Chapter 9: COMEBACK

133 58 33
                                    

Mahal kong Theia,

Akala ko nakita kita kanina sa may corridor. Nag ha-hallucinate na ba ako? Miss na miss na kita! I always long for your love, Mahal. I missed how you smile, how you laugh, how you changed. I missed everything about you.

✨✨✨

'Di ko namalayan na nagdaan na pala ng apat na buwan at ito na ang huling sem na i-te-take ko. Foundation day ng University bukas at whole week iyon kaya makakapag-unwind ang mga estudyante pati na rin ako. Pero, wala akong balak sumali sa mga events na 'to sapagkat sayang lang ng oras na magugugol ko rito.

Excited ang mga kaklase ko para sa magaganap bukas. Tinatanong nila ako kung sasama ba ako bukas pero 'di ko sila sinasagot pabalik kaya nagkakaroon na naman ng bulung- bulungan na napaka-attitude ko.

"Matatapos na ang klase pero 'di pa rin nagbabago ang ugali ng babaeng 'yan." Sambit ng babaeng nasa unahan ko habang may kausap.

"Wala man lang saya na natira sa katawan."

"Paano natagalan ni Bryan ang ugali niyan?"

"Napaka-kj naman."

Mga salitang sunod-sunod kong narinig na nagpakulo ng aking dugo.

"Gan'yan na ba kagaling 'yang mga bibig niyo? Oh, matalas lang ang pandinig ko? Kasi kahit malayo kayo, 'yang tabas ng dila niyo, humahaba! Pati sa akin napadaan? Wow! Anong klaseng dila ba mayroon kayo? Ang galing naman, bravo!" tumayo ako't nagkunwaring pumapalakpak sa kanila. "Kung may nabibili niyan paki-inform ako, ah? Gusto kong ma-try." Pangiti-ngiti ko sa kanila.

Hindi ko na naman napipigilan ang sarili ko.

"At isa pa, ikaw na mataba ka!" lumapit ako sa kinatatayuan niya't pinanlisikin siya ng tingin. Siya 'yung unang gumawa ng ikakasira nilang lahat dahil sa mga salita ko, pwes! Magdusa ka sa ginawa mo. "Magpapayat ka muna bago tumalak, ha?" lalapit pa sana ako para mahawakan ang kanyang mukha pero hindi ko na ito natuloy.

"Tama na yan!" narinig ko ang boses niya na puno ng awtoridad.

"Kung wala kayong sasabihing matino, can you just please shut your mouth? Hindi porket 'di kayo kinakausap pwede niyo na siyang husgahan, pwede niyo na siyang pagsalitaan ng kung anu-ano. Tao lang siya, may nararamdaman siya, nasasaktan siya." Binalingan ako ng tingin ni Bryan at alam kong iba ito. Hinila niya ako palabas at marahas na hinahawakan ang aking kamay. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Bryan, hanggang sa di ko na napigilan ang sakit na nararamdaman ko sa aking kamay.

"Aray! Bitawan mo nga ako!" sa oras na ito, ako na ang pumalag mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. "Ano bang problema mo?!" pagkumpronta ko sa kanya.

"Ako pa ang may problema, Theia?" nagtataka ang kanyang mukha. Para bang ipinapa-realize niya sa akin na ako nga ang may kagagawan ng lahat.

"Kung hinayaan mo na lang sana ako roon para makipag basag ulo sa kanila!" pabalik na sanang muli ako sa kuwarto para kunin ang bag ko kasi nawalan na ako ng ganang pumasok pa pero hinawakan niya na naman akong muli. Ngunit iba na ito kumpara kanina.

"At sa tingin mo gagawin ko 'yon?" ma-awtoridad pa rin ang pananalita niya pero ibang-iba na talaga ito, mukhang nahihirapan siya. Unti-unting pumapatak ang ulan. Narito kami ngayon sa malawak na soccer field ng University kaya kami lang dalawa ang nakakarinig sa mga bangayang nagagawa namin.

"Anong klaseng tao ka ba talaga? Ba't ka ganyan? Ba't parang ibang-iba ka? Ba't ang layo-layo mong iabot?!" napalunok na lamang ako at napahinga ng malalim sa sinabi niya. Nasasaktan akong isipin na ganoong tao ako para sa kanya.

"Ba't ibang klaseng tao ako? Gusto mo ba talagang malaman? Dahil sa ama kong pinagpalit kami sa ibang pamilya," I could feel the raindrops on my face together with this treacherous tears. "Kasi dahil sa lalaking 'yun, namatay si mama. Si mama na, palaging nariyan para sa akin. Si mama na sobrang mahal na mahal ko. Bryan, siya na lang yung meron ako noon at ayoko siyang mawala sa buhay ko. Pero sa sobrang pagmamahal na binigay ni mama sa lalaking 'yon, nagpakamatay siya sa sakit na nararamdaman niya! Nawala si mama kaya nawala rin ako. Nawala rin si Theia." Sumasabay na ang mga luha ko sa ulan at basang-basa na ang uniporme namin.

"I-Im sorry, Theia. Hindi ko sinasadya na sabihin iyon, patawarin mo ako sa mga nasabi ko tungkol sayo.Patuloy pa rin ang pag-iyak ko at naramdaman ko na lang na yakap-yakap na ako ni Bryan. Ang matagal ko ng gustong ilabas na sakit sa puso ko, sa wakas, nakalaya na.

"Im so sorry. Sorry, napagsalitaan kita ng gano'n. H-Hindi ko alam na ganyan pala ang mga napagdaan mo. Patawad, Theia." Patuloy pa rin siya sa pagyakap sa akin ng mahigpit.

"Sorry din Bryan kung pakiramdam mo, ibang-iba ako."

Pasensya na dating Theia kung ikinulong kita sa galit at poot na nararamdaman ko. Ngayon, handa na akong buhayin kang muli.

"Halika na? Punta na tayo sa room, basang basa na tayo, oh?" kinuha ko na ang bag kong nahulog sa damuhan.

"Sigurado ka ba?" tanong niya.

"Oo."

Pagpasok namin sa room biglang nagsitahimik ang lahat.. Naaawa ako sa sarili ko. Naawa ako na kung di ko lang sana pinairal ang galit, marami na akong naging kaibigan.

Pumunta ako sa harap at unti-unti na namang nagsibagsakan ang mga luha ko.

"I'm so sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko. Pasensya na sa pangit na naidudulot ko. Sana mapatawad niyo pa rin ako," nakayuko kong sambit.

May isang nagsabi ng sorry at napangiti ako kahit papaano. Di ko namalayan na dumarami na ang nagsabi nito.

Naiiyak ako 'di dahil sa lungkot, kundi dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. Mas masarap pala sa pakiramdam na magkaroon ng kaibigan.

Sabay-sabay silang lahat pumunta sa akin maliban kay Bryan at niyakap ako.

"Promise, promise ko sa inyong lahat, magbabago na ako mula ngayon." Tiningnan ko si Bryan na nakangiti sa likod.

Hindi ko alam kung paano ko mapasasalamatan ang lalaking ito.

He was there to help me get back to where I was. He was there to make me realize that life is not worth it when you are alone.

---

Don't forget to vote, thanks!

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon