30. The King and the Executioner

33.9K 1.6K 439
                                    

Siguro nga ay hindi ko talaga matatakasan ang kamatayan dito sa bwisit na event na 'to. Nagsimula sa Spiders, sumunod ang first round kung saan muntik na kami ni Elroy, tapos kakakita ko lang kanina n'ong halimaw sa dagat...

Tangina, ngayon naman isang bulalakaw?!

Hindi ko mapigilang mapanganga sa bulalakaw na malapit ng bumagsak sa stadium. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mag-regenerate kapag nabagsakan ako niyan.

Kabaliktaran ng reaksyon ko ay kalmado lamang ang mga kasama ko. Lalo na si Zeldrick na kinabigla ko.

What the heck?!

"Oi, oi. Masyado na atang sobra 'yang gawa ni Gin," walang ganang sambit ni Law.

"What do you expect? Si King ang kaharap niya," sagot ni August.

Namimilog ang mga mata kong napatingin sa kanila. That meteor is... Gin's freaking gift?!

Nagsimula ng mag-panic ang mga tao sa stadium. Napunta ang tingin ko sa mga Deities kung saan kampante lang din sila katulad ng guild ko.

The heck?! Hindi ba sila kinakabahan?! Patay ang Guild's Master nila kapag natamaan niyan! Hindi lamang si King kung hindi lahat ng nandito!

Tila bumibigat na ang paghinga ko dahil hindi ko na mapigilan ang pagkakaba ko. Nang tignan ko ang dalawang magkaibigan sa gitna ng field ay kaswal lang na silang nakatayong dalawa.

Fuck! Ayoko pa mamatay!

I felt my eyes changed when I saw the meteor is about to hit the stadium—making sure that I'll at least, survive. Pero bago pa tuluyang tumama ito ay lumabas ang mga itim na usok galing kay King.

Sa kabila ng liwanag mula sa kalangitan, parang naging gabi ng ilang segundo. Unti-unti itong nabuo at humarang sa meteor.

A fucking black hole.

Para akong mawawalan ng malay dahil ramdam ko ang pagpigil ko ng hininga sa mga nangyari.

Those freaking two... are monsters.

Natigil sa pag-panic ang mga tao nang pumasok na sa black hole ang meteor at nawala ito. Habang ang iilan naman ay nanatiling nakatulala sa mga nangyari, katulad ko ay hindi rin sila makapaniwala sa nakita.

So, this is... the Generation of Prodigies?

Punong-puno ng paghanga ang pagtingin ko sa kanila. I can't even imagine those two teaming up. Siguradong walang makatatalo sa kanila.

Tila nagbago ang ekspresyon ng dalawa at parehong kumurba ang mga labi nila.

"So you're already strong enough to drop a meteor, huh Gin?" nakangising sambit ni King.

"Come on Keon, you didn't told me that you can control your gift now," sagot ni Gin.

Bumigat ang tensyon sa dalawa. Kasabay n'on ay ang pagbigat din ng mga pakiramdam namin. The pressure is getting more suffocating, and they're getting more intimidating.

"Oi, oi. The're getting hyped," kalmado ngunit nag-aalalang sambit ni Law.

Kapansin-pansin na rin ang unti-unting pagbitak ng lupa sa field. Kasabay n'on ay ang paggalaw ng lupa.

Fuck, madadamay pa kami!

Pare-pareho na kaming nakaramdam ng kaba. Akmang magsisimula na sina Gin at King nang bigla na lamang itong natigilan. Hindi lamang sila kung hindi pati na rin kami.

Time... stopped.

Kasunod n'on ay ang pagbaba ng isang batang babae sa field. Helena is casually walking towards the announcer. Pagpunta niya sa harap nito ay kinuha niya ang mic mula rito.

Bago magsimulang magsalita ay huminga muna nang malalim si Helena.

"Mga hangal!"

Nag-echo ang maliit at matinis niyang boses sa stadium, na sinabayan pa ng matinis na tunog galing sa speakers.

Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nito. Ngunit hindi ko naman magawang takpan ang mga tenga ko dahil hindi ako makagalaw.

"Walang matitira sa stadium kapag nauna kayong maglaban! Kung gusto niyong magpatayan ay pagkatapos na ng event!" seryosong sambit ni Helena.

"Start the third round!"

Pagtapos magsalita ni Helena ay hinagis niya ang mic. Saktong paghagis niya ay nagsimula na ulit gumalaw ang mga bagay. Pati na rin kami ay nakagalaw na rin.

Nakahinga nang maluwag ang mga kasama ko dahil sa sinabi nito. Hindi lamang sila kung hindi halos lahat ng gifted dito sa stadium ay laki ang tuwa nang malaman na hindi na matutuloy ang laban nina Gin.

Kabaliktaran namin ay bakas ang pagkainis sa mukha ng dalawang magkaibigan. I can't blame them. Matagal nilang hinintay ang panahon nito tapos hindi lang natuloy. Pero kung ako rin naman ang masusunod ay ayoko ring madamay sa laban nila.

"Ehem, ehem. Sorry for the inconvenience," sambit ng announcer.

"Dahil inutos ng Principal, magsisimula na tayo sa pangatlong round."

Habang nagsasalita ang announcer ay pumunta na pabalik sa amin si Gin. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya at inis.

"Cheer up Gin! Pwede niyo pa namang ituloy 'yon!" Pagpapagaan ng loob ni Lemon dito.

Napaismid na lamang si Gin at padabog itong umupo. He freaking looks like a child when pouting. Hindi mo aakalain na kaya lang naman niyang magpabagsak ng bulalakaw.

"Okay, participants! Para sa first battle, maari na kayong pumunta sa field!"

Nakuha ng announcer ang atensyon ko at agad akong napatingin sa screen upang makita kung sino ang unang maglalaban. Tila nawala ang pagmamaktol ni Gin nang makita kung ano ang nakalagay sa screen.

The first battle is Tres from the Frosters and-

Alvis from the Deities.

Napunta ang lahat ng atensyon ng mga kasama ko sa gitna ng field. Maski ako ay napunta rin kaagad ang atensyon ko roon.

Doon ko nakita ang pagpunta ng dalawang lalaki. A guy with a blonde hair from the Frosters, and the guy with a jet black hair from the Deities. They are just casually walking towards the field.

Kung hindi ako nagkakamali ay isang rookie si Alvis. Unang tingin pa lamang ni Gin sa mga rookie ng Deities ay sinabi na niyang hindi ordinaryo ang mga iyon.

Hindi ko mapigilang mapalunok nang malalim habang hinihintay na magsimula ang laban nila.

I'm excited to see what kind of rookies does Deities have.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon