mga batang masayang naglalaro pa sa gitna ng gabi.

Hindi nga ako nagkamali ng ginusto.

"Pwede mo ba akong tulungang ibigay 'to sa kanila?" I smiled. He was the type of man I dreamed of when I was a kid.

Hindi niya iniisip ang sarili niyang kalagayan, 'yung sarili niyang pangangailangan.

"Matutuwa sila panigurado." May sumilay na magandang ngiti sa kanyang labi.

Inisip niya parin ako, iniisip niya na may mas nangangailangan ng pera niya.

"Tara?"

Masaya akong nagtagpo tayo.

"Tara."

Nagsimula kaming maglibot around 9 pm at natapos kami ng 10. Grabe, ang saya palang tumulong. Ansayang ngumingiti sila sa amin. Kahit sa simpleng pagbigay lang, parang sinasabi nilang, 'salamat at dinugtungan niyo ang buhay namin.'

Umupo kami sa usual place naming dalawa. May natira pa namang chocolates at iba kaya sa'min na lang ito. Pero syempre, tinabi namin 'yung singkwentang isaw, para sa aming naghihiyaw na sa gutom na tiyan. Gutom na kami kaya paunahan kaming kumuha nito. Naubos ko kaagad ang apat na isaw habang siya anim naman.

He spread his arms wide. Tila ba gusto niya pang kainin ang natitirang isaw.

"Teka, Bry, ilan ba 'ang nagastos mo? As in lahat-lahat. duda ko sa kanya. Sa dinami-dami ba naman ng binili niya. Tumingin siya sa akin habang kumakain pa rin. Inubos niya muna ito at inilagay sa basurahan ang stick bago ako sagutin.

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon