//Special Chapter-Alice//

100 10 9
                                    

(Alice's POV)

Mula pagkabata ko nahilig na talaga akong magkolekta ng mga libro. Ewan ko ba kung bakit ganto. Para kasing may kulang saakin parati paghindi ako nakakabasa.

Kaya maaari na ako tawaging obsessed sa libro. Pinangarap ko rin maging lawyer someday like daddy pero nagbago ito nung nadiscover kong gusto ko palang magturo ng mga bata.

When I was in my 10th grade, me and my co-ssg officers planned to have an outreach program. Pumunta kami sa isang elementary school para magbigay ng kaunting tulong at saya na rin sa mga bata. Papasok pa lamang kami sa gate nila nafefeel ko ng sobrang welcome kami.

One of our officer is an influencer and artist na rin who gained thousands of followers on his social media accounts, I guess. Kaya baka ganon na lang sila kaexcited para pagabangan kami sa gate. Di naman ako masyadong active sa internet e tas malalaman ko na lang na artista na pala tong sinisigawan ko lang pagpalaging tulog sa meeting.

Pero mali pala ako ng iniisip. Isa-isang nagsipuntahan saamin ang mga bata at pinagyayayakap kami. Masaya rin ang mga teacher's nung nakita nilang nagagalak ang mga bata sa pagdating namin.

Alam na kasi nilang may surprise kaming gagawin.

Nagsimula na kaming magpakilala isa-isa. Tutok na tutok saamin ang mga bata lalo na yung mga nasa 3rd-4th grade. Hindi na nila afford ang magkaroon ng 5th-6th grade hay. Itong school na napuntahan namin ay hindi gaanong nabibigyan atensyon ng gobyerno kaya masasabi kong mahirap itong paaralan.

Nasa may parteng bundok na kasi itong sitio at napansin ko rin na nasa loob na ang Barangay hall nila pati na rin ang maliit na center.

Akala ko noong una isa lamang ito sa mga classrooms. Sorry Lord naging judgemental ako ng ganon kadali huhu. Habang nagsasalita kami parang lahat ng nakatira dito nagsipagtinginan. Sobrang naiiba yung race nila kaysa saamin at nalulungkot akong isipin na bakit kami may kaya at may marangyang buhay pero sila hindi man lang ito naranasan.

Bakit ba ang unfair ng mundo? Kung may kakayahan lang ako na maging pantay ang lahat ginawa ko na.

"Kids! do you want surprises?" tanong ng president namin.

Pero walang sino man ang umimik.

Gumawa naman ng paraan ang mga teacher's para magsalita ang mga bata. Malumanay nilang sinasambit ang salitang 'Yes' para isigaw nila saamin.

Naiintindihan ko ang sitwasyon. Pumunta ako sa president namin pati na rin sa iba.

"Guys hindi ko sila jinajudge sa kung anong buhay meron sila. Pero parang hindi nila naiintindihan yung sinabi natin. Siguro magsalita na lamang tayo ng tagalog para maintindihan rin nila."

"Omygod! Oo nga noh?"

"Ano ba tagalog ng surprise?"

Mabuti na lang talaga nagtatagalog kami sa bahay at di nilamon ng sobrang karangyaan.

"Sorpresa po." I said.

"Ahh, haha uulitin ko mga bata! Gusto niyo ba ng sorpresa?"

Napangiti na lamang kami sa narinig namin.

"Opo!"

Ang lalakas nilang humiyaw. Mukhang gustong-gusto nga nila.

Nagkaroon muna kami ng palaro sakanila. Ang plano lang talaga ay para sa mga teachers at students pero naawa rin kami sa ibang nasa labas lang at nanonood kaya pinasali namin sila. Nagbigay kami ng mga papremyo sa mga bata katulad ng mga gamit sa school na maari nilang magamit. Namigay rin kami ng simple shoes lang para pansapin man lang sa mga paa nila. Namigay rin kami ng bag of foods.

Actually rushed iyon. Mabuti na lang yung secretary namin humingi sa daddy niya ng tulong. Yung perang nakuha namin galing sa fundraising program binigay namin sa principal para mapaimprove yung pagtuturo sa mga bata.

Ansarap sa pakiramdam makitang nakangiti sila saamin at pinapasalamatan.

Nakaassign ako sa kinder kaya hindi masyadong mahirap yung trabaho ko. Nagturo ako sakanila sa kaunting oras at ang saya makitang nakikinig sila saakin. Makukulit man ang iba sakanila pero ang sweet nila sobra. Nagkaroon pa ako ng ilan pang minuto para makipaglaro sa mga bata at ito na ang oras para umalis ako.

Alam mo ba yung feeling na parang naattached kana sa isang tao? Na parang ayaw mo na siyang iwan. Sa case ko ngayon ayaw ko na silang iwan sa totoo lang. Naluha ako nung papalabas na ako ng pinto. Patalikod na sana ako ng nagsipuntahan sila saakin at niyakap ako.

Sa sobrang soft hearted ko naiyak na ko.

Simula noon naisipan ko maging Teacher na lamang.








-----
Katulad ni Jake na isang delubyo. Meron nanamang dumating sa buhay ko na basta-basta na lang pumasok.

Epal masyado. Feeling close.

As in palagi siyang sumasama sakin. Eh hindi ko naman siya friend o ano.

Mabait ako pero itong isang to? Nakakainis na siya.

Sinasabi niya parati kung nakikilala ko ba siya. Pano ko siya makikila e di ko nga siya kilala! Oh diba nakakainis talaga.

Nalaman ko na ang lahat.



Siya pala yun.



I can't believe that even in our next life, he was there for me.



I now believe that even the imposible can be possible.


- Impossibly Possible Love -

-------

Abangan at suportahan ang storya ni Alice sa Impossibly Possible Love! :  )

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon