Chapter 20: I'M IN TROUBLE

83 30 17
                                    

Theia,

I can't afford not to talk to you even this way, Theia. I will apologize to you again, okay? I hope you understand me. I just need to leave for a while. I'll be back sooner for you, My love. Can I have a sweet good morning, good afternoon, goodnight from you?

Can you please say that you love me too?

✨✨✨

Nagising ako mga bandang 6pm na at nag aagaw na ang liwanag at dilim. Umupo muna ako sa hinihigaan ko at naghinat. Tanaw ko rin mula rito kung gaano kaganda ang Mayon kahit hindi na masyado itong makita dahil sa makakapal na ulap.

Mukhang nagpapasikat tong si Magayon at Panganoron sa 'kin, ah?

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa maleta at inilagay sa cabinet na mayroon dito sa kwartong ito. Sabi kasi sa akin ni Ate Baby, pinsan ni Bryan, ilagay ko raw itong mga damit ko doon total magtatagal naman kami dito.

Nahihiya pa akong lumabas pero naiihi na ako kaya nag suklay muna ako at nagpalit ng damit. 'Di pa kasi ako nakakapagpalit mula noong nasa manila pa.

I put my glasses on, wala naman akong sakit sa mata at anti-radiation lang naman ito.

Nagbuntong hininga ako at unti-unti ng binuksan ang pinto. Nagulat ako ng may mga batang nakaupo malapit sa pintuan.

"Ah ,h-hi!" bati ko.

Tumayo ang isa at mabilis na tumakbo. "Yey! Tito, Bads! Gising na ang asawa mo!"

"Naku! talaga kayong mga cute na bata!" tumayo na rin sila at sumabay sa aking maglakad. "Hali kayo, punta na tayo sa baba."

"Sige po, ate Dino!"

Putspa ka, Bryan. Humanda ka sa 'kin mamaya.

"San mo 'yan baby nalaman? Theia po ang pangalan ko hindi dino o dinosaur.

"Kay tito Bads, dino raw nickname mo ate e'. Parang dinosaur lang, rawr!" tumawa na lamang ako pero humanda talaga sa 'kin yang Bryan na yan, tutuhugin ko siya.

Bumaba na kami ng mga bata at dinala nila ako sa likod-bahay kung saan may garden ito at dito sila nagtitipon-tipon.

"Hi Theia! Good Evening!" bati sa 'kin ni Bugoy na pinsan rin ni Bryan.

"H-Hello po, Good Evening."

"Halika apo, umupo ka. Dito kami madalas pagsasapit na ang gabi sapagkat malamig ang simoy ng hangin atyaka, tanaw na tanaw ang Mayon diba?" tiningnan ko ang napakalaking mayon. Tanaw na tanaw nga mula rito ito ng sobra.

Umupo na ako sa isa sa mga upuan at nakikita ko na parang may tumitingin sa akin kaya binalingan ko rin ito.

"Hi!"

"Tsk." Nagulat ako sa naging bati niya sa akin.

Siya 'yung babae kanina na parang maldita rin. 'Yung walang kahirap-hirap na sinasabat si-- sino na nga 'yon? Basta 'yung babaeng singkapal ang makeup na pwede ng magtrabaho as Clown.

Nag-smile na lamang ako at yumuko ng bahagya.

Hindi na kumpleto ang kaninang kinse na tao dito at ngayon, mga walo na lang sila. Si ate Baby, si Bugoy, Lola, mga bata, may isa pang nasa 20's lang na lalaki at si Jade na pangalan pala niya. Narinig ko kasing sinaway ng kapatid ng walang galang ako nitong kausapin. Lol, sanay naman ako do'n sapagkat katulad rin niya ako noon.

Nagtataka ako kung nasaan si Bryan. Hindi ko kasi siya nakikita.

Puro kwentuhan lang naman ang nagawa namin sa mga oras na lumipas at madali naman kaagad ako naging komportable sa kanila. Except kay Jade.

Ba't ba hindi ko talaga siya nakikita? Nasaan kaya siya. Baka kasama si--no, stop.

Nahihiya man akong magtanong pero linakasan ko na ang loob kong tanungin sila kung nasaan si Bryan.

Sabi ni Ate Baby, nasa isang likod pa raw ito at nagiihaw ng barbecue para sa ulam mamaya. Kung dito raw kasi magiihaw maaaring asthma-hin si Lola.

Napa-ahh na lang ako. Kahiya tuloy, dapat 'di na lang ako nagtanong. Lumipas pa ang ilang minuto at lumabas dito ang isang lalaking matangkad na nak-ashort at apron. Walang damit, pareho rin kaming naka-eye glass, tagaktak rin ang pawis at nagpapapansin sa 'kin ang pandesal niya at biceps.

Kumakabog ang dibdib ko noong papalapit ng papalapit siya sa pwesto ko. Mas lalong lumapit pa ito at 'di ko na alam kung humihinga pa ba ako, jusko Lord! Help me.

"Wow nagplano? Parehas naka eyeglasses e'" hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Parang hindi na 'ko ang may control nito. Patingin tingin na lang ako sa paligid kasi hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa pagtibok ng mabilis.

Patuloy pa rin ako sa pagiiwas ng biglang may kumalabit sa akin.

"JUSMEYO PERDON!" bigla na lang akong napasigaw.

"Tinatanong kita kung gusto mo bang tikman 'yung isaw ko.

"Ah, eh... ewan." Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang puso ko sa pagtibok. Lintek naman oh! Ang rupok.

"Bakit? Dati singkwentang isaw pinapapak natin e'. Tapos ngayon, ayaw mo na?" natatawa nitong sabi. Hindi ako natutuwa, sinabi niya secret ko!

Napa-woah na lamang silang lahat.

"Shh, kasi Bryan! Pahamak naman to e'!" ngumiti ito at ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya? "Halika na! Tikman mo 'yung isaw." Nagpapasikat pa rin talaga sa 'kin ang abs niya. Parang binubulungan ako nito ng, 'Come! Eat Me'. Char!

Niyaya niya akong pumunta sa lugar kung saan siya nagiihaw. Inabot niya naman ang kamay ko na sobrang lamig kaya tinanong niya ako kung may lagnat daw ba ako.

Bumaling ako ng tingin sa kanila at nakikita kong nagdadasal si Lola na para bang nagpapasalamat.

Para saan kaya?

Kumawala ulit ako ng malalim na hininga at nagsimula ng maglakad habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

Pumunta kami sa likod at mausok nga dito pero 'di naman masyado. Kaya pala matagal ko siyang 'di nakita kanina kasi marami rin pala ang iniihaw niya. May iba't-ibang klase ito, katulad ng inihaw na karne ng baboy, manok, may betamax at syempre isaw.

Pwede rin bang kainin ang esa dyen? Ehe.

Kumuha ako ng isa at dinutdot ito sa sauce na ginawa niya raw at sobrang sarap nito. Akala ko naman doon lang ako makakatikim ng isaw pati rin pala dito.

Sinabi niya rin sa 'king magsisimula na ang adventure ni Bryan at Theia bukas.

Naalala ko pala na tutuhugin ko siya pag nakita ko, mabuti na lang stick na lang natira sa kaninang isaw na kinakain ko.

Maghanda ka, Manloloko at Babaerong lalaki ka!

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon