Chapter 7: UNKNOWN NAME

156 70 44
                                    

Mahal kong Theia,

                 Nakahanap ako ng bagong kaibigan. Meet, Toby. He's kinda fat tho, ang bigat-bigat! Gustong-gusto pa namang magpakarga, wala naman akong choice kundi um-oo sa kagustuhan ng bata. Atyaka, kapag gwapo, palaging sumusunod 'di ba? HAHAHA, hihintayin kita. Ikaw naman ang kakargahin ko. Love you, love you, love you, LOVE YOU!

✨✨✨

Naninibago ako sa sarili ko, bakit ba ang komportable ko kay Bryan? Alam ko at ramdam ko pa rin sa sarili kong galit ako sa mga lalaki hanggang ngayon. Na kung 'di dahil sa ama kong 'di nakuntento sa isa, 'di sana nawala si mama.

Hindi naman talaga ako ganito dati. Noong bata ako, sobrang friendly ko. Palaging maaliwalas ang aking mukha. Nagbago lang ang lahat nung mga nangyari sa pamilya ko at dahil din doon, naapektuhan ang pagkatao ko.

Kinagalitan ko ang mundo, nagalit ako kay papa at sa lahat ng mga lalaki. Bakit? Kasi ayaw kong matulad kay mama na binigay ang sobra-sobrang pagmamahal pero sa huli, iniwan pa rin.

At tanggap ko na, tanggap ko ng ganito na ako at walang sino mang makakapagpabago sa akin.

✨✨✨

Ramdam ko na ang totoong eskwela, problemado na ang ilan sa mga estudyanteng gustong makapasa sa next sem. Pero ako? chill lang, naniniwala naman ako sa sarili kong kaya ko.

Naging friends na kami ni Bryan at sabi ko sa sarili ko na siya lang ang magiging kaibigan ko, period. Pero siya? Mukhang sa building na ito, friends niya lahat ng tao! Kasi kahit sino'ng dumaan sa room namin, may magku-kumusta sa kanya. Aba, famous.

Bryan is such an extrovert person. Walang kahihiyan sa sarili, go lang kung go ang trip niya.

It's already 6:45 in the evening at nag-dismissed na ng class ang professor namin. Nilagay ko na ang mga gamit ko sa bag at akma nang tatayo pero bigla siyang umupo sa upuan niya at heto na naman siya sa paborito niyang style ng pag-upo.

"Ano'ng pangalan mo?" pagpapa-cute niya at bukas saradong pagpikit.

"Ayoko nga," wika ko habang inaayos ang laman ng bag.

Oo nga pala, 'di ko pa sinasabi sa kanya ang pangalan ko.

"Argh! Ang daya mo talaga, dinosaur!"  sabay hawak sa sintido niya na ani mo'y masakit ito.

Natawa ako nang malumanay at napagtanto ko ngang tumawa ako. Kaya balik ako sa pagiging maldita agad.

"Tumawa ka? Weh? Antagal kong 'di narinig 'yan," manghang-mangha niyang tanong.

"Imagine pa!" sigaw ko't tumayo na.

"Damot! sasabi lang ng pangalan e', che!"  dali-dali naman siyang lumabas ng room pero alam ko na ang plano niya at uunahan ko na siya. Advance kaya akong tao, huwag niyang minamaliit ang isang Theia Mondragon, char! Theia Perez.

Ginagaya na talaga ako nito.

Ayaw kong sabihin ang pangalan ko sa kanya kasi ayaw ko lang, pinagti-trip-an ko siya e'. Binalaan ko siyang huwag na huwag magtatanong sa mga classmates namin at kapag ginawa niya iyon, 'di ko na siya kaibigan.

Natatandaan ko pa ang busangot niyang mukha ng mangyari ang ganun naming pag uusap noon. Sarap kurutin ng pisngi!

Ha? Ano na ba'ng nangyayari sa akin?! Sinabi ko ba talaga iyon?

Lumabas na ako ng room at inihanda ang aking plano. Mahinahon akong naglakad sa may hallway at narinig ang naiinis na boses ni Bryan.

"Ang tagal naman niyang maglakad. Back out na ba, Poging Bryan? Teka lang, baka bigla kasi siyang dumating,"

Napangiti na lamang ako ng sobra at biglang—

"BWAHHH!" sigaw ko.

"WAH! Dinosaur naman! Huwag kang manggulat ng gan'yan!" katulad ng ginawa niya sa akin noon, 'di rin ako nakapigil ng tawa ko. Napahawak ako sa aking tiyan sa sobrang sakit nito dahil sa kakatawa. 'Yung expression talaga ng mukha niya pag nagugulat. Nakakatawa!

"Dinosaur naman, ako 'yung manggugulat e!" nakabusangot niyang tugon.

"Nye ka! Ako nauna," pagpi-peace sign ko sa kanya habang nakalabas ang dila.
Jusko, lumalabas ang pagiging jejemon ko.

"Cute mo! pakurot nga ng pisngi," lumapit ang kanyang kamay sa aking mukha pero natigil ito nang nagsalita ako.

"Ha?" takang tanong ko kahit naintindihan ko naman ito ng maayos.

"Hamburger! Halika na, gutom ka lang." Nararamdaman kong nagiinit ang pisngi ko kaya sigurado akong namumula na rin ang aking mukha.

Kinilig ako sa una niyang sinabi.

---

Don't forget to vote, thanks!

11:11 Forever and Always ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon