36. The strongest Heir

34.4K 1.9K 676
                                    

Nagsimula ng maglakad papunta sa gitna ng field si August at hindi nawawala ang mga tingin namin sa kaniya. Lalo na si Zeldrick na para bang hindi na kumukurap.

Nauna itong makarating sa gitna ng field. Kasunod niya ay ang pagdating na rin ng myembro ng Deities.

Unang tingin pa lang ay masasabi ko na hindi kami magkakasundo nito. Halata pa lang sa hindi mawalang ngisi niya habang naglalakad. Panigurado akong kasing ugali nito ni Zeldrick.

Nang pareho ng nakapuwesto sa gitna ng field ang dalawang maglalaban ay umalingawngaw na ang pito ng announcer.

Hinanda ni August ang armas na dala-dala niya at pumwesto ito ng pangdepensa. Sa kabilang banda ay naginat-inat pa sa gitna ng field ang myembro ng Deities na nangangalang Helix.

Hindi ito pinalagpas ni Zeldrick na bakas na naman sa mukha ang pagkairita. "Aba gago 'yon ah! Inaasar niya ba si August?!" naiinis na sambit niya.

Maski ako ay napaismid sa inakto ng taga-Deities. Kanina ko pa nakikita ang mga laban nila pero ngayon lang ako nairita sa myembro nila. Parang minamaliit niya si August.

Bakas din ang pagkairita sa mukha ni August. Marahil dito ay hindi na niya hinintay si Helix at nauna na siyang umatake.

Binuwelo ni August ang armas niya kasabay ng pagbabago ng mga mata niya.

Natauhan sa ginawa niya si Helix at nagawa nitong iwasan ang atake. Pero wala siyang kaalam-alam sa gift ng kasama namin.

Using August's gift, she changed the movement of the scythe towards Helix. Tila hindi ito inaasahan ni Helix at hindi niya ito nagawang iwasan. Dahilan ng pagtama ng scythe sa braso niya at ang pagdugo nito.

"Yes! You got him, August!" Zeldrick cheered.

Kumurba ang labi ni Zeldrick sa nagawa ng partner niya. Ngunit agad din itong nawala sa sumunod na nangyari.

Pare-parehong napaawang ang mga bibig namin nang lumiwanag sa field. Biglang tumaas ang temperatura sa paligid nang lumabas ang puting apoy sa kamay ni Helix. Sa parehong pagkakataon na pag-iwas sa atake ni August ay nagawa niya itong atakihin gamit ang mga apoy.

Kasabay ng pagbagsak ni Helix ay ang pagtilapon rin ni August nang iwasan ang atake niya. Parehong nakatanggap ng atake ang dalawa.

Naunang napatayo si Helix na hawak-hawak ang braso niyang dumudugo. Sa kabilang banda ay nahihirapang tumayo si August na ginamit ang scythe niya bilang suporta.

Pare-pareho kaming nanlumo nina Law nang makitang sunog ang kanang bahagi ng balikat ni August hanggang sa kamay niya.

"A-August," nag-aalalang sambit ni Lemon.

Bakas ang pagkaalala ng mga kasama ko. Lalo na ang lalaking nasa gilid ko na walang imik. Mahigpit ang pagkasasara ng kamao ni Zeldrick habang nakapako ang tingin sa partner niya.

I bit my lower lip. Alam ko ang nararamdaman ngayon ni Zeldrick dahil ganito rin ang naramdaman ko no'ng gano'n rin ang posisyon ni Law.

"An heir of Hephaestus, huh?" kumento ni Gin habang pinapanood ang laban.

"And he uses white fire," dagdag ni Elroy.

Pinagmasdan nang mabuti ng dalawa ang gift ni Helix. Muling napunta ang tingin ko kay August. Hindi nito alintana ang nasunog niyang balat bagkus ay mukha na naman siyang aatake.

Katulad niya ay hindi rin pinansin ni Helix ang dumudugo niyang braso. Nagawa pa niyang ngumisi na mas lalong kinairita ni Zeldrick.

The two of them got ready to launched their attack. Nauna muling umatake si August dala-dala ang armas niya.

Hindi hinayaan ni Helix na makalapit si August at inatake niya ito ng mga bolang gawa sa apoy.

Little that he knew the true ability of August's gift. Magiging malaki niyang pagkakamali ang pakikipaglaban kay August ng long range.

Nang malapit na ang mga bolang apoy kay August ay sunod-sunod itong bumalik papunta kay Helix. The fire changed its direction—she repelled it.

Natigilan si Helix sa ginawa niya at huli na nang matauhan siya. Hindi na niya nagawang iwasan ang mga atakeng siya mismo ang gumawa.

The next thing we knew, Helix was already in fire.

Nanatiling nakatayo si August at hinihintay nito ang susunod na mangyayari. Katulad niya ay hindi rin mawala ang mga tingin ng mga tao sa lalaking umaapoy.

Pigil hininga naming hinihintay ang mga nangyayari. Nang balak na sanang i-announce ng announcer na si August ang panalo ay tila huminto ito.

Pare-parehong natigilan ang mga tao sa stadium. Nang makita ko ang reaksyon ni Gin at Elroy na pinagmamasdan ang gift ni Helix ay parehong napaawang ang mga bibig nila.

Hindi ko masisisi ang reaksyon nila dahil maski rin ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Parang mabubulag ang mga mata ko dahil sa liwanag.

A normal fire is 600-800° celsius.

The white fire that Helix is using is 1300-1500° celsius.

Bibihira na ang makakita ng gano'ng apoy. Pero ang kaninang puting apoy na ginagamit ni Helix ay unti-unting nagbago.

A blue?—no...

It's a violet fire.

Kahit sobrang layo ng agwat namin ni Helix ay nararamdaman ko ang init ng apoy nito. Pansin ko rin ang unti-unting pagtunaw ng mga railings malapit sa Field.

Maski ang iilang gifteds na nakaupo malapit sa harap ay sinimulan ng gamitin ang mga gift nila para lamang hindi madamay sa init ng gift ni Helix.

Walang makagawang magsalita sa mga kasama ko. Kahit si Zeldrick ay nanatiling tahimik rin sa nakikita.

Paano ba naman kasi?

Matatanggap ko pa kung asul na apoy ang nagawang ilabas ni Helix. Even though blue fire is already 1400-1650° celsius.

But seriously? Violet-

That fire is over 71000 degrees or over a 40000° celsius.

It's almost 40 times hotter than white fire.

Habang nakatingin sa lalaking dahilan ng biglaang pag-init ng paligid ay roon ko lang napagtanto na nanginginig na pala ang mga kamay ko.

Agad ko itong tinakpan at pilit na pinahinto.

Fuck. Hindi ako makapaniwala na galing sa isang rookie ang kapangyarihan na 'yon. For pete's sake, pareho lang kaming rookie.

Alam kong nauna silang mag-aral sa akin pero parang imposible namang ganiyan na kaagad kalaki ang pagitan namin...

It almost feels like they've been through a lot.

Nanatili kaming nakatulala sa gitna ng field at natauhan na lamang kami nang magsalita ang tahimik na si Gin.

"Freaking Keon. Ano ba ang pinagdaanan ng mga rookies na 'yan?" sarkastikong bulong ni Gin. Nanatili siyang nakasalumbaba at walang ganang nakatingin sa ibaba.

Segundo lang ang tumagal, unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi. The excitement in his eyes is visible—he's amused.

"Looks like we've just witnessed the strongest Heir of Hephaestus."



Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon