34. Rebound Eyes

35.8K 1.9K 147
                                    

"Saan ka nanggaling, Apple head?"

Bungad sa akin ni Zeldrick nang makabalik ako sa pwesto namin. Magkakrus ang braso niya at walang ganang nakatingin sa field.

"A-Ah, uminom lang."

"Tagal mo. Hindi mo man lang nagood luck si Law," walang ganang aniya.

Umangat ang dalawang kilay ko sa narinig. Doon ko lang napansin na wala na sa pwesto niya si Law. Agad napunta ang tingin ko sa field kung saan nagsisimula ng pumwesto sa gitna ang lalaking hinahanap ko.

Nang tignan ko ang screen ay roon ko nakita na si Law na pala ang susunod.

Law from the Grim Reapers and-

Varis from the Spiders.

Napaawang ang bibig ko sa nabasa. Law's opponent... is from the Spiders. Hindi na ito tulad nang laban ni August na familiar lang. Totoong laban na ito.

Sigurado akong nakuha na rin namin ang pansin ng mga Spiders dahil sa pagkapanalo ni August laban sa kanila. Paniguradong hindi nila basta-basta tatapusin ang laban hangga't hindi malala ang natatamo ni Law.

Hindi ko mapigilang kabahan. Paano kung-

"Oi, oi. Masyado kang nag-aalala, hood," sambit sa akin ni Zeldrick.

Kasunod n'on ay ang pagtawa niya. Ginaya niya ang pananalita ni Law. He glanced at me. "Sigurado akong 'yan ang sasabihin sa'yo ng kupal na 'yon kapag nakita ka niya," dagdag niya.

Muling bumalik ang tingin niya sa field. "Don't worry, apple head. No matter who it is, it's Law that we're talking about. Hindi basta-basta natatalo 'yon." Pagpapagaan ni Zeldrick ng loob ko.

Sinunod ko ang payo niya at inalis ang pag-iisip sa utak ko. Umupo na lamang ako sa bench at pinagmasdan ang magiging laban.

Ngunit hindi pa tumatagal ng ilang segundo ang panonood ko ay agad nawala ang pagpapakalma ko sa sarili ko nang makita ang makakalaban ni Law. Namimilog ang mga mata kong nakatingin dito. Isa itong malaking tao na may dala-dalang malaking palakol.

Unti-unting napaawang ang bibig ko sa nakita. Mas lalo akong kinabahan nang makitang ni walang isang dala si Law na weapon.

Tangina, nasaan na 'yong suitcase na dinala niya?! Para saan 'yon, palamuti lang?!

Tila bumigat ang paghinga ko nang umalingawngaw ang tunog ng pito ng announcer hudyat na simula na ang laban. Lahat ng tingin ng mga kasama ko ay nasa gitna ng field.

After the signal, Varis form the Spiders attacked first. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nagbago na ang mata niya pero wala itong ability na pinapakita. Sa kabilang banda ay sinimulang iwasan ni Law ang mga atake niya.

Why won't Law... use his gift instead?

Laki ang tuwa ko nang mapansin na nagbago na ang mga mata ni Law. Sinalo niya ang atake ni Varis at hinawakan ang palakol nito. Hinintay kong masira ang malaking palakol pero imbis na mangyari 'yon ay nanlumo na lamang ako nang makita dumudugo ang kanang braso ni Law.

Pare-parehong napaawang ang mga bibig ng mga kasama ko. Sabay-sabay kaming napasinghap.

"W-What the fuck happened?" hindi makapaniwalang sambit ni Zeldrick.

"L-Law's gift didn't worked?" dagdag ni Lemon.

Maski ako ay naguguluhan rin. Kakayahan ni Law na sirain ang kahit anong bagay na hawakan niya. Kung gano'n, bakit hindi gumana?

"Oh, that's the infamous Rebound Eyes, huh?" kumento ni Gin habang nanonood. Nakasalumbaba siya at walang ganang nakatingin sa naglalaban.

Nakuha niya ang mga atensyon namin. Rebound eyes?

"Anong ibig mong sabihin, Gin?" giit ni August.

Gin heaved a sigh first before answering. "Kilala ang gift na 'yon sa mga Spiders, ang gift na kaya raw na ipantapat sa Stone Eyes ni Xilah. Ang kakayahan na ibalik ang epekto ng gift sa may-ari nito," pagpapaliwanag niya habang nanatiling nakatingin sa laban.

"But unlike Xilah na gumagana sa mga counter type at mga familiars, ang rebound eyes ay nagagamit naman sa mga counter at control type. It's a troublesome gift for gifteds," dagdag niya.

Natigilan ang mga kasama ko sa nalaman. Bumakas ang pagkairita ni August sa mukha niya.

"Then why didn't you told Law?! Alam mo naman pala?!" giit niya.

Nanatili akong nakatingin dito habang punong-puno siya ng emosyon. That's when I realize while watching August. She must really like Law. Ibang-iba ang nararamdaman niya para kay Law kumpara sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip.

Mas worth it ba 'ko bilang isang partner ni Law? Kung si August kaya ang kasama ni Law sa unang mission namin, hindi masasaktan si Law katulad ng nangyari no'ng kasama niya 'ko?

"It's not my fault. Alam ko lang na merong gano'ng gift sa Spiders. Pero hindi ko alam kung kanino," seryosong sambit ni Gin.

"At isa pa, hindi iyan mangyayari kung hindi pinairal ni Law ang kayabangan niya at pinatagal niya pa ang paggamit ng gift niya. Kung hindi niya pa hinintay na gamitin ng kalaban niya ang gift nito ay maca-cancel niya ito kaagad," dagdag niya.

Hindi nagawang makasagot ni August sa sinabi ni Gin. He has a point. And knowing Law, panigurado ngang katulad ng ginawa ni Zeldrick ay hinintay niya munang gamitin ng kalaban niya ang gift nito.

But unlike Zeldrick, walang plano si Law. Gusto niya lang makita ang gift ng kalaban para may thrill. Sigurado akong malaki na ang tiwala ni Law sa gift niya kaya hindi na siya natatakot pa sa ibang gift... not knowing the ability of his opponent.

Wala kaming nagawa kung hindi panoorin lang umiwas sa pag-atake ni Varis si Law. Hindi ko mapigilang mapaismid habang pinapanood ito. Tila nangangati ang mga kamay kong gumalaw at gusto kong tulungan si Law. Pero alam kong hindi iyon maari. Ang kailangan ko lang gawin ay pagkatiwalaan siya.

He's my partner after all. I know he can do it—I know he can.

Tumagal ng ilang minuto ang laban at bakas sa mukha ng dalawang naglalaban ang pagod. Wala ring tigil sa pagdurugo ang kanang braso ni Law.

Kanina pa naiirita sa gilid ko si August habang nanonood. While Zeldrick kept teasing her. But still, bakas sa mukha ni Zeldrick ang pagkalungkot. Isinisiwalang bahala lamang niya ito sa pamamagitan sa pang-aasar kay August.

Hindi ko masisi si Zeldrick. Sigurado akong mahalaga para sa kaniya si August, kahit siya mismo ay hindi pa nare-realize 'yon. Pero darating-

"L-Law!"

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Lemon. Natauhan ako at muling napunta ang tingin ko sa field.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan nang makita kong napaluhod si Law at nakayuko. Nanghihina na siya at hindi na niya magawang makatayo.

Sa kabilang banda ay papalapit na sa kaniya ang kalaban dala-dala ang malaking palakol nito. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko habang pinapanood ang mga nangyayari.

Hindi na magawang makatingin man lang ni Law kay Varis habang papalapit na ito nang papalapit sa kaniya.

Natauhan na lang ako nang makita kong bumwelo si Varis para atakihin si Law gamit ang palakol. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at natagpuan ko na lamang ang sarili kong napatayo at tinawag ang pangalan niya.

"Law!"

Parang bumagal ang oras nang tuluyan ng bumagsak ang palakol. Ngunit bago pa ito tuluyang tumama kay Law ay nagawa niya itong hawakan.

Hindi katulad ng nangyari no'ng nauna ay hindi bumalik ang epekto kay Law ng gift niya. Bagkus ay unti-unting nawarak ang palakol nang hawakan niya ito.

Pare-parehong natigilan ang mga nanonood sa nangyari. Maski ang mga kasama ko ay napatulala rin. Maliban kay Gin na nakakurba ang labi.

"Though, malakas nga ang gift na Rebound ay wala itong epekto sa oras na hindi mo nakikita ang mata ng may-ari nito," nakangising sambit ni Gin.

"Mukhang napagtanto na rin 'yon ni Gago."



Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon