EPILOGUE

182 26 17
                                    

Theia,

I'll wait for you on the moon. I love you, forever and always!

---------

Years have passed and I still can't move on. Every now and then, I always see him smiling at me.

I missed him so much.

People not cry because love ends. They cry because love still continues even if its over,  if the one you loved is gone... Forever.

Matagal na panahon kong ikinulong ang sarili ko sa alaala niya. Matagal kong hinihiling na sana panaginip lang ulit ang lahat. Na sana isang araw, makikita ko ulit ang mga tawa niya. Maririnig kong muli ang napakakalmado niyang boses.

Someone asked me a question,

What scared you the most?

I said,

"The silent night that followed. The night's without him, without his carefree grin and smile... without him beside me."

Noong mga unang buwan, hindi ko halos matanggap ang mga nangyari. Walang araw na hindi ako iiyak. Walang araw na 'di ko siya maalala.

Noong burol niya, madaming pumunta dito at nagpahatid ng pakikiramay. Nakita kong pumunta si Blaike at ang ate niya.

Umiyak ito sa harap ni Bryan noon at sinabi niyang kahit nakahiga na siya doon, guwapo pa rin siya. Nakita ko ring pumunta dito si Nanay, ang pinagbilhan namin ng isaw sa park noon.

Dinamayan ako nito ng ilang gabi. Pinaalalahanan ako nitong hindi matutuwa si Bryan kung palagi lang akong iiyak. Hindi ko naman mapigilan ang sakit na nadarama ko noon. Kahit ilang araw na akong nandoon, hindi ko pa rin nakikita kung ano ang itsura niya sa loob ng kahon na 'yon.

Hindi ko kaya... sobrang sakit.

Naging maayos na kami ni Jade at Chloe. Naawa rin ako kay Chloe kasi alam kong mahal niya rin si Bryan kaya nagdamayan na lang kaming dalawa.

Mabait naman pala siya. Naging ganoon lang siya dahil rin sa pamilya niya... gaya ko. Parehas kami ng pinagdaanan. Noong dumating raw si Bryan sa buhay niya, hindi niya mawari ang sobrang kasiyahang nadarama sapagkat may taong handa siyang samahan sa lahat. Napuno lang ng galit at inggit ang puso niya saakin kaya nagawa niya ang lahat ng iyon. Lumuhod siya saakin noon sa harap ng mga tao para humingi ng kapatawaran.

Bilang isang tao na binago ng isang Bryan. Pinatawad ko ito.

Ngayon isa na ako sa napalad na pumunta ng Buwan. Isa na akong Astronaut.

"Ito na 'yong pangarap natin Bryan. Tutuparin ko na."

Sinabi mo saakin noong nasa buwan ka lang at hihintayin mo akong pumunta pero bakit wala ka? Andito na ako oh, nakatapak na ako sa matagal ko ng gustong puntahan.

Sa lahat ng naging mga tests namin sa moon, oras na para bumalik kami sa mundo kung saan ako nagmula. Pero bago ako pumasok sa ship, sinulat ko ang sinabi ko sakanya noon pagnakapunta na ako dito.

"Panget Bryan, Demonyo Bryan."

Tumawa na lamang ako sa sinulat ko, pero 'di ko namalayang bumagsak na pala ang luha ko. Yumuko akong muli at may isinulat.

"Miss na miss na kita Mahal ko. Mahal na mahal kita."

Natupad ko na ang lahat ng pangarap ko. Isa na akong tanyag na Astronaut at sa pinakauna kong naging sweldo, tumayo ako ng charity para sa mga taong nagsusuffer sa sakit na katulad ni Bryan.

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon