Chapter 16: PULCHRITUDINOUS

94 34 13
                                    

Theia ko,

Wala naman akong ginagawa ngayon. Wala rin si Toby kaya wala akong makalaro. Alam mo ba umiyak 'yon dahil sa akin? Umiyak siya kasi akala niya 'di na ako babalik. Mahal ko na talaga ang bata na 'yon para siya yung nakilala natin noon sa bus. Mag-road trip ulit kaya tayo? Miss ko na 'yon... Miss na kita.

✨✨✨

"Tao po?" andito na siya at 'di ako mapakali. Tama bang ganito ang itsura ko? Natatakot ako sa magiging reaction ni Bryan kapag nakita niya na ako ngunit paninindigan ko ito.

"Apo, iyan na ba ang manliligaw mo?" masayang sambit ni Lola.

"Opo." Pagkumpirma ko.

"O, siya ako na ang magbubukas ng pinto." Nanatili lamang akong nakaupo sa sofa at hinahanda ang sarili sa kung anong mangyayari.

Binuksan na ni Lola ang pinto at tumambad dito ang matangkad at matipunong lalaki.

"Ikaw na ba apo ang manliligaw ni Theia ko?" tanong ni Lola kay Bryan.

'Di naman nito nakalimutang magmano muna bago magsalita.

"Opo Lola, ako nga po." Binalingan naman ako ng tingin ni Lola.

"Aba kano pala ito apo?" natawa na lamang ako sa nasabi ni Lola. Kahit nga rin ako nung una naming pagkikita, akala ko talaga hindi siya pinoy.

"Hindi po siya ganon ka-kano pero half spanish daw siya.

"Hmm, may kilala rin akong ganyan pero matagal na 'yon hayaan na, halika apo, pasok." Malaking ngiti ang ibinigay niya kay Bryan. Hindi ko inakalang magiging ganito ako ka swerte kay Lola.

"Salamat po, Lola," nakita ko na ang sapatos niya sa loob ng bahay kaya mas lalo na lamang ako kinabahan. "Ito po, flowers for you."

"Abay! Salamat naman apo."

"Syempre naman po, kung liligawan ang apo, dapat ligawan rin ang magulang di ba, Lola?" tumawa na lamang si Lola sa maraskal pero may respetong galaw ni Bryan.

Kinakabahan pa ako, 'di pa nakikita ni Bryan ang ayos ko ngayon. Unti-unti ko na siyang nakikitang papalapit ng papalapit sa pwesto ko.

Sabi ko na nga ba, magtataka siya sa ayos ko.

"H-Hi," bati niya.

"H-Hi, I mean, Hello." 'Di pa rin nagbabago ang expression ng mukha niya.

"Bakit?" sa oras na ito, alam ko ng hindi niya gusto ang nakikita niya ngayon.

"You look Pulchritudinous, Theia." Mali nanaman ang naisip ko sa kanya. Madali ko naman agad itong naintindihan. 'Di ko akalaing magiging ganito ang lahat, nararamdaman kong parang namumula ako kaya dali-dali ko ng hinawakan ang braso niya at pumunta sa Dining area.

I know he meant those words.

Even though I looked like this, he didn't even hesitate to say that Im still beautiful.

May binigay siya para sa akin at bouquet ito ng sunflower, ang paborito kong bulaklak.

May dala rin siyang ibat-ibang pagkain kaya sobra-sobra ang meron kami ngayon sapagkat naghanda rin si Lola. Sinabi niya na lang na 'yung matitira ay ibibigay na lang ulit sa mga taong walang makain sa may park.

Heto na naman siya.

Bat ba palagi mo akong pinapa-konsensya sa mga kilos mo, Bryan?

Dumating ka ba talaga sa buhay ko para baguhin ako?

Hindi pa ako sayo, pero ma-swerte na ako.

Tapos na kaming kumain, madali naman kaagad naging komportable si Lola kay Bryan at natural na iyon sa kanya. Nagkwentuhan muna kami saglit tungkol sa kwento naming dalawa. Kung paano kami nagkakilala, ano bang klaseng tao ako at si Bryan.

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon