Chapter 26: I'M HOME

75 18 10
                                    

Mahal kong Theia,

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin sa'yo, natatakot ako. Hi, mahal! Kumusta ka? Maayos pa rin ba ang ginagawa mo? Sana naman, hindi ko matiis makita't malaman na naghihirap ka. Pasensya na nga pala kung wala ako d'yan sa tabi mo. Puro na lang ako sorry, pasensya. Bakit hindi ko itotoo na lang ang naiisip ko? Ay oo nga, no'? Sige, maghahanda na ako. Pupuntahan kita ngayon din.

✨✨✨

Pabalik na kami ng Bicol para muling ipagpatuloy ang naudlot naming adventure. Naiisip ko ngayon kung paano na lang kung wala si Bryan sa kin? Paano na lang ang buhay ko? Makakaya ko kayang magisa?

Papalubog na ang araw at mula kanina, hindi pa kami kumakain. Mabuti na lang may nadaanan kaming karinderya at nag iihaw-ihaw sila. Kaya sobra na lamang ang saya naming dalawa, sa wakas! IT'S ISAW TIME!!!

"Namiss ko 'to."

He smiled.

Lumabas kami para kumain. Nang mga oras na iyon, ibang-iba ang galaw ng mundo. Parang sa amin lang ito umiikot. Kahit na galing palang ako sa isang masalimuot na pangyayari, nagagawa niya parin akong pasayahin ng sobra. Nagagawa niya pa rin akong pahulugin sa kanya araw-araw.

I don't regret being with this man.

Nakarating na kaming muli sa bahay nila. Nakita ko na rin naman sila noong burol ni Lola maliban kay Jade. Hindi ko alam kung may malaking galit ba siya sa 'kin e' wala naman akong masamang nagawa sa kanya.

Bukas, aalis din kaagad kami ng umaga. Nasabi ni Bryan iyong mga pupuntahan namin pero hindi ko naman alam kung saan ang mga iyon.

Pero may huli siyang nasabi na mukhang nagpainggit sa mga Guazon.

"Pupunta kami ng Misibis Bay at magi-stay muna doon." Sabi niyo noon sa harap nila.

"Tito sama mo 'ko! Huhuhu!" natatawa pa rin ako sa kinilos ng mga bata pati na ng matatanda. Gustong-gusto nga yata nilang makapunta rin sa lugar na 'yon.

"Next time baby sama kita sa sunod, okay? Pero ngayon kami muna ni ate Theia." Sabi niya kay Angel. Ang pinaka bunso sa pamilya nila.

"Sige po, tito Bads! Ingat kayo po! Enjoy."

'Di ko alam kung may ano sa sinabi ni Bryan. Nakita ko kasing sarkastikong ngumiti si Jade noong nabanggit 'yung lugar.

Tila may binabalak siya sa ngiting iyon.

Maaga ulit kaming bumyahe ni Bryan. 5 am pa lamang, nasa daan na kami at kumakanta ng 'If the world is ending'.

I know, you know, we know

You weren't down for forever and it's fine

I know, you know, we know

We weren't meant for each other and it's fine

We are meant for each other.

But if the world was ending

You'd come over, right?

You'd come over and you'd stay the night

Would you love me for the hell of it?

All our fears would be irrelevant

If the world was ending

You'd come over, right?

The sky'd be falling while I hold you tight

No, there wouldn't be a reason why

We would even have to say goodbye

If the world was ending

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon