Chapter 17: TRIP TO BICOL

95 35 32
                                    

Mahal kong Theia,

Knock! Knock! Kunwari nag who's there ka, Mahal. Theia, Theia who? I-ta-THEIA ko ang buhay ko para sa'yo! HAHAHAHAHHAHA ang corny ko na naman mahal, pasensya kana. Sana 'di mawala pagmamahal mo sa akin pag nabasa mo ito. Kain lang ako, kasabay ko nga pala kumain si ate Mary at Toby. Kain ka rin ng marami ha? 'Wag puro isaw.

✨✨✨

Madaling araw pa lamang pumunta na kami ng Cubao para maghanap ng bus papuntang Bicol.

Sobrang naexcite lang ata kami kaya wala pang masyadong bus dito. Tinanong niya ako kung gusto ko bang mag-Mcdo muna pero sabi ko dito na lang, malayo-layo pa kasi 'yon. E di pumasok kami sa isang kainan dito sa terminal at kumain. Kahit naman ako, 'di masyadong makakain ng maayos kagabi dahil sa ka-excited-an. Kaya ngayon, nakadalawang plato ako ng tapsilog with kape pa 'yan. Syempre, para naman mabuhayan ang aking beautiful body, charot!

Napapansin kong pabalik-balik si Bryan sa cr ng almost three times ata. Ano bang nagyayari sa isang 'to?

Doon muna kami nagpalipas ng ilan pang oras sa kainan. Hindi naman nagalit si ate kasi madalang pa 'yung pasahero. We played Uno and it's quite fun. Palagi akong talo sa kanya, ang galing niya maglaro nun, ah. We took pictures too gamit ang instax ko. Ang maganda kasi sa camera na 'yon ay ma-ki-keep mo lahat ng pictures na mayroon ka.

"Bicol! Bicol!" napabalikwas ako ng marinig ang sigaw ng lalaki.

"Bicol? Hoy gising! May bus na papuntang Bicol, hoy!" niyuyugyog ko na ang balikat niya kasi parang wala siyang narinig at tuloy pa rin sa pagtulog.

"Hmmm?" magaling nga siya mag-uno, pero talo ko naman siya sa pagiging gising parati. Char, natulog naman ako ng slight.

"Gising na, may bus na." Sabi ko sa kanya.

"Mayroon na ba? Teka lang, sakit ng ulo ko."

"Dali na, tayo na! Doon ka na lang ulit matulog sa bus."

"Ano? Tayo na? Sige, tayo na." Bigla na lamang itong naging aktibo sa narinig niya.

Jusko naman, Bryan. 'Wag padadala sa imagination! Binigyan ko pa siya ng ilang minuto bago mahimasmasan, kahit pala tulog 'to, gwapo pa rin.

"Eto na boss, tatayo na."

"Kanina pa ako nakatayo kakahintay sa'yo."

"Ate salamat sa pagpapatuloy!" pagpapaalam niya sa may-ari ng tindahan.

Nag-wave naman ako ng kamay tanda ng pagpapaalam rin.

Nakikita kong madali ng mapuno ang loob ng bus. Umakyat na ako dito ng bigla akong harangin ng driver.

"Hep! Hep! Hep! Hain ticket nindo mga manay mga manoy?" tiningnan ko ito ng kakaiba. Ticket lang naintindihan ko e'.

"Kuya, hindi ko po ma-gets, hehe." Malumanay kong tugon.

"Sabi ko, asan ticket niyo?" nagsabi lang naman ako ng kuro-kuro ko pero napaka attitude niya.

"Ticket? Ha? Kailangan ng ticket???"

"Ay hindi! Maryosep naman, Ghorl!." confirm, attitude ka ghorl?

"Atitod mo kuya."

"Ha?"

"Omg!" bumaba ulit ako ng bus at pumunta kay Bryan na busy sa pagaayos ng mga maleta naming dalawa.

"Bry!" pagtawag ko sa pangalan niya.

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon