"'W-Wag, please wag! B-Babayaran kita! Babayaran kita nang malaki!-"
Tanging ang boses ng lalaking kaharap ko ang nagsisilbing ingay sa silid. The night is young, and the moonlight is our only light.
Nakaluhod siya sa akin at magkadikit ang kamay. Nagmamakaawa na 'wag kong kunin ang buhay niya. Punong-puno ng takot ang mga mata niya.
Nakatutok ngayon sa ulo niya ang baril ko at hinihintay ko na lang ang signal para kalabitin ang gatilyo.
"P-Parang awa mo na-"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang barilin ng kasama ko.
I gasped as my eyes widened. "Tsk! Liev anong ginagawa mo?!" giit ko. Kunot noo akong napatingin sa kaniya. Wala pang signal na barilin ang target namin!
"We have no time left. Umalis na tayo," he answered in a monotone voice. Mabilis siyang tumalon sa bintana.
Napaismid ko siyang pinanood na umalis. Wala rin akong magagawa kung hindi sumunod. Hinawakan ko ang gilid ng bintana at naghandang tumalon.
"Hanggang diyan na lang kayo!"
Isang malakas na tunog ang narinig ko nang malakas at sapilitang binuksan ang pinto sa silid. Kasunod nito ay ang tunog ng mga pares ng sapatos na nakapasok.
Bago ako makatalon ay naramdaman ko ang pagtutok ng baril ng mga lalaking kararating lang sa silid. They must be the useless bodyguards.
"I-Itaas mo ang mga kamay mo! Kung hindi, babarilin kita!" nauutal na sambit ng isa sa kanila.
Kumurba ang isang ngisi sa labi ko sa sinabi niya. "Then shoot me."
I grinned when I saw the terror in their faces, seeing that I'm confident even though there are guns that are pointed at me. Kahit nanginginig ang mga kamay, nagawa akong barilin ng isa sa kanila.
"Scarlet!" Liev shouted.
Sumabay ang putok ng baril sa paghampas ng hangin. My crimson red hair flew with the wind. I felt my eyes changed. And the next thing I knew, nanginginig at napaluhod ang mga bodyguards sa nakita nila.
"I-Iyong bala, t-tumagos 'yong bala!" hindi makapaniwalang sambit ng isa sa kanila.
Hindi ko mapigilang matawa sa mga reaksyon nila. Kasabay n'on ay ang pag-apoy ng buong katawan ko.
"H-Halimaw! Halimaw!" sabi ng isa.
"Ouch, masakit 'yon ah." Nagawa ko pang hawakan ang puso ko na parang bang kumikirot ito.
"Tsk! Scarlet tara na!" Rinig kong tawag ni Liev.
Nakita kong tumatakbo na ito sa hindi kalayuan. Ngumiwi ako nang hindi man lang niya ako hinintay.
Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na rin ako. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa bintana, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Bago ako tuluyang bumagsak sa lupa, nagbago ang mga kamay ko. With my wings made of fire, I flew towards Liev.
"Tsk! Anong ginagawa mo?! Bakit mo pinakita ang gift mo sa kanila?!" naiinis na sambit sa akin ng kasama ko.
I smirked. "So what? Do you think someone will believe them if they tell it?" sarkastikong sagot ko.
Isang simangot ang pinakita sa 'kin ni Liev. Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko at nagpatuloy na lang kami sa pagtakbo.
Mas lalong lumawak ang ngisi ko. I won the argument, as always. Totoo naman ang sinabi ko. Walang maniniwala sa kanila kahit sabihin pa nila 'yon.
Who would believe them if they said that they saw a phoenix?
₪₪₪₪₪₪₪₪
"S03! L04! Welcome back! As usual, nagawa niyo na naman 'yong mission niyo!"
BINABASA MO ANG
Lunar Academy: School For The Hunters
FantasiaGIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. Genre: Fantasy Language: Tagalog / English ✅COMPLETED Started: June 24, 2020 Finished: August 28, 202...