(End of flashback)
Ngayon .. nandito ako sa states para samahan si Dad, Ngayong araw naren sya ilalabas sa hospital. Naging successful ang operation nya .. Thanks God .
Bago ako pumunta dito sa states, Sinabi ko kay mama na itutuloy ko ang kasal para lang mapaopera si Dad .. And .. Alam kong pagbalik namin bukas .. ay gaganapin na daw ito agad .
" Nervous ? " Tanong saken ni mom saka pa siya umupo sa tabi ko.
" Little, " Tipid kong sagot. ninenerbyos, Nadidisappoint at syempre hindi ko narin maiiwasang hindi malungkot .. Kasi .. Ipapakasal na ko BUKAS . Alam kong pagbalik ko sa pilipinas.. Maraming magbabago .. Buhay ko , Ni Dad,Ni mom nila dominic ..
Haysst .
" Don't worry dear, everythings alright .. Sigurado akong magugustuhan mo ang kasalan na magaganap bukas .. " She tapped my back then walk away .
Magustuhan ? Kasalan ? Ni hindi ko nga naenjoy yung Teenage life ko .. Haysst
Sa bawat araw na tinagal ko dito sa states, hinihintay ko sya ..Na sana man lang sinundan nya ko dito .. Pero . WALA . Tss .. Kasal na sya ngayon Nori ! KASAL NA ! >_<
Wala na akong balita pa kela Cenon, rosiel, Rina ,ate clang .. At sa iba pang mga kaibigan ko na naiwan sa pinas ..
Si Ate clang, Hindi ko alam kung nagtatangka na naman ba syang magpakamatay dahil INIWAN ko .
Si Rosiel, Kung yung kagagahan nya ba eh iniiwasan na nya .
Si Crista kung nakahanap na ba ng True love daw nya .
Si Querbin kung kamusta na ang studies nya, Kasi madalas tinuturuan ko sya .
Si Angelo kung kamusta na sila ni Freska .. Long distance relationship sila remember ?
Ang Band zero ..kung tinuloy ba nila yung pagpapalit sa pangalan ng banda nila ..
at si ..
Cenon, Kung kamusta ang buhay may asawa, Kamusta yung kanilang kasal, May anak na ba sila ? Saan silang dalawa nakatira, Kung maayos lang ba ang lagay nila ..Kung Masaya ba sila sa isa't isa ..At kung ..
" Mahal mo ba talaga siya ? " Bulong ko sa sarili ko habang pinipigilang maiyak ..
Alam ko na pagbalik ko bukas sa pilipinas.. Marami akong hindi magugustuhang makita .
Pero kelangan ..
Consequences .. right ?
" Dear, You should rest now .. Maaga pa tayo bukas .. " - Mom
" Okay .. "
=+=+=+=
" BESSYYYYYYYYYYYYYYYYY ! " Umaalingawngaw na boses agad ni rosiel ang bumalantang saken paglabas ko ng airport . *BREATHS IN, BREATHS OUT* WOOOOOH ! Nakakamiss ang Pinas !
" Shemay ka naman Nori.. Antagal mo .. Magpapakamatay na sana ako eh .. " Niyakap ako ni ate clang ng SOBRANG HIGPIT !
" Grbe ka ate clang, ako ata papatayin mo eh ..Hindi na ako makahinga .. " She loses her hug from me .Tas nagsmile sya. Hmss .. At least may improvement den pala kahit papano tong si ate clang .. hindi na fake ang smile nya .. Natural na ^____^
" Ahm .. So magyayakapan na lang kayo dyan ? " - Crista
" Nako toh namang si Crista panira moment, Namiss lang namin si Nori noh ! " - Rosiel then hug me too . pero hindi kasing higpit ng ginawa saken ni Ate clang kanina ..
" Nori, We heard that -- "
" Ikakasal na ako ? " Pagpapatuloy ko sa sasabihin ni Rosiel .
Nagbuntonghininga ako at saka muling nagsalita ..
BINABASA MO ANG
Enemies (Season1&2)
Teen FictionENEMIES ~ Written by: Kawaiiplayer Copyright © 2012 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storag...
