24. Block A

34.3K 1.7K 469
                                    

Dumeretso kaagad ako sa block na napuntahan ko. Sabi ni Lemon ay sa Block A raw ako napunta.

Hindi nagtagal ang paghahanap ko dahil nahanap ko rin ito kaagad. Pagpasok ko sa block ay sumalubong sa akin ang ilang dosenang mga gifteds. Sa gitna ng block ay merong isang malaking platform.

Nilibot ko ang tingin ko para makita kung meron akong makikitang pamilyar na mukha. Habang naglilibot ako ay nakuha ng atensyon ko ang isang taong sumisitsit sa akin.

"Pst!"

Agad akong napatingin sa lalaking sumisitsit sa akin.

Doon ko nakita si Elroy na nakatayo sa hindi kalayuan. Agad ko itong nilapitan. Totoo ngang magkasama kami ni Elroy. Mukhang sinuwerte ako kahit pa paano.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko.

Umiling si Elroy sa tanong ko. Kasunod n'on ay ang pagkuha niya ng cellphone niya para maglaro. As expected, kahit magsisimula na ang first round ay ang paglalaro pa rin ang unang priority ni Elroy.

Habang hinihintay namin ang pagsisimula ay nilibot ko muna ulit ang tingin ko. This block is filled with strong presences at hinahanap ko ang mga gifted na naglalabas ng pinakamalalakas na presensya. Para alam ko kung sino ang mga iiwasan namin.

Habang naglilibot ay tila napako ang tingin ko sa isang babae. A girl with a braided hair who's only wearing a bikini top and shorts. Nakuha agad ng pansin ko ang tattoo sa tyan niya. She's a freaking member of the Spiders.

Nasama kaagad siya sa listahan ng mga hindi dapat namin lapitan o mga dapat naming iwasan.

Sunod na nakakuha ng atensyon ko ay ang dalawang magkatabing lalaki. A fat guy who's holding a huge axe together with a small kid with a suit.

Teka, pwede ba ang bata rito?!

Base sa itsura nila ay mukhang hindi sila galing sa dark guild o guild galing sa Academy. Maybe they're from an open guild?

Anyways, isa sila sa mga dapat namin iwasan dito kung gusto namin makaabot ni Elroy sa susunod na round.

Laking pasasalamat ko dahil hindi ko nakita rito si King o maski si Aqua. Mukhang sa ibang block sila napunta.

Habang nililibot ko ang tingin ko ay bigla na lamang tumaas ang lahat ng balahibo ko. Natigilan din si Elroy sa paglalaro nang mapansin 'yon.

Napalunok ako nang malalim at tinago ko sa bulsa ang nanginginig kong mga kamay.

Someone is watching us.

Agad kong hinanap kung sino ang gumawa no'n at napunta ang tingin ko sa isang lalaki. Napakurap pa 'ko ng ilang beses para malaman kung namamalikmata lang ba 'ko. I thought that I'm just seeing things.

If attractive was a person then I'm looking at him right now. The scar in his left eye made him more attractive.

Pero agad kong inalis sa utak ko ang mga iniisip ko. The last time I said someone was attractive almost got me killed.

Natauhan na 'ko sa pagkakamali ko kay Law. Hindi na 'ko muling magpapadala sa itsura.

Tila nagtama ang mga tingin namin na agad nagpabigat ng pakiramdam ko.

It's not because I was love-struck.

The moment our eyes met, I already knew it.

This guy is the most dangerous person in this block.

"Okay, participants! The first round is starting!"

Natauhan na lamang ako nang narinig kong may nagsalita sa speaker. Lahat ng atensyon ay napunta rito.

"The rules are simple. Any weapons are allowed. Any mythical beast or animals are also allowed, as long as it's not your familiar."

"We don't require you to use your gift this round. As long as wala kayong nilalabag sa mga rules."

"Anyone who steps outside the platform will be eliminated and will not be able to advance in the next round."

"Also, for those who will lost their consciousness will also be out in the game."

"Well then, good luck everyone! Let the clash of guilds begin!"

Pagtapos nitong magsalita ay nakuha ang mga atensyon namin sa biglaang pagtunog ng malakas na bell—hudyat na simula na ang first round.

Agad na nagsimulang magsuguran ang mga gifteds sa block. Karamihan sa kanila ay gumagamit lamang ng weapon. Mukhang ayaw rin nilang ipaalam ang mga gift nila.

"Scarlet, sa likod ka lang. 'Wag mong gagamitin ang gift mo, ako na ang bahala."

Tila nagbago ang ekspresyon ni Elroy nang magsimula ang first round. Parang ibang tao siya pagdating sa field. Doon ko lang din naalala na hindi ko pa pala alam kung ano ang gift ni Elroy.

Gagamitin... niya kaya 'yon?

Sinunod ko ang sinabi niya at nagtago ako sa likod niya. Nagsimula na ring sumugod sa amin ang ilang mga gifted.

Elroy's eyes changed. It turned... checkered?!

Kasunod n'on ay ang pagkuha ni Elroy ng kung ano sa bulsa niya. Hindi ako makapaniwala nang makita ang kinuha niya.

Chess... pieces?!

"J-Jeez Erloy, hindi na 'to laro!" giit ko rito. Akala ko pa naman ay seryoso na si Elroy!

I paused when I saw his reaction. Napangisi lamang ito sa sinabi ko. "I'm an heir of Hermes. I always play games."

Hindi ako nakapag-react kaagad sa sinabi niya. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatingin kay Elroy habang hinahagis niya ang mga pyesa sa chess.

Natigilan na lamang ako nang makitang nagbago ang mga ito. The chess pieces turned real.

The chess knights became real knights, the same thing happened to the others.

The next thing I knew, napalilibutan na kami ni Elroy ng hukbo ng mga kabalyero.

I was shocked and amazed at the same time. Elroy's gift was freaking awesome.

Walang makagawang makalapit sa amin dahil sa gift niya. Hindi lamang defense ang kaya ng mga ito dahil umaatake rin sila.

There's nothing left for me to do. Totoo ngang si Elroy na ang bahala sa lahat. But this only means na may disadvantage na siya sa susunod na round dahil pinakita na niya ang gift niya.

"Don't worry about me."

Nabigla ako nang magsalita si Elroy. Parang nababasa nito ang nasa isip ko.

"Reserve your strength. Mas kakailanganin mo 'yan para sa susunod na round."

Hindi ko mapigilang mapahanga sa kaniya. He's really acting like a senior. Kahit hindi mukhang seryoso siya sa una ay maasahan talaga siya kapag kinakailangan.

Lemon is really lucky having him as her partner.

Well, I'm also lucky with mine.

That's why we need to win this round. Sigurado rin akong seryoso rin ang ibang mga myembro namin sa ibang blocks. Dapat lang na magseryoso din kami rito.

We will win in this event.



Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon