Mahal kong Theia,
Hindi na muna ako makakapagsulat sa iyo, Mahal. May gagawin lang akong importante, madali lang 'to promise. Bye! See you.
✨✨✨
'Di ko namalayan na ito na pala ang huling kasiyahan naming mga estudyante at babalik na naman kami sa normal na gawain namin. Sobrang lively ng mga events, andaming mga ganap at hinding hindi ko pagsisisihan na sumali ako dito. Kahapon, concert ng Ben&Ben ang event kaya lahat ng estudyante dumalo rito.
Kasama ko si Bryan na tumalon at kumanta. Ang saya nung mga oras na 'yon kasi nakalimutan ko ang lahat, nakalimutan ko ang mga problemang palagi akong binabagabag. Tanging nakikita ko lamang ang mga taong binubuhos na ang saya, mga ilaw na tila nagsasayawan at nakikisabay rin sa mga tao.
Pinakagusto ko sa lahat ang napakalaking ngiti na binigay sa akin ni Bryan. Hindi ko na talaga alam kung ano na ang takbo ng aking nararamdaman.
Ngayong araw, kami naman ng mga kaklase ko ang gagawa ng sarili naming ganap at napag-sangayunan ng lahat na gumawa na lamang kami ng bonfire.
Nakapang Hawaiian outfit kami kahit wala namang beach o pool.
Ganyan sila ka witty.
May designated area sa aming ibinigay para mag-build ng bonfire na gagawin namin. May mga foods at drinks na rin na nakahanda kasi tulad ko, patay gutom rin sila.
Andito na ang ilan sa mga kaklase kong ayos na ayos sa kanilang mga suot. Habang ako naman ay nakasuot ng casual hawaiian dress na off-shoulder at abot hanggang talampakan ang haba ng dress. Para naman sa ulo ko, nag-eyeglass na lang ako at nilagay sa ulo. Ewan ko ba kung bakit naisipan kong mag-heels, ayan tuloy nahihirapan akong maglakad sa grass kaya tinanggal ko na lang at nag paa.
Hinahanap ng mga mata ko si Bryan at nakita ko naman agad ito. Ando'n siya sa mga kaibigan niya at nakikipagtawanan. Naka hawaiian polo naman ito na bukas sa may chest at white short. Para naman sa headdress niya, naka-pork pie hat itong may shade ng brown at teka lang? Nagpa-tatoo na ba siya?
Ohhh fake tattoos.
Patuloy ko pa ring kinikilatis ang kanyang ayos ng bigla itong tumingin sa akin na ikinabigla ko naman. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa pangyayaring 'iyon kaya iniiwasan ko si Bryan. Paglalapit siya sa akin, bigla na lang ako matataranta ng 'di ko alam at lalayo naman.
Kunyare may ginagawa. Kunyare, busy.
Napansin ni Bryan na inilalayo ko sa kanya ang sarili ko. Maraming beses niya akong tinangkang kausapin at gumawa na rin ito ng paraan.
Humingi siya ng tulong kay, Bea.
Lumapit sa akin si Bea kaya inihanda ko na ang sarili kong sagutin siya sapagkat inutusan nga siya ni Bryan. "Oi, Theia bes! 'Di mo raw kinakausap si Bryan. Pinapatanong niya rin kung galit ka raw sa kanya? Sorry, sabi niya, kung may nagawa man siyang mali." Sambit ni Bea. Kahit ang babaeng ito ang kaharap ko, natataranta ako. Para kasing si Bryan ang nagtanong sa akin.
"H-Hindi, wala. Hindi ako galit sa kanya." Lumapit ako sa may puno para magtago. Nahihiya talaga akong makita niya ang kalagayan ko ngayon.
"Eh, ba't mo siya iniiwasan? Kahit ako rin napapansin ko. May nararam--"
"Ha? Wala! Trip ko lang na iwasan siya. Pina-prank ko kasi." Hindi umimik ng ilang segundo si Bea at tanging titig na kakaiba lamang nito ang ibinibigay sa akin.
"Ah, prank lang pala." Bumulalas siya ng tawa, as in sobra. Dali-dali naman itong tumakbo kay Bryan kahit hirap na hirap siya.
Prank? Why the hell I need to have an excuse? Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Nakakainis naman.
BINABASA MO ANG
11:11 Forever and Always ( Completed)
Roman pour Adolescents11:11 Being loved by you is the most wonderful thing I ever had. But... why'd you leave me so soon? Why did you leave me with no warning? I can still see your innocent charming face smiling at me. And I guess, it's time to say goodbye and let you go...